6.

2.1K 42 1
                                    

"Ano??" naguguluhang tanong ni Julie kay Sef

"Sumama ka na sa akin Julie"

hinawakan nito ang magkabilang kamay nya

"Anong pinagsasabi mo Sef? may asawa na ako!"

"Pero ako ang mahal mo di ba?" buong pagsuyo itong tumingin sa kanya

nalilito si Julie sa nangyayari lalo na higit sa nararamdaman nya para kay Sef

"Sef.."

"Julie..nangako ka.. tayong dalawa ang nagmamahalan.. hindi mo na ba ako mahal?"

"Sef..please.. naguguluhan ako.."

"Bakit naguguluhan ka, ako ang mahal mo..dapat lang na tayo ang magsama Julie.."

sa sinabi nito biglang bumangon ang galit nya para rito

"may gana ka pang sabihin yan ngayon? iniwan mo ako sa ere nung kailangan kita, nasaan ka noong panahon ikakasal ako kay Elmo?? iniwan mo ako!"

"Hindi Julie..." iling nito sa kanya na lalong ikinainis nya dito

"Anong Hindi??Nasa simbahan ka non, pero di mo pinigilan ang kasal! hinintay kita para ipaglaban ako!! tapos ngayon, bigla ka na lang susulpot na para bang walang nangyari! ayoko na makipag usap sayo Sef, please lang umalis ka na!"

"Julie makinig ka! ginawa ko lang y-

"Ayaw ko na makinig sa sasabihin mo! umalis ka na lang! wala na tayong dapat pang pag-usapan!"

sabay bawi nya ng mga kamay at tumalikod

"Julie!! alam ni Elmo ang tungkol dito!!"

natigilan siya sa sinabing iyon ni Sef

"Anong ibig mong sabihin?" lingon nya sa kinatatayuan nito

"Plano namin na lahat ng ito Julie..ako nagsabi sa kanya na pakasalan ka nya!"

"Ano?? Anong pinagsasaabi mo???"

"Sinabi ko sa kanya na iiwas ako at siya na ang bahalang gumawa ng paraan para mapakasalan ka nya, ayaw kasi  ng mga magulang mo sa akin.. eto lang naisip kong paraan para makuha ka! Julie.. ayaw ko na kasi ng patagong relasyon..pumayag si Elmo..at nagkasundo kami"

"Hindi..imposible yang sinasabi mo!!" tanggi nya sa sinasabi ni Sef,

"Tanungin mo kay Elmo! siya mismo makakapagsabi sayo,nagkita kami kahapon, sinabi ko na sa kanya ang lahat tungkol dito, pati ang pagbabalik ko sayo!"

parang bombang sumabog sa katauhan ni Julie ang pahayag na iyon ni Sef

"Nagkita kayo kahapon???" gulong gulo napaisip si Julie, kaya ba ito naglasing?? kaya ba ito nagyaya ng date sa kanya...pero ang date pala na sinasabi nito ay ang pagdating ni Sef???

"Oo..at nag-usap kami, sabi ko kukunin na kita..mahal na mahal pa rin kita Julie, nagawa ko lang ito dahil..dahil sa pagmamahal ko sayo.. alam mong ayaw ng magulang mo sa akin...takot akong mawala...kaya kinuntsaba ko si Elmo para makasama ka Julie..."

"Hindi ko na alam kung anong iisipin..please..Umalis ka na Sef"

"Pero Julie!"

bago pa siya mahabol ni Sef, sinarado nya na ang pinto at nagmamadaling tumakbo sa kwarto

tulalang napaupo si Julie sa kama, Pinagdugtong dugtong nya ang lahat nang nangyari sa pagsamama nila ni Elmo, Ang pagpipikot nito sa kanya, Ang Kasal, ang Pagiging malambing at maunawaing asawa sa kanya...All this time... isa lang pala itong palabas???? isang pagkukunwari..planado nilang dalawa ni Sef!!!!

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon