Chapter 11: Meet the parents

Start from the beginning
                                    

'Lets go' nakita ko ang pagkabigla niya ng hinimas ko ang binti niya. Sabay kaming tumayo, kinuha niya muna ang coat niya bago kami lumabas ng opisina.

'Trina.. I'll go ahead' tumango lang si Trina sa kanya at ngumiti naman to sakin.

Sobrang kabado ko ng dumating na kami sa Shang. Ibinigay niya sa valet ang susi and he positioned his arm on my waist.

'Which restaurant?' I asked.

'Sage' tumango lang ako. I'm sure his mom choose that restaurant, tita really has an eye for good food.

Iginiya kami agad ng waiter ng restaurant, tumigil yata ang tibok ng puso ko ng mamataan ang Don.. he actually aged a bit pero maaaninag parin ang maotoridad nitong aura. Bumaling naman ang mata ko sa mommy ni Zach, Dalene Dela Silva, she didn't age a bit, still pretty. Natigilan ako ng tumayo ito ng makita kami, maging si Don Clemente ay nag angat ng tingin. Parang gusto kong maiyak ng makita ang malambing na ngiti ni Tita Dalene.. his family will always have a special place in my heart. Lalo na si Lolo Clemente na itinuring na akong apo.

'Alli?' Nag angat ako ng tingin kay Zach at nakita ko ang pamilyar na emosyon sa mga mata niya. Longing. Nagpatuloy na kami sa paglakad patungo sa kanila and I couldn't stop myself from shedding a tear when his mom hugged me. Agad ko namang pinunasan ang luhang pumatak at sinuklian ko ng mahigpit na yakap.

'Oh dear.. I missed you. We all missed you hija' maging si tita ay nagpunas ng luha ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.

'Ako rin po' nangingilid na naman ang luha ko ng mapalingon kay lolo Clemente na nakangiting nakatitig lang samin.

'Do I deserve a hug too?' Malumanay nitong tanong at umikot ako para yakapin siya ng mahigpit. 'Our Miss Esquibelle..' tuluyan ng pumatak ang luha ko ng hinaplos nito ang buhok ko.. 'Finally, my grandson found you again.' Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at napalingon kay Zach na tahimik ngunit nakangiting nagmamasid lang samin. Sumenyas siya sakin na umupo sa tabi niya, tumango naman ako at tumalima.

'Look at them Papa' nakangiting sambit ng mommy ni Zach. 'Who would have thought that they'll have a second chance?'

'I've been praying for this day Alli. That you'll come back and be with Zach again..' nakakatuwa pero gusto kong manliit sa sinabi nila, kung alam lang nila na ginagawa ko lang to para sa negosyo ni daddy, they'd hate me.

'Mom, lo.. have you ordered?' Alam kong pinilit ibahin ni Zach ang topic dahil napahawak ito sa kamay ko.

'Oh yes we did, Sage is known for their steak and alam naming paborito mo ang steak hija.' Malaki ang naging parte ng pamilya ni Zach sa relasyon namin noon. They've been our number 1 support system, ang lolo ni Zach, tinuro niya samin ang mga sekreto kung paano maging successful sa business and I can see Zach applying it to his businesses, his mom.. his mom taught me how to cook filipino food. Lagi akong tumatambay sa kanila noon and his sister, taught me how to do make up..

'Si Ate Zyla po pala?' The last thing I heard from her is kinuha siya ng isang sikat na modeling agency sa New York. That was all over social media.

'She's currently in Italy now Alli. May ginagawang campaign ad for a lingerie brand.' Dumating na ang order namin pero patuloy parin ang usapan namin.

'So how did you found her hijo?' Natigilan ako sa pagsubo sa steak, hindi namin napag-usapan ang tungkol dito. Paano kung iba kami ng isasagot?

'Through her dad.' Napatitig ako kay Zach. Anong ginagawa niya? Sasabihin niya ang totoo?

'So Emilio finally spilled the news for you. Alam mo ba hija na antagal bago siya sumuko sa paghahanap sayo. He actually went to France' this time nailapag ko sa mesa ang kubyertos, he did? 'He and Zyla went to your biological mom's place to find you pero wala silang nagawa dahil talagang hindi pinaalam ng mommy mo kung nasaan ka'

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now