Enjoy reading!
__________________________
Warning: TYPOS AND WRONG GRAMMAR
"Hello Manang T! Mas maganda ka sa umaga, hehehe."
"Ikaw Ineng wag ako lokohin. Ako alam iyo plano, ikaw balak utang," striktang tugon sa akin ni Manang T. At opo, isa po siyang Chinese. Malay ko ba rito, ilang taon na ngang naninirahan dito sa Pilipinas pero 'yong dila niya baluktot na ewan. Tss.
"Ba't alam po ninyo? Hindi pa kasi nakapagpadala ng pera si Mama at saktong ubos na 'yong supplies ko. Hindi pa po ako na nakapaghapunan kagabi dahil walang wala po talaga. Alam ko rin po na ma---" Syempre, it was just a lie. Wala akong nanay, no!
"Oh, ikaw wag na puro salita. Ako memorize na lahat sasabihin mo. Ito na uutangin mo. Ikaw lagot 'pag ikaw hindi bayad!" Sabi ko na nga ba di ako matitiis neto! Isa sa pinakagusto dito kay Manang T ay ang pagiging mabait niya. Bilang negosyante ay talagang strikto siya, kumbaga business minded. Pero mabait naman siya bilang kapitbahay.
"Wag kang mag alala Manang T! Babayaran ko po talaga to. Salamat at," ngumiti ako sa kanya at paatras na naglakad ".... ikaw wag alala, ako bahala sa maling grammar mo!" Kumindat ako sa kaniya at bumungisngis. Bago pa man ako tuluyang tumakbo pabalik sa bahay ay nakita ko ang pag-irap niya. Bwahahaha!
Pagbukas sa apartment ay pumunta agad ako sa kusina at hinanda ang mga kubyertos. Sa ilang buwan na paninirahan ko dito, di pa rin ako sanay na kumain mag-isa. Nasa ibang lungsod naninirahan ang mga magulang ko at wala din akong mga kapamilya dito. Kaya kung nasa tag-gipit ako ay wala akong mahihingian ng tulong. Marahas na nilunok ko ang pagkain na nasa bibig ko dahil may bumabara sa lalamunan ko. Pinili ko rin naman ito so dapat panindigan ko!
"Aside from the Long Division method, we have another method that can be used to solve this equation called Synthetic Division. It is very......"
Napapatulala ka talaga sa ganda ni Ma'am Armis. Nakakaagaw pansin kasi 'yong matangos na ilong at manipis na labi niya. Idagdag mo pa na pangmodel 'yung height niya. Di kaputian pero attractive ang kulay ng balat niya. Kaya imbes na makinig 'eh para kang nanunood ng TV, artistahin kasi. Hindi ako natitibo ha? Nakakadistract at nakakainggit lang talaga 'yong kagandahan niya.
Naisip ko tuloy kung bakit niya napiling maging guro? Sa ganda niyang 'yan ay qualified siya bilang artista. I mean, maganda ang pagiging guro okay? Isa kaya 'yon sa pinakamarangal at pinakamagandang way upang makatulong sa kapwa. Talented din kaya itong si Ma'am! Active din siya dito sa school. Siya palagi iyong emcee kapag may program and activities. Bukod sa angking ganda, mabait din siya sa kanyang mga estudyante. 'Di ko sasabihin na hindi siya nagagalit dahil imposible ata 'yon. Ah basta! PangWattpad talaga ang beauty at characteristic niya. Gawan ko kaya siya ng kwento at siya ang bida? Err, on the second thought, wag na pala. Masyado akong busy 'no!
"....okay now, get a one whole sheet of paper and answer this pages numbered 231-234."
Mabilis ko lang natapos ang exercises na binigay ni Ma'am. Sisiw lang 'yun sa'kin kasi napag-aralan ko na iyon noong nakaraang araw. Hapon na rin naman kaya napagpasyahan ko na umuwi na nang maaga.
Lumabas na agad ako sa room pagkatapos kong ibinigay ang sinagutang papel ko at nagpaalam sa guro. Nagtungo agad ako sa locker room at inilagay doon ang mga libro ko. Napatingin ako sa salamin ngunit nagulat ako ng makita ang taong kahapon ko pa iniiwasan. Nag-isip muna ako ng paraan kung papaaano ko siya matakasan bago tuluyang sinara ang locker ko. Mula dito sa Locker Area ay madadaanan pa ang open-field patungong gate. Kung sa corridor ako dadaan, maraming hakbang pa ang ilalakad ko bago makarating doon pero matatakasan ko siya.
"EX," may baritonong boses ang nagsalita mula sa likuran ko. So, ako pala talaga ang pakay niya rito? Siya nga pala si Aeithan Rex Enric Saavedra. Wala na akong kawala kaya minabuti ko na lamang ang lumingon at umaktong normal, ngumiti ako sa kanya sabay wikang, "Yes Ares? Do you need something?"
"Nah, I just want to remind you that we'll be having a meeting tomorrow at our clubroom. Exactly 5:00 am. Ciao!" He turned his back and waved his right hand lamely. Di naman masyadong malamig 'yong tinig niya pero, alam mo yun? Nakakatindig balahibo, parang patay lang. Nakakapagtaka rin, usually kasi kapag may meeting di naman siya nagpapaalala. Kahit na magclassmates kayo, 'di 'yan makikipag-usap o magpaparemind ukol sa club. Oh well. Nagkibalikat na lamang ako and let it slipped. May pasok pa pala ako sa trabaho ngayon.
