1.

3.8K 54 2
                                    

"Do you Julie anne San Jose accept Elmo Magalona to be your husband?  Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?"

Hindi matagalan ni Julie ang tingin ng pari sa kanya, napatingin siya sa lalaking pakakasalan nya, nakita nya ang pag-alala sa mukha nito, hinhintay ang sagot nya..sa huling sandali muli siyang tumingin sa paligid, at nakita nya ang mga tao doon na nakatunghay din sa kanya, iisang tao lang ang importante sa kanya ng oras na yon at sa pagbaling nya sa pintuan ng simabahan nakita nya ang tao na yon

"Eherm.."

hindi inintindi ni Julie ang pahaging na sabi ng yon ng pari

"Julie...tinatanong ka ni Father" inagaw ni Elmo ang paningin nya sa direksyon ni Sef, muli siyang napatingin sa mukha ni father at pabuntong hininga itong nagsalita

"Okay, i'll repeat the question..Do you Julie anne San Jose accept Elmo Magalona to be your husband?  Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?"

"I..." litong lito siya, muli siyang napalingon sa likuran, at kitang kita nya ang pagtulo ng luha ng lalaking pinangakuan ng habambuhay..

"Julie" bulong ni Elmo sa tenga nya

nakita nya si Father na naiinip na nakatingin sa kanya, pero hindi iyon mahalaga, muli niyang nilingon ang kinatatayuan ni Sef, pero laking panlulumo nya nang makitang wala na ito

hinawakan siya ni Elmo sa braso "Julie, ngayon ka pa ba aatras?"

"Julie..do you want me to repeat again the question?" tanong ulit ng pari sa kanya

mamasa masa ang matang napatingin siya sa pari at nagsalita

"Hindi na po father... I..I do.."

muling pumailanlang ang boses ng pari sa kabuuan ng simabahan

"I NOW PRONOUNCE YOU, HUSBAND AND WIFE"

habang dahan dahan siyang hinalikan ni Elmo, ipinikit nya ng mariin ang mga mata kasabay ang unti unting pagdurog ng puso nya

.

.

.

Binuhat siya ni Elmo nang makarating sa bagong bahay na regalo ng parents nito, pero bago gawin iyon ni Elmo papiksi niyang inalis ang mga kamay nito

"Pwede ba? wag na tayo mag pretend na para bang may nararamdaman tayo sa isa't isa, mag asawa lang tayo sa papel, yun lang" at dire dretsong umalis sa harapan nito

pabuntong hiningang tiningnan ni Elmo ang asawa paakyat sa kanilang krwato

.

.

.

"O? anong ginagawa mo dito?"

yon kaagad ang bumungad kay Elmo pagpasok pa lang ng kwarto nila

"Kwarto natin to, sa pagkakaalam ko" balewalang tuloy tuloy na pumasok si Elmo papuntang cabinet binuksan nya iyon at laking gulat nya na wala doon ang mga damit nya

"Ipinalipat ko ang mga gamit mo sa kabilang kwarto, masydao malaki itong bahay para magsiksikan tayo sa iisang kwarto"

hindi mapakaniwalang napatingin si Elmo sa salamin kung saan sinusuklay ni Julie ang mahaba nitong buhok

"Mag asawa tayo! kaya may karapatan akong matulog at tumabi sayo!"

"Patawa ka! kahit kailan hindi kita matuturing na asawa! kung gusto mo dito matulog, pwes mag-isa ka!!"

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrWhere stories live. Discover now