At ngayon umiisip ako ng paraan para maiwasan ang nararamdaman ko. I wanted to kill it before it grows, before it consumes me.

Patayin ko na lang kaya ang taong yun?

I could do it. I have powers but I will lost my soul. I will be sent underground and will be powerless. And the other nymphs would consider me their enemy and eventually I will have to fight my own kind. Ayaw kong mangyari yun.

At hindi ako dapat nag iisip ng ganun. I’m a nymph for God’s sake!

Pero ayaw ko talagang umibig sa isang tao. Over my dead shell…

“Ouch!” Napahawak ako bigla sa ilong ko na nabangga sa pader. Napatingin ako sa paligid.

Saan na ako? Sa pag iisip ko hindi ko na napansin kung saang lupalop ako ng Orchidarium napunta. Dapat kasi nagteleport na lang ako papunta sa bahay ko dahil alam ko naman na paiba iba ang mga location ng lugar dito.

Napatingin ako sa paligid. The place is covered in white crystals. Naririnig ko pa ang pag agos ng tubig na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling. The place is cold and might be freezing for humans but tolerable for us nymphs.

May ganitong klaseng lugar pala sa Orchidarium.  I walked further hanggang sa makarating ako sa isang hallway. And further I saw a door made of pink crystals. Napukaw nito ang interest ko at naglakad pa ako palapit sa pinto.

I was about to open the door when I felt a familiar tugging.

“Oh shit!” Damn!

I tried to fight it but it was too strong hanggang sa nagpaubaya na lang ako. And soon I was teleported to the stupid guy who is now drowning.

“Sige lang mamatay ka lang. Go!” I muttered silently.

Parang tanga kasi, hindi naman pala marunong lumangoy dito pa napiling maligo sa malalim na bahagi ng lake.

He is now struggling for breath habang nakatingin ako sa kanya. Tapos napatingin siya sa akin na nakatayo sa  lake.

“Help me!” Sabi pa ng tangang lalaki sa akin. Oo nga pala nakikita niya ako. May third eye pala siya. Kainis. Bakit ba kasi kapag nagmahal ang isang nymph sa isang tao  automatic na naging responsibilidad niya ang taong yun. The soul become entertwined with the human and the nymph could feel whenever the human is in danger at nangangailangan ng tulong.

Yan ang nangyari sa akin kanina. I was suddenly teleported to his location because he is in danger. In danger of dying. At ngayon nga habang malapit na siya mamatay gustong gusto ng isip ko na hayaan na lang siyang mamatay pero ang buong pagkatao ko nagsusumigaw na tulungan siya. Now na! I groaned.

Bakit kasi hindi na lang kami naging katulad ng mga tao na automatic na tumitibok ang puso. Na kahit in love na,  pwede ba ding i-deny at baliwalain. Na pwede pa ding maging manhid? Napabuntunghininga ako.

If only we are not wired to care too much when we’re in love sana makakaya kong panoorin siyang mamatay. But we’re not and because of that, before I know it, I was already diving towards him and pulling him out of the water. AT nung maiahon ko na siya, I was already sulking.

AT nung mahimasmasan na siguro siya, napatingin siya sa akin.

“Maraming salamat.” Hindi ako sumagot kasi masama pa din ang loob ko na iniligtas ko siya. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pero hindi nakawala sa paningin ko ang napakaamong anyo niya. At habang tinitingnan ko siya, hindi din maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. 

“Sabi ko maraming salamat.” Ulit pa niya at lalo akong sumimangot.

“Tanga ka!” Sabi ko sa sobrang inis. Inis sa kanya at sa sarili ko.

“Huh?’

“Kung hindi ka tanga, hindi ka pupunta sa malalim. Hindi ka naman pala marunong lumangoy.” At kung hindi niya yun ginawa hindi ako napilitang i-save siya.

“Marunong akong lumangoy. Nagkaroon lang ako ng cramps.” Sagot pa niya.  Palusot pa niya. Tumaas ang kilay ko at hindi ko tinago yun sa kanya.

“Alam mo sa lahat ng multo, ikaw ang atribida. Pero bakit andito ka? Iniistalk mo ako ano? Crush mo ako?” Siguro kung may kakayahan lang akong magblush, nagblush na ako dahil malapit na sa totoo ang sinabi niya. At ang masama mas malala pa sa crush ang nararamdaman ko sa kanya.

“At bakit naman ako magkakagusto sayo? Isang hamak na tao ka lang.Hindi ka kagusto gusto. Binulabog mo lang ang kaluluwa ko kaya andito ako. Pero ang totoo niyan ayaw kitang makita.” Kung pwede lang sana. Tumalikod na ako at iniwan siya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nung nagsalita siya.  

“Stop.” And I immediately stopped. I cursed silently. Bwisit talaga.

I hate this. I really really hate this. Kaya ayokong mainlove sa mga tao. Dahil kapag nainlove ang mga katulad ko sa kanila. There words become our law. We cannot deny their request. Their silent thoughts and wishes is like a command. Hindi kami makakatanggi at ayaw ko ng ganun. Kaya mas gusto kong mainlove sa katulad ko kaysa sa isang walang kwentang tao.

“Mag usap muna tayo.” Great!

Just great!

The Nymph of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon