Nag usap sila Xamara at Yumi pero ako? Parang wala akong naririnig kasi busy ako sa pag iisip sa kapatid ko. Wala kasi sa ugali ni Xandra ang maging  ganun, pero kaya siguro siya naging ganun kasi di niya pa din nakakalimutan yung nangyare sa kanila ni Xander 3 years ago. Pero sana kung asan man siya ngaun okay lang siya. Gusto ko na siya makita uli.

Xannon. Yuhoooo! Xannoooooooooooon! ----- sigaw ni Xamara sa tenga ko -_- Takte! Buti na lang babae to at nevermind -_-

Ano ba yun? Tsaka bakit mo ba ako sinagawan? Tsk ----- masungit kung sabi. Pero kunwari lang yun. Asa pa naman na masungitan ko to. 

E kasi naman kanina pa kita tinatawag jan pero di mo ako pinapansin. Bingi kaba ha? E parang wala ka sa sarili mo eh. Tulala ka habang nakatayo jan. Para kang timang ----- masungit na sabi ni Xamara. At may taas kilang effect pa yan ha. Tsk. Kahit kailan talaga napakaSUNGIT niya SAKIN. Oo, sakin lang. Kasi kela Yosh di naman ganyan yan. Ano kaya meron sakin at ganyan kasungit to sakin? Tsk

Sorry. May iniisip lang ako. Tsk. May sasabihin kaba? ----- sabi ko

Xamara's POV

Sorry. May iniisip lang ako. Tsk. May sasabihin kaba? ----- Tanong ni Xannon. Pero bakit mukhang may problema tong taong to? Tsk. 

Meron. Itatanong ko lang kung asan yung kaibigan namin at kung kelan siya babalik? ----- tanong ko sa kanya. Pero nung tinanong ko sa kanya yun bigla na lang nag bago ang expression ng mukha niya. Sabi na nga may kakaiba dito eh. Itatanong ko sa kanya yun. Kailangan ko malaman kung bakit ganito siya. Kasi sa loob ng 3 taon na magkasama kaming lahat never ko pa siyang nakitang ganito. Pero dahil mabait ako kakausapin ko na talaga siya. 

Xannon, usap tayo sa labas. Tara. Bilis ----- sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng event at nakarating kami sa may park. Buti na lang may park na malapit dito. Ngaun makakausap ko na siya. 

Spill ---- sabi ko sa kanya pero parang nag taga siya kung bakit ko sinabi yun. Tsk. 

Sabihin mo kung bakit ka nag kakaganyan, Xannon. Alam kong may problema ka. Tungkol ba kay Xandra kung bakit ka ganyan? ----- sabi ko habang nakatingin sa kanya. At kitang kita ko kung pano siya naging malungkot. Ngaun ko lang siya nakitang ganito. 

Xamara, sasabihin ko sayo pero sana wag mo sasabihin sa iba. Alam kong madaldal ka pero alam kong mapagkakatiwalaan ka. Lalo na sa mga ganitong bagay ----- sabi niya. Takte. Okay na sana eh. Pero kailangan ba pati pagiging madaldal ko madamay nanaman? Tsk.

Sige. Ano ba yun? Sabihin mo na, makikinig lang ako sayo. 

Okay. Ganito kasi yun. Diba umalis si Xandra 3 years ago? Nung una okay pa siya kasi tumatawag pa siya samin. Pero ilang beses lang nangyare yun. Ang akala namin naging busy lang siya at akala din namin naging busy siya sa pag papagamot niya dun. Pero mali kami. Kasi hanggang ngaun di pa din siya tumatawag o kahit nga paramdam wala eh. Yun din ang dahilan ko kung bakit di ko kayo sinasagot sa tanong niyo sakin kasi kahit ako di ko alam ang sagot sa tanong niyo. At nag panggap ako na alam ko kung asan siya at kung kelan siya babalik para di kayo mag alala sa kanya. Kasi yun lang ang kaya kong gawin para di na din kayo mag alala sa kanya.  Kaya sana wag mo sabihin sa kanila. Inatyin na lang siguro natin na kusang bumalik satin si Xandra. Alam ko naman na malapit na yun eh. ----- mahabang sabi ni Xannon sakin. Ngaun alam ko kung bakit siya ganun nung mga nakaraang taon. 

Okay, sige. Di ko sasabihin sa kanila. Pero may magagawa ba tayo para makita siya ng mas mabilis? ----- tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sakin. At alam ko na ang ibig sabihin nun. Na wala kaming magagawa at iintayin na lang namin makabalik si Xandra. 

Pero ang tanong, babalik pa nga ba siya o mag iintay na lang kami sa wala? 

----------

Takte. Parang wala sa ugali ni Xannon sa totooong buhay ang pinakita niya jan. Haha. Wala sa personality ang malungkot XD At ito lang nakaya ko. Haha. Susundan ko na lang agad XD

-Isha

It Started With A GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin