PROLOGUE

227 0 0
                                    

"Minsan, kung sino pa yung may paningin, sila pa talaga yung madalas na bulag."

Isang tao ang minsang nagsabi sa'kin ng linyang iyan. Nung una nalito ako, di ko alam ang gusto niyang sabihin. Tinanong ko pa siya noon, "Bakit naman?" tapos tinawanan niya lang ako sabi pa niya,"Eh kase,madalas, yung mga bagay na mahalaga, yun  pa yung hindi nila nakikita."

Pero siguro, tama siya dahil may mga bagay talaga sa buhay na madalas nating hindi makita, mga bagay na nandyan lang sa tabi-tabi pero masyado tayong bulag para mapansin,mga bagay na gusto nating makita pero hindi naman natin mahanap at higit sa lahat, mga taong mahal na mahal natin ng sobra sobra na pilit nating minamahal pero hindi naman pala para talaga sa atin.

Siya si Jenine, ang nagbigay liwanag sa madilim kong mundo.

sa mga bulag kong mata. . .

at sa natutulog kong puso. .  

My Bubbly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon