Chapter 1

52.9K 874 15
                                    

Sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay ang pumutol sa mahimbing na pagtulog ni Dona.

"Tao po?! Tao po?!" Sinabayan pa ng boses na nagmumula sa labas.

Pilit nyang binuksan ang kanyang mga mata para tignan ang orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto. Alas-diyes. Para sa karamihan ay tanghali nang maituturing ang ganoong oras ng paggising, pero para kay Dona na madaling araw na nakakauwi dahil sa trabaho ay sobrang aga pa non para gumising.

"Tao po?!" Lalo pang dumalas at lumakas ang mga katok.

Pumikit muna sya saglit at saka pilit na bumangon. Diretso sya sa lababo, naghilamos at nagmumog. Pagkatapos ay sa harap naman ng salamin para ayusin ang buhok. Nang makuntento ay tinungo na nya ang pinto na patuloy pa ring kinakatok ng talipandas na umistorbo ng kanyang tulog.

Nadaanan nya ang bukas na pinto ng kwarto ng kanyang ama. Hayun ang kanyang Papa, nakalupasay sa sahig at may katabing bote ng alak.

"Tignan mo 'tong si Papa, ubos ulirat talaga. Hindi pa nagtira ng panghiga sa kama."

Iiling-iling na lamang nyang isinara ang pinto ng kwarto at nagpatuloy para harapin ang taong kanina pa nangbubulabog.

Isang lalaking nakasuot ng brown pants na sinamahan ng puting polo, pulang kurbata at brown din na coat ang lumantad sa kanya pagbukas nya ng pinto. Sumobra sa tangos ang ilong nito, at bilog ang tila nakaluwang mata. Hinas na hinas ang buhok nito na mabusising hinati sa gilid. Kahit mukhang singkwenta, tantya nya ay nasa kwarenta lamang ang edad ng lalaki.

"Good morning... Mrs. Dona Peña?" bungad ni Mr. Bean... este ng lalaking kaharap nya na sa dalang clipboard nakatingin at hindi sa kanya.

"Miss pa ho ako. Mukha ho ba kong may asawa?"

Otomatiko namang tinignan sya ng estranghero sa mukha.

"Hmm. Okay," tipid na sagot nito, saka ibinalik ang tingin sa hawak.

"Leche 'to ah, sinira na ang tulog ko, sisirain pa ang araw ko," inis nyang naibulong.

"May sinabi ka, miss?" Ngayon naman ay nagsusulat ito ng kung ano sa hawak na clipboard.

"Ah, sino ho ba kayo at anong kailangan nyo?"

"Engineer Reubin Talipandas. You can call me Mr. Bin," sabay abot nito ng palad para makipagkamay sa kanya.

Kinailangan nya ng matinding konsentrasyon para hindi maibulalas ang bungisngis na iniimpit nya nang marinig ang pangalan ng kausap. Wala sa loob na tinugon nya ang pakikipagkamay nito. Anak ng tinapa! Pawisan ang kamay ni Mr. Bin. Lihim nyang naipahid sa damit ang nabasang kamay.

"Ano hong kailangan nyo, Mr. Talipandas?"

"Bibilhin namin ang bahay at lupa nyo."

Biglang nagpantig ang tainga ni Dona sa narinig. Nawala bigla ang antok na nilalabanan nya kanina.

"Ano hong sinabi nyo? Pwedeng pakiulit? Baka nagkamali lang ako ng rinig."

"Bibilhin namin ang bahay at lupa nyo."

"Ah bibilhin nyo ang bahay at lupa namin? Eh sira pala ulo nyo eh. Paano nyo bibilhin eh hindi naman namin binebenta."

Humakbang paatras ang lalaki at sinipat ang kabuuan ng kanilang bahay. May kalumaan na ang kanilang tirahan, hindi lamang literal na kalumaan kundi pati sa disenyo. Gawa sa kahoy ang una at ikalawang palapag. Maging ang mga bintana ay yari rin sa kahoy. Pero luma man kung titignan sa labas, pagpasok mo naman ay para kang nasa loob ng ibang bahay. Napakalinis at organisado. Yan ang isang magandang katangian ni Dona. Maliban sa dalawang trabaho nya, paglilinis ng bahay ang paborito nyang pahinga. Nare-relax kasi sya kapag maaliwalas ang kanyang paligid.

(Dugong Montero Series) Sean - Priceless (COMPLETE)Where stories live. Discover now