FAITH OF LOVE IS UNEXPECTED

22 4 0
                                        

Nag simula ang lahat sa isang sulyap, sa isang tipid at mumunting ngiti sa ating mga labi, sa isang nakakainis mong kindat ^_- at sa pamatay kong irap.

Hindi tulad ng karamihan ang kwento nating dalawa, dahil tayo ay nag simula dahil sa----

"Miss Fartiz and mr. Krimps pleas answer the equation on the board!" Naka sigaw pang pag tawag samin ni madam kilay goals ^0^ walang mag susumbong, totoo naman kasi limang piraso nalang yung kilay nya. Tumayo nalang agad ako, kaka simula ng klase pero tignan mo itong kilay na ito! Maka asta parang 2nd sem na tsk.

Noong nag lakad ako papunta sa harap naka sabayan ko yung kuyang ahmmm ewan kung ano ulit ang pangalan mukha naman syang mabait, shrimp ata apilyido nya? Nakaka gutom hehe.

"Mr and miss?" Taas kilay pang sabi nya saamin. "Ah
Hayiah po pang pangalan ko ma'am. " magalang kong tugon dito. ''okay miss Hayiah at ikaw naman mr?'' Pasungit uling tanong nito sa lalaking kasama kong tumayo. "Yzo po miss." Tugon nito.

''okay nag tatagal na tayo, ito ang chalk at dalian nyong sagutan at ng maka upo na kayo.'' sabi ni ms kilay at inabot sa aming dalawa ang nag iisa at mahabang chalk. Sa pag mamadali sabay pa namin itong dinampot sa mesang kung saan ito inilagay ni miss kilay.

Parang slow motion ang nangyari. Bumagal ang mga pag galaw sa paligid, at tibok lang ng puso at pag hinga namin ang aking naririnig. Ay! Hayiah gumising ka sa pagka ilusyunada mo at sagutan nalang ang nasa pisara nang matapos na! Piping saway ko sa sarili ko.

Binawi ko ang kamay ko sa pag kaka dantay ng kamay ni kuyang Yzo daw ang pangalan. Nasa akin yung chalk kaya pinutol ko ito at ibinigay sakanya ang isa.

Natapos ang mag hapon nang maayos pero napansin ko yung kuyang Yzo tingin ng tingin sakin at ngumingiti. so i smiled back nalang baka sabihan pa nya ako ng snob hehehe.

Papalabas na sana ako ng room namin pero napansin kong tulog si Yzo sa desk nya at naka ear phone pa, ay totyal si kuya haha.

Nag lakad ako palapit sa upuan nya, umuklo ako at tinitigan ang kanyang mukha. hmmn *_* pogi hahaha, maputla pa sya sa patay, hindi yata naaarawan eh, tapos malalantik ang pilik mata nya, ang kyuuut hakhak. Pinag aralan kong maigi yung mukha nya para ma paint ko mamaya hehe wag kayo maingay okay? Pinaka titigan ko sya hanggang napadako ang aking tingin sa manipis at ma mula-mulang labi nya, kainggit naman ang itsura nito, ahmf magising na nga lang sya' uwian na nga natulog pa. Sinundot ko yung pisngi nya para magising, pero wa-epek. Inulit ulit ko kyaaaah hang lambot ng pisngi nya.

''hmmmm''. anla! Magigising na yata sya, bigla akong nataranta kaya sa pag mamadali ko na lumayo biglang ''BLAAAG!'' aray ko po (+_+)! Mahabaging bathala ng mga dyosa patnubayan nyo ang pwet ko huhuhu. Anshakeeet!

''ah' miss? Bakit ka naka upo sa lapag?'' Biglang tanong ni Yzo, oha? Alam ko na pangalan nya. Nag tataka pa yung mukha nya.

''ah…eh… sa sobrang pag mamahal ko sa alma mater natin dinadasalan ko hehehe.'' Parang baliw kong sagot sakanya.

''ah ganun ba? Wierd…'' sagot nito at tumayo na para lumabas. Ako naman naiwang naka tanga na naka tingin sa pintong linabasan nya, haaaay. Tumayo nalang ako at lumabas na din para umuwi.

sa araw araw na ginising ako ng Dyos, ganun lagi ang senario naming dalawa, hindi nga nya ako matawag sa pangalan ko eh. Sa tuwing tititigan ko sya, iba ang nararamdaman ko. Hindi ko matukoy kung ano ba ito, tsk.
nandito ako ngayon sa painting room ko dito sa bahay, oo mayaman kami pero kahit mayaman kami kapos naman ako sa atensyon ng mga magulang ko. Kaya sa pag pipinta ko nalang inuubos ang oras ko. Okay tama na ang drama haha, alam nyo ba kung sino ang pinipinta ko? Yung crush ko lang naman ☺ yes simula ng makilala ko sya ng araw na yun mukha nalang nya ang ipinipinta ko.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now