New Classmate

5 0 0
                                        


I probably didn't understand why I was born like this? I'm not lucky having pretty face just like other. They call me "ugly" o kahit ano pa na pwedeng mabansag nila sakin.

Madalas din nila akong tawaging "sea weed" "halamang dagat". Dahil sa buhok ko. Yes I accepted the fact na hindi naman talaga ako maganda. Matagal ko ng tinanggap yun simula pa nung pinanganak ako. Kakambal ko na ang pangungutya sa paligid ko, sanay na ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano bang nararamdaman nila sa tuwing nangungutya sila. Ikakaganda at ikakagwapo ba nila yun? Well if that is the way para gumanda ako, makikiuso na lang din ako.

At ang isa pang bagay na hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit ikaw pa yung center of attraction ng lahat. Yung tipong pagdadaan ka ng hallway kailangan babatiin ka nila lagi.

"Ang panget mo!" With matching tawa pa.

Masakit yun sa totoo lang. I knew it from the start. But why they have to shout out in the whole world pa? Pero dedma na lang. Pasok sa kabilang tenga labas sa kabila. Yan ang palagi kong ginagawa.

Kadalasan yung mga b*tches sa school ako lagi ang nakikita. Kinaiinggitan pa gayong sila naman tong dapat magpa-salamat kasi ang gaganda nila.

Kontento na ako sa kung anong meron ako. Pasalamat na ako at kahit hindi ako maganda, mataba naman ang utak ko. Sa katunayan top 1 ako sa klase nitong taon lang. Lakas. Konting buhat lang ng sofa ha?

First day of school. Tapos na ang bakasyon. Simula na naman ng mala-impyerno kong buhay. Isang kembot na lang naman at makakaalis na ko sa school na 'to. Konti na lang.


Ako si Kenshin Heartfillia, Senior high. Kasalukuyang nasa huling baitang na bago makarating sa Kolehiyo. Isang taon pang pagtitiis.

Ang pamilya ko, kaibigan at syempre yung isang taong lihim kong minamahal ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong mag aral ng mabuti. Senior na din sya, at ka-batch ko kaso ang problema nasa A ako samantalang B naman sya nung isang taon. 3 rooms ang pagitan  namin nung Junior kami, pero kahit papano sumisimple pa rin ako. Silip there, silip here basta kung saan ko sya makita. Laman din ako ng locker nya. Ang mga sulat ko ,chocolates kahit hindi valentines binibigyan ko sya nun. I wonder kung kinakain nya ba yun o baka tulad din sya ng iba na pinamimigay na lang sa iba.

Sa dami ng nagkaka gusto sa kanya suntok sa buwan na lang kung mapansin nya pa. Mas maraming mas maganda na nakakasama nya kaya hindi malabo na magka gusto sya sa mga iyon. Wala naman akong nababalitaan na naging girlfriend nya. Parang mas priority nya pa ang paglalaro ng Football kaysa mambabae.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin habang nahihirapang suklayin ang mala seaweeds kong buhok. Tinititigan ko ang sarili ko, nagbabakasali na baka magbago pa itsura ng nasa salamin na ito.

"Kenshin bilisan mo na. Andyan na yung bus baka maiwan ka pa!" Pambubulabog ni mama sa pag iisip ko. Narinig ko na din ang ilang ulit na pagbusina ng bus. Sinuot
Ko na ang salamin ko tsaka bumaba ng kwarto.

Nakita ko si mama nagluluto ng umagahan. Nag iwan ako ng damping halik sa cheeks nya tsaka kumuha ng sandwich bago umalis.

Ito na naman kailangan ko na namang magmadali sa pagsakay para hindi mainip ang bus driver. Hindi ko talaga namiss ang mga classmate ko. Pero may isang tao akong sobrang excited na makita si _____________....

"Hoy! Bilisan mo na. Ang panget panget na nga ang bagal pa!" Saad ng bus driver na may pangungutya. See? Akala naman kung sinong pakagwapo hmn gayong hindi naman kami nagkakalayo sa itsura.

Pumasok na ko. Sa totoo kasi nyan if you're not pretty be fast para hindi ka mapagalitan ng kumag na ito. Mga pretty lang kasi ang type nito e.

Girl in the CornerDes histoires addictives. Découvrez maintenant