Hi!Jullien Buena.17 years old.Senior student at nag aaral sa private school.
Hindi sila mayaman.Ang ina ay isang rakitera para mapunan ang pangangailangan nila,Samantalang abroad ang ama niya.
Hiwalay ang kanyang mga magulang.Sa buong buhay niyang nabubuhay sa mundo hindi niya manlang ito nasilayan sobrang hirap para sa kanya.
Peru ang nakakatuwa ng finally she meet her father but sad to say sa facebook lang.Bilang bata sabik siya sa aruga at pagmamahal ng isang ama.
Naiingit sa mga batang masayang kapiling ang kanilang haligi ng tahanan.
Naisip na lamang niya na ang damot ng tadhana sa kanya.Pero kahit ganon.
She is very happy.
Nasabi nalang niya sa sarili na atleast ngayon hindi na siya mababaliw sa kakaisip kung anung mukha ng kanyang ama.
Ang ama na niya nag papa aral sa kanya.
Iminulat niya ang mata at bumangon.
Ginawa na niya ang ritwal sa umaga at bumaba sa munti nilang hapag kainan at doon sinalubong siya ng ina na katatapos lamang magluto
"Oh,anak halika dito at nang makakain na tayo't may pasok pa kayo.."ani nito na hinahanda ang hapagkainan na sinuklian niya ng ngiti at umupo na sa upuan.
Nagsimula nanamang mag'asaran ang dalawa niyang kapatid na lalake no scratch that! Her two brother's ang half binababae,
Ang bunsong lalake naman ay tumatawa at minsa'y nakikisali sa kulitan ng dalawa.She forgot to tell na may step father siya at ang tatlong lalake naman ay ang step siblings niya.
Matapos kumain ay mauuna na siya sa mga kapatid na nilisan ang bahay nila sapagkat hindi naman sila pareho ng eskwelahan na pinapasukan ng mga nito.
"Mauna na ako ma!"pag papaalam niya at humalik sa pisngi ng ina "Sige,mag iingat ka ha,Ito yung baon mo nak.."sabi ng nanay niya na inaabot ang pera pero hinawakan nya ang kamay ng ina nauunawaan niya na nahihirapan sa klase ng pamumuhay nila.
"Ma,may pera pa po ako itabi niyo na lang yan.."ani niya at ngumiti sa ina.At tuluyan na siyang nagpaalam dito at nilisan na ang kanilang bahay..At sumakay ng jeep papunta sa eskwelahan niya.
@Vargas University
This is it! First of school nanaman.Kinakabahan siya.Ito ang unang araw at unang beses niyang pag pasok sa isang sikat na unibersidad.Salamat sa schoolarship na natanggap niya at kaunti nalang ang kailangan niyang bayaran at napakalaking tulong non sa kanya.Dito niya piniling pumasok dahil malaki ang oppurtinidad na makamit ang ninanais na propesyon.Hinanap na niya ang room niya at hindi naman nagtagal nahanap niya ang hinahanap at nasa tapat na siya ng pinto.Kinakabahang pinihit niya ang pinto.Nasa kanya ang atensyon ng lahat na nasa loob ng silid
"Goodmorning maam,Ako po si Jullien Buena"pagpapakilala niya sa sarili
"Oh yeah you are the transferre?please come in ms.Buena,and kindly introduce your self..."ani nito na nakalahad ang kamay na ginigiya siya papasok.Pumasok naman siya at pumunta sa harapan.Nahihiya man ay naglakas loob siyang magpakilala
"Magandang Umaga.Ako po si Jullien Buena.Kinagagalak ko po kayong makilala.." aniya nagkanya kanyang bulungan ang mga magiging kaklase niya.Napayuko na lamang siya.
"Look oh! Ang luma ng shoes at bag niya,for sure mahirap yan.! I wonder pano yan nakapasok dito"yung babae na sobrang kapal ng make up
"yeah right!Tsk,malamang sa malamang dakilang schoolar yan!"ani naman ng katabi nito.At marami pang sarit'saring panglalait *sigh* napabuntong hininga na lamang siya.Ano pa bang inaasahan niya sa isang sikat at mamahaling school na to?syempre nagkalat ang mapanglait,Mga masasamang ugali,mga spoiled brat rich kid.
