Chapter 1
Yuri's POV
Ang tagal talagang kumilos nang babaitang 'yon. Mag-iisang oras ko na siyang hinihintay dito sa Park na pinag-usapan namin. Filipino time nga naman oh. Alas-sais ang usapan namin pero anong oras na? Langya.
Nakaupo lang ako ngayon dito sa isang bench. Medyo dumidilim na din sa palagid, salamat na lang sa maliit at medyo maliwanag na bombilya na kahit papaano ay kita pa rin ang kagandahan ko. Charot!
"Beshy, andito nako!!" sigaw niya. Buti na lang at kaunti na lang ang dumadaan na tao. Kakahiya 'tong babae na 'to eh, kahit kailan...
"Buti naman at may balak ka pang siputin ako." sabay irap ko sa kanya. Natawa naman siya at binigyan ako nang hampas sa braso.
"Ikaw naman. Makupad lang ako pero hindi ako bomba no." sagot niya at hinila na ako.
"Tss." tanging sagot ko na lang. Kahit kailan talaga...
Sasama kase siya sakin at makiki-movie marathon na naman samin. Kapag napag-tripan din nang babaeng ito, gagawin at gagawin niya talaga. Hindi man lang magda-dalawang isip ang bruha!
Hinahayaan ko na lang siyang dada nang dada habang naglalakad kami pauwi. Kahit naman hindi ko siya pinapakinggan, masaya pa rin siya. Ewan ko ba, kahit hindi ko na nga siya pinapansin, go pa rin siya sa trip niya.
Siya pala si Hana Mari Matteo. Classmate ko siya since elementary at siya na ang naging bestfriend ko. Kilala na siya nang pamilya ko. Araw-araw ba naman siyang na samin. -,-
Kung ide-describe ko siya, ang masasabi ko lang ay sobrang panget niya! Hahahaha.
'di joke lang syempre. Hahayaan ko bang masira ang bestfriend ko sa inyo? Lol.
Well, matangkad siyang babae. Mapute. She have an angelic face tapos curly ang hair niya. Tapos ang cute pa niyang magdala nang damit.
Nauna niyo pang nakilala ang friend kaysa sa bida, no? Galing ni author, nakakatampo ha?!
By the way, ako nga pala ang pinaka-DYOSA! Sayuri Gonzales. Kasin-age ko lang si Hana, 17 na kami pareho.
Dahil hindi kami mapag-hiwalay ni tadhana, magkaklase kami pa rin hanggang ngayon. -,-
Nandito na kami sa bahay ngayon ganon din ang mga kapatid ko at si mama. Si papa? Wala siya, nasa abroad. Doon niya kasi napiling mag-trabaho dahil malaki din ang pamilya namin.
"Oh, kuya Satsuki buti ang aga mo ngayon umuwi? Diba 9 pm pa lang ang out mo?" tanong ni Hana. O diba? Nauna pa siyang nagtanong kaysa sakin na tunay na kapatid? At alam na alam pa niya ang sched ng mga kapatid ko.
"Maaga kaming pina-uwi eh." sagot ni kuya habang nakiupo sa sofa katabi ko. "Asan 'yung remote nang TV, Princess? tanong sakin ni kuya.
"Aba malay ko! Kakauwi ko lang, sa tingin mo hawak ko?" sagot ko.
"Mainit na naman ulo mo. Doon ka nga." sabi niya sakin sabay tulak. Aray ha! Baliw talaga si kuya.
"Tara beshy, punta na tayo sa kwarto mo." yaya ni Hana sakin at nauna na siyang umakyat papuntang kwarto ko. Feel at home si beshy!
"Tatawagin ko na lang kayo kapag kakain na." sabi ni kuya Hoshimi nang paakyat nako para sundan si Hana.
"Okay kuya." sagot ko at umakyat na. Kahit masaya si kuya Hiro, tanging ngiti lang ang ginagawa niya. Ako 'yung nahihirapan sa kanya eh. -,- Hiro ang naging nickname ni kuya dahil kay kuya Satsuki. Hindi niya daw kasi mabigkas ang Hoshimi dati kaya Hiro na lang ang tawag niya. Kaya ganun ang naging nickname niya.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Hana na naka-pantulog na at nagla-laptop sa kama ko. Dito na naman makikitulog ang bruha!
Alam naman nang family niya na nandito siya. Pinapayagan naman na siya since ang mommy niya ay kababata nang mama ko. Kaya tiwala na ang parents niya sa amin.
Naiintindihan ko naman si Hana kaya palagi siyang nandito. Una, busy ang parents niya. Workaholic kasi silang dalawa kaya super yaman na nila. Pangalawa, only child lang si bruha kaya bored siya palagi sa kanila kapag nasa bahay lang siya. Maids at driver na lang ang natitira sa bahay nila ngayon dahil dito na siya natutulog minsan. Pangatlo, kami lang ang permanent friends niya. Ayaw niya makipag-kaibigan sa iba, kasi ang isa sa mga ugali niya ay kung sino lang ang friends niya ay sila lang. Ayaw niyang pabago-bago dahil daw habang dumadami ang circle of friends niya, dumadami ding ang mga plastic. Well, may point naman siya dun.
Si Hana only child lang. Sa maniwala kayo't sa hinde, lima kaming magkakapatid. Pang-apat ako at ako lang ang 'yung babae sa kanila kaya Princess ang tawag nila sakin hehe.
Si kuya Satsuki Gonzales ang panganay samin. 23 years old na siya. Nagta-trabaho siya bilang Call Center Agent.
Sumunod naman sina kuya kambal. Yep! May kuya akong kambal. Ang cute nga eh, diba? Sila sina kuya Hoshimi Gonzales and Seiki Gonzales. 20 years old na sila. Si kuya Hiro is a shy type guy and cold samantalang si kuya Seiki naman ay sobrang kabaligtaran ni kuya Hiro. Isa siyang super duper kulit na tao and childish sometimes. Siya nga ang palagi kong kaaway eh. -,-
Then si bunso namin ay si Kiyoko Gonzales. 14 years old. High school student. Kaugali niya si kuya Hiro pero palasalita lang nang kaunti si Kiyo.
Nagtataka siguro kayo sa names namin. Well, half japanese kami. Si mama ang pure japanese samin kaso dito na talaga siya sa Pilipinas lumaki. Sa katunayan, ang mga pangalan namin ay may mga meanings.
Dahil mahilig sa lily si mama, Sayuri ang pinangalan sakin. Sayuri means, small lily.
Then si kuya Satsuki naman ay pinanganak noong May 1 which is the fifth month. Sina kuya kambal naman ay Star and starlight. Sumakit kasi ang tiyan ni mama at feel na niyang manganak that time habang nagi-star gazing sila ni papa hahahaha! Then Kiyoko means pure child. Ewan ko ba kay mama bakit 'yun ang pinangalan niya kay bunso.
"O-M-G..." kinikilig na sabi ni Hana habang may pinapanood sa laptop niya. "Look at this beshyyy!!!" pinakita naman niya sakin kung ano man ang karumaldumal ang pinapanood niya. "He's super duper hot! Right? Say yes, please..." at nag-pout pa sa harap ko ang bruha!
"Ewan ko sayo. Panget nang idol mo!" pang-aasar ko sa kanya. Nakailag naman ako sa case nang phone niya na ibinato niya sakin. Natawa naman ako dahil gagawa at gagawa siya nang paraan mahiganti lang ang crush niya. So eww!!
"Ate, kain na daw tayo." sabi ni Kiyoko at lumabas na. Bakit ba ang hirap-hirap pangitiin ni kuya Hiro at Kiyo? Akala mo naman pinagbagsakan sila nang malaking problema. Tsk tsk.
"Tama na nga 'yan. Tara baba na tayo." yaya ko kay Hana.
"Wokeyyy!!!" sabi niya at nauna pa siyang lumabas sakin. Gutom much?
Habang nasa hapag kami ay hindi mapigilan ni kuya Satsuki, kuya Seiki at Hana ang mga bibig nila. Sila lang ang nagsasalita sa amin. Kapag talaga tsismis, magkakadikit ang mga tenga nang tatlo. Alam na alam ang mga nangyayari sa paligid nila. -,-
"Oo tapos huminto na daw siya sa pag-aaral eh." sabi ni Hana. Hindi ko mam lang alam ang pinag-uusapan nilang tatlo. Basta ang alam ko lang ay OP ako.
"Eh, paanong hindi hihinto eh diba nga na-juntis siya." sagot ni kuya Seiki. Isa pa 'tong si kuya!
"Tapos 'yung ka-trabaho ko ang naka-buntis sa kanya kaya alam ko ang istorya." gatong pa ni kuya Satsuki. Hays!
"Hindi ba child abuse 'yon? Hindi sila bagay ha?" sabi ni Hana at sumubo sa pagkain niya.
"Masyadong malayo ang age gap nila. Hindi ko sila kinaya ha!" si kuya Seiki naman ang nag-salita.
Nako! Pwedi nang maging news caster ang mga 'to. Alam na alam eh...
Nagtuloy-tuloy lang silang nag-kwentuhan este nag-tsismisan habang kami ay tahimik lang na nakinig at kumain.
Sanay naman na kami eh. -,-
