Scarlett's POV
"Tulungan nyo ang anak ko parang awa nyo na!!."
Bakas sa mukha ng isang ginang ang pag aalala nang sabihin nya iyan. Isang nag wawalang babae na naka tali sa isang dikahoy na higaan pilit itong pinipigilan ng mga taong naruon.
Sanay na ako sa mga ganyang kaganapan dahil sa loob ng labing limang taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang hanapin at ubusin sila.
Sinong sila??!
Walang iba kundi ang mga dimonyo isinumpa ko sa ngalan ng aking mga magulang na uubusin ko ang mga gaya nila.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at nag tuloy na sa loob ng silid na kung nasaan ang naturang babae.
Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa at ginawa ng ang trabaho ko. Ang mag taboy ng mga dimonyo wala ako ng kahit na anong armas na maaaring maipangalaban sa mga gaya nila maliban sa lakas ng luob at ang ipinamanang kwintas ng aking ina. Huwag na huwag ko raw itong ilalayo sa akin hindi nya nagawang ipaliwanag kung bakit pero malakas ang kutob ko na malaki ang kaugnayan ng kwintas na ito sa akin at sa aking pag ka tao.
Mabilis akong lumapit sa kina roroonan ng babae at kaagad na pumatong rito. Kukunin ko na sana ang kwintas na naka sukbit sa aking leeg ng bigla itong mag salita.
"Kamusta mahal na Prinsesa?!"
Malamig ang tono nito. Naka ramdam ako ng inis ng sabihin ny iyan. Ngunit hindi ako nag pakita ng kahit na ano mang emosyon. Hindi ako nag padala sa inis na iyon at itinuloy na ang na udlot kong gagawin.
Itinuloy ko na ang pag tanggal ng kwintas sa aking leeg at inilapat ito sa noo nya. Napa sigaw sya nang gawin ko iyon ramdam ko ang epekto nito sa kanya. Ramdam ko ang dahan dahang pag sunog nito sa kanya mula sa loob ramdam ko ang init na dulot nito.
"Tama Na!!!"
Matigas ang boses nito. Ngunit imbis na tigil ay mas lalo ko pang idiniin ang pag kaka lapat nito.
"Hija huwag mo'ng saktan ang anak ko!!."
Nag aalalang sigaw ng mga magulang ng babae. Tinitigan ko sila bago nag salita.
"Huwag ho kayong mag alala dahil hindi nya ito nararamdaman."
Walang emosyong sabi ko.
"Akina yung salamin!!"
Maya maya'y sigaw ko nag aatubiling binaklas ng isang lalaki ang naka dikit na salamin sa likuran ng pintuan.
"Kayong apat!!"
Sabi ko atsaka itinuro ang apat na kalalakihan sa aking likuran.
"Hawakan nyo ang salamin at itapat ito sa kanya!!"
Utos ko na kaagad naman nilang sinunod pumwesto sila gaya ng inutos ko. yung dalawa ay nasa uluhan nitong higaan at yung dalawa pa ay sa paahan naman.
Inangat nila ang salamin gamit ang kanilang mga braso at itinapat ito sa pwesto naming dalawa. Napa ngisi ako nang makita ko na unti unting nababanat ang kanyang mga balat na parabang may gustong kumawala mula rito.
Nababanat ito mula ulo hanggang paa at ito rin ang sinyales na muli akong nag tagumpay.
"Mamatay ka!!"
Naka ngising sabi ko atsaka mabilis na umalis sa pag kaka patong sa kanya. Kasabay ng aking pag alis ay sya namang pag labas ng dimonyo sa katawan ng babae.
Hinigop ito ng salamin papasok sa loob nito habang buhay na sya duon at hindi na maka labas kailanman.
"Ihagis nyo!!"
Naka turo sa bintanang sigaw ko na ikinataranta ng apat na may hawak ng salamin. Sabay sabay nilang initsa ang salaming iyon sa bintana ng ikalawang palapag nitong bahay
Rinig na rinig ko ang pag ka basag nito na syang nag pagaan ng loob ko. Dumungaw ako sa bintana nakita ko ang mga basag na piraso ng salamin na nababalot ng itim na likido.
Kasabay ng pag kabasag ng salamin na iyon ay ang pag kamatay ng dimonyo sa loob nito.
Nilingon ko yung babae na nasa higaan gumuhit ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko na ligtas mula sa tiyak na kapahamakan ang babaeng iyon. Muli kong sinuot ang kwintas at nag tungo na palabas nitong bahay.
Nadaanan ko pa ang mga magulang nung babae matamis na ngiti ang naka paskil sa kanilang mukha na naka tingin sa akin alam ko kahit hindi nila sabihin.
Lubos silang nag papasalamat sa aking nagawa. Sinuklian ko rin sila ng matamis na ngiti atsaka pinihit ang seradura ng pinto at tuluyan nang lumabas.
Marami pang iba pero hindi mag tatagal susunod narin sila!!!.
TO BE CONTINUE
YOU ARE READING
The Last Demon Hunter
Fantasylumaki ako na kinamumuhian ang mga dimonyo. nabuhay ako na kinasusuklaman ang lahi na aking pinag mulan. matapos ang gabing iyon. matapos ang madugong pang yayaring iyon ay isinumpa ko na uubusin ko sila. Kahit saang sulok ng impyerno pa sila naruon...
