Prologue

7 0 1
                                        

Madilim.


Malakas ang buhos ng ulan.


At kasabay ng pagbuhos nito ay ang pagkulog at pagkidlat.


Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit pa pagod na pagod na ako.


Hindi ko na kailangan pang lumingon sa aking likuran para makita siya.


Sapat na ang kanyang mga yapak na aking naririnig para malaman kong malapit na siya sa akin.


Hindi ko inaasahan ang biglang pagkadulas ko na naging sanhi para masubsob ako sa kalsada.


Hindi ako makatayo dahil sa sakit na nararamdaman ko.


Naririnig ko ang kanyang mga yapak na papalapit sa akin.


Palakas ng palakas ang pagkabog ng aking dibdib at ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak.


Nandyan na siya.


Naramdaman kong lumapit siya sa akin.


Sa sobrang lapit ay ramdam ko ng ang hinga niya sa aking tenga.


Ilang segundo ang nakalipas at siya ay bumulong.


"Gotcha"



------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revenge Of The PastStories to obsess over. Discover now