Chapter 42: Deserved to be Hurt

Start from the beginning
                                    

Ang batang dala niya, it's Lea and Kuya Aga's daughter. With the help of Tita Ariella, naigawa nilang maipalabas na patay na ang bata. You and Chloe have a lot of similarities kaya 'di sila nahirapan na ipagpalit kayo, with the power of money and connections of course. Hindi ako makapaniwala dati na nagawa nila iyon, they just ruined someone's life for their own benefit pero anong magagawa ko? She's my sister and somehow.. seeing her happy and alright habang karga-karga ang batang iyon, masaya na rin ako. And just like what I said earlier, ikaw ang batang iyon Chia. You are Lea and Kuya Aga's daughter, you're supposedly, Sabel." mariin akong napapikit pagkatapos kong marinig ang kwentong iyon ni Tita.

Anak ako ng babaeng minsan kong hinangaan. Anak ako ng babaeng akala ko, ahas at pilit lang na inaagaw ang Daddy ko sa Mommy ko. Anak ako ng babaeng nagalaga sa' kin noong may sakit ako. Anak ako ng babaeng ilang beses ng napahamak dahil sa kagagawan ko. Anak ako ng babaeng muntik ng mamatay dahil sa' kin. I am indeed, Lea's daughter.

Based on Tita Analaine's revelations and the picture. No doubt, ako nga ang batang iyon.

"So.. I'm her daughter?" tanong ko at tuluyang dumilat, Tita Analaine slowly nodded her head in response.

"You are Chia, you are." she answered, "That's why I'm telling you to stop doing bad things to her dahil magsisi ka talaga sa huli 'pag nalaman mo 'to." dagdag pa niya, napangiwi na lang ako as I nervously bit my nails.

Too much revelations for today. Sumasakit na ang ulo ko, I can't...I can't comprehend everything. This is too much.

"Iyong nakita mo ako sa mall kasama ang kaibigan mo, talking to that Detective, I hired him upang malaman ko kung saan nanggaling si Alysse and he didn't failed me. It's true na adopted nga lang ng mga Imperial si Alysse, Nari, her aunt, was paid by your Mamita and Ate to make Alysse believe na anak siya ng mga magulang mo, and since she's longing for her real parents, kumagat si Alysse sa kasinungalingan na iyon. I pity her, walang siyang kaalam-alam na pinaglalaruan lang pala nina Ate ang buhay niya." she said, so Alysse doesn't know anything? Nadamay lang din siya.

I did all the worst things to Lea.. my real Mom, matatanggap pa kaya niya ako? Mamahalin rin kaya niya ako kagaya ng pagmamahal niya kay Alysse?

"Does Lea and Dad know this?" I asked, umiling naman si Tita bilang pagsagot.

"They don't, it's up to you if you're going to tell them, if you will, nandito lang ako. Ako ang bahala na magpaliwanag sa kanila." nakangiting ani ni Tita, I sighed in frustration, brushing strands of my hair.

Now what? Sa lahat ng ginawa ko, may mukha pa ba akong maiihaharap sa kanila? Kung gising na ngayon si Lea, alam kong alam na nila na ako ang may dahilan kung ba't siya nandoon, everything is a mess because of me--- no, it's because I was influenced by my oh so called Mother, Clara and Mamita.

Maybe.. it isn't too late to say my apologies, right? Bahala na, basta, I need to see them right now.

"Tita, can you please bring me to the hospital right now?" I asked her.

"Of course, tara na!" sagot niya kaya 'di na kami sumayang ng oras at umalis sa bahay namin upang pumunta sa ospital.

___

With my hands trembling, dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng hospital room ni Lea as I peek in only to see her sleeping habang nakahiga sa kama niya. Kinakabahan man, I gathered all my strength upang pumasok sa loob, closing the door behind.

Where's Daddy? Where's Alysse? Why did they leave her alone here? Paano pag may kailangan siya and no one's around? Wait, wow! Now, I'm concern ni parang kani-kanina lang, I'm wishing na mamatay na lang sana siya.

Bumuntong hininga ako at naglakad patungo sa direksyon niya, I stopped beside her bed as I tried my very best not to cry right now.

Seeing her in this situation all because of me.. I felt so guilty. Tita Analaine is right, dadating nga talaga ang panahok ng pagsisi ko sa lahat ng mga ginawa ko.

"Hmm.." napatingin ako sa kanya when she moaned and slowly, she opened her eyes.

"Aga? Alysse?" she called and seems like she didn't notice my presence. Ouch, that hurts, ni hindi man lang niya ako hinanap.

Sabagay, sino nga ba naman ako para hanapin niya? I'm the reason kung ba't siya nand'yan ngayon, she's probably mad.

"They're not here po.." sagot ko kaya napatingin naman siya kaagad sa' kin as a pale smile formed on her face sabay ng pagbangon niya mula sa pagkahiga at umupo, facing me.

"I don't know kung ano ang kasalanang nagawa ko sa'yo para gawin mo iyon sa' kin. I don't know kung ba't gano'n na lang kalaki ang galit mo sa' kin.." paninimula niya kaya kaagad naman akong umiwas ng tingin to avoid her piercing stares, she's intimidating and it's freaking me out.

"Akala ko ba, nag-bago ka na Chia? Akala ko ba, okay na sa'yo ang lahat? But why Chiara, why? Why did you do that?" she asked while gritting her teeth pero nanatili akong walang kibo. How can I answer that?

"Answer me Chiara!" biglaang sigaw niya kaya napapitlag naman ako  sa gulat dahil dun.

"I---I'm sorry." mahina kong sambit as I bit my lower lip again to prevent tears from falling.

Ayaw kong umiyak. Not in front of her.

"Bullshit! What if I died earlier, maiibalik pa ba ng sorry mo ang buhay ko? Chiara, you triggered my weakness! Ang buong akala ko.. iba ka pero I'm wrong, pareho rin pala kayo ng Nanay mo. Wala kang pinagiba kay Clara, Chia. Walang wala." at dun na tuluyang tumulo ang mga luha ko, it, hurts. Ang sakit sakit pala.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." pauulit-ulit kong wika pero umiling lang siya at tinuro ang pinto.

"Get out Chiara, I can't stand knowing the fact na may demonyo akong kasama dito ngayon." she sternly said, glaring at me.

Parang tinusok naman ng ilang ulit ang puso ko sa mga pinagsasabi niya. Wiping my tears, dahan-dahan akong tumalikod as I made my way palabas ng kwarto niya, just like what she told me to.

"Isa pa, 'wag kang magpapakita sa' kin dahil kapag ako gumaling dito, you don't have any idea kung ano ang magagawa ko." wika niya ng tuluyan ko ng marating ang pinto.
A..ayaw niya akong makita?

I turn my back first as I took a last glance at her before finally leaving the room. Feeling ko, masusuffocate na ako anytime from now sa sobrang sakit.

Ang sakit, sakit, sakit. Mas masakit pa 'to kesa sa blade na ginagamit kong panghiwa sa pulso ko. Mas masakit pa 'to sa sampal ni Tita Analaine. It hurts so damn much.

But anyway, sino ako para magreklamo? After all, I deserved this madness that I'm into right now. I deserved every single word she said. I deserved everything. This is the worst punishment sa lahat ng mga nagawa ko and I don't know kung hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng 'to..

* * * *

A Love To Remember Where stories live. Discover now