CHAPTER 1

417 27 8
                                        

Jefferson's POV

"Tara, Jefferson. Umuwi na tayo. Inaantok na ko.."

"Oo nga eh. Nakakapagod ngayon.." Sang-ayon ko kay Russel. Kakatapos lamang namin mag-ayos ng mga requirements para sa aming gaganapin na program sa school namin. 4th year high school na kami ni Russel at officer sa student supreme government o SSG.

Nagsimula na kong magligpit ng mga gamit para makauwi na kami. 7:30pm na pala.

"Una na ko Jefferson. Susunduin ko pa girlfriend ko.." Paalam ni Russel.

"Sige.." Buti pa sya may girlfriend na. Hays. Di naman sa pihikan ako. Kaso, wala talagang nagpapatibok ng puso ko. Di ko pa siguro nakikita.

Nang palabas na ko sa office, dahil sa nakayuko ako, di ko napansin na may papasalubong pala sakin.

Blugg! Parehas kaming nagkauntugan. Paglingon ko ay nakita ko si Sabrina. Hawak-hawak nito ang kanyang ulo.

"Halaaa. Sabrina. Sorry. Di ko napansin.."

Tumingin lamang ito at muling lumakad. Itong babaeng ito ay di mo makikitaan ng emosyon. Napaka-poker face. Matagal ko na syang kilala. Sa liit ba naman ng school namin ay impossibleng di ko sya makilala. Tapos naging classmate ko sya ngayong 4th year.

Tinuloy ko na lang ang paglalock ng office. Atleast nagsorry ako. Di naman siguro galit sakin si Sabrina.

Nevermind na nga lang.

***

"Pre, natapos nyo na ba yung mga requirements para sa program natin?.." Si Jay.

"Oo pre. Tinapos na namin kagabi.." Saad ko sabay hikab. Inaantok pa din talaga ako. Ilang araw pa naman puyat e.

Nagulat naman ako ng biglang may narinig akong nagsasagutan na mga babae. Grupo na naman ni Alex. Kilalang bully yung grupong ito. At kung suswertihin ka na maging biktima ng mga ito. Edi sorry na lang. Sa araw na ito, ang binubully naman ay si Rose.

"Ano ba Rose? Ibalik mo na lang yung ninakaw mong cellphone. Ikaw yung nakita kong naiwan sa room natin kahapon.."

"Wala nga sakin.." Naiiyak na saad ni Rose.

"Tara, sumama ka na lang samin sa guidance.." Nakita ko na hihilahin na ng grupo ni Alex si Rose. Ayokong manghimasok sa mga ganung kaguluhan. Bahala sila sa buhay nila. Malalaki na sila.

"Ito ba yung hinahanap mo?.." Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Sabrina. O? For the first time, narinig ko syang nagsalita.

"San mo yan nakita? Ikaw ba kumuha nyan? .." Pasigaw na sita ni Alex.

Tumingin naman si Sab kay Alex. Yung napakalamig na tingin.

"Alam kong alam mo kung saan ko nakuha yung phone na to.." Si Sab.

Natawa naman ng mapakla si Alex. "Magtatanong ba ko kung alam ko?.."

Nagkibit-balikat naman si Sab na ang ibig sabihin ay "Aba malay ko sayo" base sa pagkakainterpret ko lamang a.

"And bakit ka ba nangingialam? Bagong transfer ka lang naman dito e.."

"

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Mahal kita. Paki mo ba? Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang