Chapter 25 - The Truth About Us

Start from the beginning
                                    

"Tan!" sapasigaw si Ginny at Aleli sabay ng pagbagsak ni Tan.


"Guys, help!" sigaw ni Aleli sa mga kalalakihan sa kabilang kwarto.



Pinagtulungan na ni Aleli tsaka Ginny na buhatin si Tan dahil sa tagal dumating ng mga kasamahan nila. Hindi rin naman kabigatan si Tan kaya kayang-kaya nilang dalawa na buhatin ito.



"Tan, don't leave us please." bulong ni Ginny.


"What happened ba? Why is he like this?" tanong ni Aleli kay Ginny habang papunta sila sa living room kung nasaan ang boys.


"He kinda got pressured when I asked him about his feelings for Kevin and AJ. We were sitting beside the pool so our feet are wet. Tapos he just took off. Ayun, nadulas sya. We just brought him to his room. Binantayan sya ni Kevin. We should have brought him to the hospital." umiiling na sinabi ni Ginny. Napabuntong hininga na lang sila ni Aleli dahil wala nang ibang magagawa at nangyari na.



Saktong pagdating nila sa living room ay kakababa lang ni Kevin galing sa kwarto ni Tan. Napatakbo ito nang makita si Tan na walang malay at bitbit ni Aleli at Ginny.



"What happened?!" alalang tanong ni Kevin sa dalawa.


"No time for questions, lover boy! Kailangan na natin siyang dalin sa nearest hospital!" sagot ni Aleli kay Kevin na agad namang lumabas ng bahay at pumunta sa sasakyan niyang nakapark lang sa tapat ng bahay nila Tan.



Agad silang nagdrive papunta sa hospital, kasunod naman nila sa kotse ni AJ sila Sean, Evan at James. Halata sa pagdadrive ni Kevin na sobrang alalang-alala siya kay Tan dahil hindi ito mapakali sa pagtingin.



"Kevin, just focus on the road! Lalong may mangyayaring masama if you're not focused!" sigaw ni Ginny kay Kevin na agad namang umayos at mas lalong binilisan ang pagdadrive.



Nang makarating sila sa hospital ay agad inasikaso ng mga nurse si Tan at dinala sa ER. Isang oras din yung nakalipas nang bumalik yung doktor at sinabihan sila na ayos na si Tan. Concussion lang ang natamo nito at nasa private room na.



"We just might have a little problem..." sabi ng doktor sa kanila.


"Ano po yun, doc?" tanong ni Kevin.


"It may just be concussion but there are times that a patient can suffer a slight case of amnesia. If it does happen, I advise you to not worry. Don't stress him out because everything will come back. I assure you that." paliwanag ng doktor at saka ito umalis.



Pinuntahan nila si Tan sa isang private room sa hospital. Pagpasok nila ay tulog si Tan at may nurse na nagchecheck sa mga ,edical supplies at records ni Tan. 



"Ma'am, Sir. Hinatyin niyo lang. Magigising din po siya mayamay." sabi ng nurse na lumabas na din pagkatapos.



Mag iisang oras na ang nakalipas nung nakita nila na gumalaw si Tan at dumilat na yung mga mata niya. Tiningnan ang buong paligid at ang bawat mukha ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Handang handa sila sa kahit na anong pwedeng mangyari sahil kahit hindi nila sinasabi ay sinisisi nila ang kani-kanilang sarili sa nangyari kay Tan.



Umikot ulit ng tingin si Tan sa kanila tsaka nagsalita, "Aleli... Ginny... AJ... Sino sila?" inosenteng tanong ni Tan habang nakaturo kila Kevin, Sean, James at Evan.

Reaching OutWhere stories live. Discover now