Author:fordaxel26_
( short sad story )
February 1 2017
Bata pa lang ako wala na akong kinagistanang magulang,pero nasa puder ako ng tita ko,naghiwalay kasi ang mama at papa ko,dahil ang papa ko ay nambabae.
Tsk! Muka lang silang tanga sa mga ginagawa nila. Tapos isang araw sabi sa akin ng tita ko kinukuha na daw ako ng mga magulang ko sabi nya nagkaayos na daw sila.Pumayag naman ako. Hindi ko close ang mga magulang ko dahil nga bata palang ako pinamigay nya na agad ako.
(sa puder ng mga magulang)
Ilang araw pa lang ako sa bahay pero do ko sila ramdam. Minsan napasok ako sa kwarto at iiyak na lang kasi di nila pinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanila. Ginawa ko lahat lahat naging honorable student ako,matataas grades ko pero pag sinasaabi ko yun sa kanila parang wala lang ang sasabihin nila "good! Dapat lang" nakakaiyak kasi ganon lang sinasabi nila.alam mo yun yung di na nga kayo close ng magulang mo ganon pa ipaparamdam sayo ako na nga nagawa ng paraan para magkalapit kami pero parang walang nangyayari.
Isang araw narinig ko silang naguusap sa kusina.
'Bakit pa kasi natin sya kinuha!'sigaw ni papa
'Gago ka ba eh anak natin sya'si mama
'Nix! Hindi ko sya anak!! Tandaan mo yan anak mo yan sa ibang lalaki kung hindi ka sana lumandi edi sana magkakaroon pa tayo maayos at magandang buhay hindi yung ganto!simula nang dumating yang anak mo nagkagulo na lahat Nix!! MALAS ANG ANAK MO SANA PINALAGLAG MO NA LANG YAN EDI SANA HINDI NANGYAYARI TOH!'sigaw ni papa hindi makaimik si mama
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nalaglag ko yung tropy na hawak ko na dapat ay ibibigay ko sa kanila
'Anak?!' Mama
'Totoo ba lahat ng sinabi ni papa ma?!'pasigaw kong tanong kay mama pero di nya sinagot ang tanong ko.
'SAGUTIN MO KO MA!!' Pagalit kong sigaw sa kanya
'Oo anak' lumabas na ang luha na kanina ko pa pinipigilan
'So kaya pala ganto ang trato nyo sa akin kasi anak lang pala ako ni mama sa labas! Kaya pala di nyo ko
kayang purihin sa harap ng maraming tao ikinakahiya nyo ako puta naman ma! Sana sinabi nyo na lang para hindi ko pinagpipilitan yung sarili ko sa inyo!!! Alam mo yun ma..pa ginawa ko lahat para maging close lang tayo...tapos ngayon malalaman ko na anak pala akosa labas!sana di nyo na lang ako kinuha kila tita o kaya sana pinalaglag nyo na lang talaga ako pabigat lang naman pokasi ako sa inyo na kahit anong gawin ko wala palang nangyayari kasi kinamumuhian ako ni papa. Ang sakit non ma..pa.. Naa yung mismong magulang mo di ka kayang ipagmalaki o mahalin man at wag na wag nyong sasabihin sa akin na minahal niyo ko dahil di nyo yun pinaramdam sa akin simula pa nung bata pa lang ako ang sakit sakit mama't papa'
Tumakbo ako pagkasabi ko non hinabol agad ako nila mama't papa nakalabas na ako ng bahay hinabol parin nila ako tumawid ako sa kalsada wala akong gaanong makita kasi nanlalabo na ang mga mata ko, lutang ako habang natakbo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko
Tinawag ako nila mama't papa
"MAXINE!!" huli na ang lahat ng makita ko ang truck na papalapit sa akin
"MAXINE!! DYOS KO ANAK" naramdaman ko na may bumuhat sa akin at umiiyak
"Nak wag kang bibitaw please...anak patawarin mo kami anak wag kang bibitiw nak dadating na ang ambulansya ANAK PLEASE!!" sabi ni papa na halata na sa boses na naiyak...napangiti ako
"Pa..Ma...ma-hal n..a ma-h-al..ko..po..kayo...i-ngatan nyo po sarili nyo ha..(nakangiti kahit na nahihirapan nang magsalita) pi-napa-ta-wad k-o na ka-yo a-alam ko na-man po ka-si na na-sabi ni-yo lang y-yun kasi ga-lit k-kayo.....l-lagi n-yo pong tatandaan......
dahan dahan na akong napapikit na kahit sa onting sandali ay napangiti ako
m-a...p-a... n-a ma...hal n-a ma..hal k-o k-a-y-o....I LOVE YOU MA AT PA"
YOU ARE READING
LAST WORD
Short Story( short sad story ) February 1 2017 Bata pa lang ako wala na akong kinagistanang magulang,pero nasa puder ako ng tita ko,naghiwalay kasi ang mama at papa ko,dahil ang papa ko ay nambabae. Tsk! Muka lang silang tanga sa mga ginagawa nila. Tapos is...
