LAURICE ANNE GOMEZ
AGAD na kuminang ang mata ko nang makita ang pakay ko.Si Kyle. Bitbit-bitbit ko ang cake na pinagpuyatan kong i-bake kagabi. 21st century na kaya hindi lang lalaki ang nanliligaw. Pati na rin ang babae pwede nang manligaw.At isa akong sa mga babaeng hayagan kung ipakita ang nararamdam sa isang tao. Desperada ang tawag ng iba pero pag-ibig ang tawag ko dito.Desperada na kung desperada basta maiabot ko lang 'to kay Kyle at tanggapin niya 'to buo na ang araw ko.
Sino nga ba si Kyle? Tandang-tanda ko pa noong unang araw na nakilala ko si Kyle. Kyle Jonas Montemayor was a transferee in our university. 2nd year college ako nang makilala ko siya. He is the son of the CEO of the Montemayor Inc. Kaya lumikha agad ng ingay ang pangalan nito. Bukod doon, GWAPO siya, kaso mas malamig pa sa yelo ang turing niya sa mga babae. I tried to stalk and research kung bakit ganoon siya mangtrato sa mga babae but unfortunately, I failed. But for me, mas nakadagdag sa appeal niya ang pagkakaroon niya ng ganoong personalidad, at oo! Gusto ko na si Kyle college pa lang kami. Gustong-gustong-gusto! Ito kasing si Kupido, masyado akong pinagtripan. Unang pagkikita pa lang namin ay tumibok na agad nang mabilis ang puso ko and I knew that it was love.
Mula noon ay di ko na tinantanan si Kyle. Kapag may pagkakataon ako ay lalapitan ko siya at bibigyan ng mga candy na may phrase sa likod na "I love you" o kaya naman "I like you", kapag uwian namin ilalagay ko sa bag niya ang love letters yun ay kapag di niya ako nahuhuling naglalagay sa bag niya. Kahit labag man sa kalooban niyang tanggapin ang mga 'yon.
Minsan naman ay binigyan ko siya ng isang rosas, naaalala kong namula ang mukha niya, dahil siguro niloko siya ng mga kaibigan niya,sino ba naman ang di lolokohin eh baliktad ang sitwasyon namin, akong babae ang nanliligaw tapos siyang lalaki ang nililigawan ko, naging sikat din kami sa mga kaklase namin at naging tampulan ng tukso, syempre pabor na pabor sa akin yun. During our college days, wala akong nabalitaan na may pinormahan si kyle kaya naman talagang pumapalakpak ang mga tenga ko sa tuwa.
PERO! May malaking pero. Hanggang ngayon, with all my efforts, hindi pa rin niya ako nagugustuhan. Ewan ko ba! Bulag ata yang si Kyle, hindi sa pagmamalaki ay maganda naman ako, matalino, Isa ako sa mga Cum Laude na gumraduate sa batch namin, masipag at...Malaki naman ang hinaharap ko.....pero hanggang ngayon parang walang effect ang mga ginagawa ko. At ngayon! Pinapangako ko sa sarili ko, bago matapos ang taon na to, mapapasa-akin ka Kyle Jonas Montemayor! Matutunaw din *evil laugh* Pero ngayon, kaya ko siya bibigyan ng cake ay dahil limang taon ko na siyang... ehem... nililigawan.
Bago ko siya lapitan ay tinitigan ko muna si Kyle. "Ang gwapo niya talaga." Bulong ko sa sarili ko. Wala akong kasama ngayon, hindi ko kasama ang pinaka-supportive kong pinsan na si Hannah kaya medyo kinakabahan ako. Kasama pa man din ni Kyle mga kaibigan at pinsan niya, malamang ay break ng mga ito sa opisina. I saw kyle smiled. Parang natunaw ang puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Hindi kasi talaga siya nangiti sa akin kahit anong "pagpapakilig" ang ginawa ko for the last 5 years. Achievement ko na nga ituring yung pamumula ng mukha niya noong first time ko siyang bigyan ng rosas kahit dahil pa yun sa mga kaibigan niyang tinutukso. Napangiti ako nang maalala kong nagmamadali niyang hinablot sakin yung rosas at umalis sa harap ko.
Kinuha ko ang compact powder ko at mabilis na nagretouch. Nagsimula na akong maglakad patungo sa inuupuan nila. Una akong napansin ni Trent na agad na ngumiti sa akin at siniko si Kyle. Kilala na nila ako sa tagal ko ba naming sinusuyo si Kyle malamang kakilala na ako ng mga kaibigan, pinsan pati magulang ni Kyle.
Nangunot ang noo ni Kyle nang Makita ko which made me smile. "You again?" Tumawa si Trent ang pinsan nito at kaibigan nitong si Karl.
"Kyle, una na kami sa opisina, looks like your suitor is here." Natatawang sabi ni Trent at niyaya nang umalis si Karl. Sinulyapan pa ako nina Trent at Kyle para tingnan nang nang-aasar. I blushed.
"Hey you--!" Pigil ni Kyle sa dalawa pero nakaalis na ang mga ito. Susunod dapat si Kyle sa dalawa pero pinigilan ko ang braso niya at nginitian siya.
"How are you?" pangangamusta / pagpapacute ko sa kanya. Isang linggo ko rin siyang hindi nakita, naging busy kasi ako sa kompanya ni Daddy kaya ngayon ko lang ulit siya nabisita. Sa isang linggong yun, lalong gumwapo si Kyle sa paningin ko. Sa isang linggong yun, hindi ako nagsawa kakaisip sa kanya. Sa isang linggong yun pakiramdam ko may kulang sa akin. Tsk. Lakas na talaga ng tama ko sa kanya.
"I'm good." Masungit na sabi niya at umupo ulit sa inuupuan niya. Kinuha niya ulit ang iniinom niyang frappe. Inusod ko yung inuupuan ni Karl kanina at pasimpleng tumabi kay Kyle. Kyle didn't mind kaya pinigilan kong mapangiti.
I pouted. Di man lang ako kinamusta, pero sanay na naman ako dun. Maswerte nga ako at hindi niya ako tinataboy katulad nang ginagawa niya sa ibang babae. Sinusungitan niya lang ako. Nasanay na yata sa akin.
"I'm glad to hear that." I said at tinaas sa kanya ang dala kong cake. Lalong nangunot ang noo nito habang tinititigan ang nasa kamay ko. "Happy 5th anniversary!!" masayang kong bati sa kanya habang pataas-taas pa ang kilay ko.
Kamuntikan nang mabilaukan si Kyle kaya nilapitan ko agad siya at hinimas ang likod. Good Lord! Thank you at ginising mo ako ngayong araw nagkaroon tuloy ako ng chance na mahimas ang likod ni Kyle!
"Okay ka lang Kyle?" I asked him habang patuloy na hinihimas ang likod niya. Natigil lang yun nang tingnan niya ako nang masama kaya patawa-tawa akong bumalik sa inuupuan ko.
"Happy 5th—what?" kunot noong sabi nito habang pinupunusan ang bibig ng tissue.
"HAPPY 5th Anniversary!" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina habang tinataas-taas ulit ang mga kilay ko. "5 years na kitang nililigawan kaya ito. I baked this cake for you!" I happily said to him.
Di makapaniwalang tiningnan ako ni Kyle at umubo. "5 years? And you're proud of that?" he asked while looking at me.
Binigyan ko siya nang pamatay kong ngiti. "Of Course! Proud na proud akong ikaw ang mahal ko for the last 5 years." Dere-deretso kong sabi and when I look at Kyle. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako pero I saw him blushed. I FREAKING SAW HIS FACE TURNED RED! Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto sa nagiging takbo nang 'panunuyo' ko sa kanya.
"You blushed." di makapaniwalang-sabi ko sa kanya habang mukhang tangang nakangiti sa kanya.
Nag-iwas naman siya nang tingin at kinamot ang pisngi. "I did not." Sabi niya at pekeng umubo. " Listen, Laurice I think you should stop this." Seryosong sabi nito nang makabawi. Kinilig pa ako nang seryoso niyang banggitin ang pangalan ko.
I smiled. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin diyan. " And why?" I asked him.
"Because.."
"Nakukulitan na ako sayo."
"I don't have time for this."
"hindi ko kayang suklian ang nararamdam mo."
"Because I already like someone."
****
A/N: Likha ng bored na bored na si Lady. Wahahaha! Thankyou for reading! 💕
YOU ARE READING
Kailan?
General FictionGagawin ni Laurice Anne Gomez para magustuhan siya ni Kyle Jonas Montemayor. Oo! Gagawin niya ang lahat, pati na rin ang panliligaw niya rito. Baliktad man ang sitwasyon nila ni Kyle, she doesn't give a damn! Kaso, lumipas na ang limang taon, paran...
