Kring Kring Kring

Kring Kring Kring

"Excuse me." -Pagpapaalam ko nang may tumawag sa akin. Lumabas ako ng hall bago sinagot ang tawag.

"Yes?"

[Where are you?]

"In a party."

[I miss you, princess.]

"Ahh."

[I want to see you now.]

"I can’t just go."

[I know. It’s so good to hear your voice. Still, seeing you is pretty much better. Okay, bye.]

Ibinaba ko na ang telepono. Naglakad na ako palayo sa hall.

'Hindi na ako babalik diyan.'

Nang makita ko ang bakod na hinahanap ko ay dali-dali ko ng sinimulang akyatin to. Hindi naman kataasan ang bakod na ito kumpara dun sa kadalasang dinadaanan ko palabas ng campus. Kaso, ngayon ko lang talaga siya magagamit dahil kadalasan ay maraming nadaang tao rito. Pero sa lagay ng sitwasyon ngayon, tila ba busy ang lahat sa pagpa-party.

'Ano ba yan? Bakit ngayon pa?'

As soon as I reached the top, I saw a total number of six guards na naghihintay sa pagbaba ko.

"Huli ka! Sabi na nga bang bata ka at dito ka dadaanan! Dali, hulihin niyo na yan." -Sabi ng isang guard na may malaking tiyan. Mukhang siya ang head ng mga ito eh.

Wala na akong nagawa pa kundi ang bumaba. Rinig ko naman ang tunog ng mga sapatos nila papunta sa direksyon ko. Haissst. I'll go running na naman.

'Run, Anna, run.'

"Huy! Tumigil ka!" Rinig kong sigaw ng isa sa limang security guards na humahabol sa akin.

'Hindi ba kayo napapagod? Tsss.'

Sa kakahabol nila sa akin ay sumasakit na ang mga paa ko. Sabi na nga ba, dapat hindi ako nagsuot nitong sapatos na 'to. Kahit na three inch lang ang taas ng hills na to, masakit pa rin siya the more na tumatagal. Hindi rin ako makagalaw ng maayos dahil naka-long gown ako. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko namang may kalayuan na sila sa akin.

'Tss. Masyado kayong mabagal. Kulang pa kayo sa training mga kuya.'

Dali-dali ko namang hinubad ang sapatos ko. Mas mapapabilis nito ang pagtakbo ko kung magpapaa ako. Tumatakbo na ako sa may bandang damuhan. Bumilis nga ang takbo ko pero maya-maya pa ay sumasakit na naman ang mga paa ko. Mabato na kasi yung nadadaanan ko.

Sa patuloy na pagtakbo ko nakalayo na din ako sa kanila. Wala na kasi akong naririnig na sigaw na nag-uutos sa akin na tumigil na sa pagtakbo. Yes! Nakatakas din!

Sobrang ramdam ko na ang pagod sa buong katawan ko. Tumigil na ako sa pagtakbo at naglakad na lamang. Ngunit bigla na lang na may humablot sa kanang kamay ko. And the next thing I knew, may isang lalaking naka-suit ang nasa harap ko. Mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko kaagad nalaman kung sino siya. Idagdag pa ang madilim na eskinita na kinalalagyan namin. Ramdam ko rin ang malamig na pader mula sa likuran ko. Naaamoy ko ang pabango niya dahil sobrang lapit niya sa akin. Dahil dito kaya naisipan kong manlaban. Sinubukan kong kumawala sa pagkakaharang niya pero sadyang mas malaki siya kesa sa akin. Kung hindi sana masakit ang paa ko ay nasampulan ko na 'to.

She's YoursWhere stories live. Discover now