Notebook? check!
Ballpen? check!
Pabango? check! check! check!
Balik-eskwela na naman. Balik na naman sa pakikinig sa mga nakakabagot na prof. Balik na naman sa paggawa ng mga assignment. At balik na naman sa paghihintay ko sa pagbalik ni Cassie.
"Tol! May bago daw tayong kaklase. Transferee galing sa Cebu. At maganda daw!" balita sakin ni Alex, ang kaibigan ko.
"Alex! Alam mo namang wala na akong interes sa mga babae diba? Wala na sa isip ko yang mga yan tol!" sagot ka naman.
"Oo nga, matanong ko tol. Anong nakain mo at bigla kang bumait? Nababading kana ba?" pabirong sabi ni Alex.
"Gusto ko lang magbagong buhay tol!" sagot ko naman.
"Tol ayan yata yung bago nating kaklase." sabay turo sa may pintuan.
Tumingin ako at nakita ko si Tina kasama ang transferee na tinutukoy ni Alex. Maputi, mahaba ang buhok, katamtaman ang tangkad, mala-anghel ang mukha at higit sa lahat maganda ang hubog ng katawan.
Nakatingin parin ako sa kanya nang bigla siyang napatingin sa akin. Hindi ko maintindihan pero parang may kung anong kumurot sa puso ko. Pakiramdam ko lumulutang ako. Ngayon ko lang naramdaman ulit 'to. Huli kong naramdaman 'to nung una kong nakita si Cassie.
Ano kayang pangalan niya? Mapormahan nga itong dyosang ito. Sa gwapo kong 'to sigurado hindi niya ako dededmahin.
"Hoy Ken! Akala ko ba wala kanang interes sa babae? Kung makatitig ka para mo siyang pinagpapatasyahan ah!" ani Alex.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Tumawa nalang ako.
Natapos ang klase pero hindi ko man lang napansin ang presensya ng transferee. Hindi man lang siya ipinakilala ng mga prof. Hindi ko parin alam ang pangalan niya. Hindi ko din narinig ang boses niya. Hindi bale, marami pang susunod na araw.
Habang naglalakad pauwi...
Kapag sinuswerte nga naman! Nandun si miss ganda sa may garden. Nakatayo at nakakibit balikat. Halatang may hinihintay. Ito na! Ito na ang pagkakataon ko.
Naglakad ako palapit sa kanya. Napatingin siya sakin pagkatapos ay tumalikod. Tumuloy parin ako at lumpait sa kanya.
"Ikaw yung transferee diba? Bat ka mag-isa? Sino hinihintay mo?" tanong ko sa kanya sabay pacute na din para maimpress siya sakin.
"Oo ako nga. Hinihintay ko yung friend ko." sagot niya na halatang walang interes.
"Ah si Tina ba?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oo, bakit mo pala ako kinakausap? Ano kailangan mo?" masungit ang tono ng pananalita niya.
Ang suplada naman ng babaeng to. Buti nalang maganda ka. At gwapo naman ako. Bagay na bagay talaga tayo!
"Ahh, wala naman. Gusto ko lang sanang makipagkilala. Ako nga pala si Kenneth but you can call me Ken." sabay abot ng kamay ko sa kanya.
Sa halip na kamayan, tinawanan niya ako.
"Yes I know. Kilala kita. Kilalang kilala!" sagot niya.
Nagulat ako. Ngayon lang kami nagkita at bago palang siya dito sa school pero kilala na niya ako agad? Wow! Ibang level na talaga ang kagwapuhan ko!
Ngumiti ako sa kanya. Yung killer smile.
"Talaga? Kilala mo ako? Ikaw, anong pangalan mo? " tanong ko sa kanya.
Bahagyang naging seryoso ang mukha niya.
"197 pounds, ganyan ako kabigat noon. 'Taba' at 'Baboy', yan ang tawag mo sa akin noon. Araw-araw akong umiiyak noon dahil sa pang-aasar mo. Ako ang sentro ng tawanan ng buong klase noon. Ngayon natatandaan mo na ako Ken?"
Totoo ba ito? Nagbalik siya! Pero napakalaki ng pinagbago niya.
"Cassie?" pabulong ko siyang tinawag.
"FYI, Cassandra. Yan ang buong pangalan ko. Marahil hindi mo alam dahil baboy at taba lang ang lagi mong ipinantatawag sakin. Pero hinding hindi mo na ulit magagawa yon Ken. Hindi mo na ulit ako malalait. At higit sa lahat hindi mo na uli ako mapapaiyak!" sabi niya sakin na puno ng galit.
"Cassie pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko sayo. Dapat magsosorry na ako sayo pero wala kana. Pumunta ako sa bahay ninyo pero sabi sakin ng ale nakaalis na daw kayo."
Halatang hindi naniniwala si Cassie sakin.
"Nagsisisi? Ganyan naman kayong mga lalaki. Mabait kayo sa mga babaeng magaganda pero ang sama sama ng ugali sa mga babaeng hindi niyo natitipuhan. Panglabas na kaanyuan lang ang basehan ninyo kung itatrato niyo ng maayos ang mga babae o hindi."
"Nagkakamali ka Cassie. Hindi ko naman intensyong saktan ka." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Nagpapatawa ka ba? Sa lahat ng mga pananakit na ginawa mo sakin, sa tingin mo basta basta lang kitang mapapatawad? Pwes, nagkakamali ka!"
At saka umalis na siya at naglakad palayo kasama ni Tina na kanina pa pala nakatayo sa may likuran.
YOU ARE READING
Size Doesn't Matter
Teen FictionDahil sa katabaan, si Cassie ay laging laman ng pambubully sa kanilang klase lalo na kay Ken. Si Ken ang kaklase niyang bagaman may hitsura ay saksakan naman ng kapangitan ang kanyang ugali. Araw-araw niyang inaasar si Cassie na siyang pagsisisihan...
