May isang beses pa nga na napalakas ang pagngudngod niya. Tinakpan ko ang ilong ko, sobrang sakit. Nakasalamin kasi ako at sobrang sakit 'pag nadidiin 'yung salamin ko sa pagmumukha ko. Akala ko 'di na niya 'ko papansinin n'un. Kasi ganun naman siya eh, may pakialam lang 'pag inaasar ako. Pero nagulat ako sinundan niya ako at inakbayan. Paulit ulit na nag-sorry at iniharap ako. Tinanggal niya ang salamin ko at hinalikan ang ilong ko. Gulat. 'Yan ang reaksyon ko. At mas lalo pa kong nagulat sa mga sinabi niya...

"Sorry, sumosobra na ata ako. 'Di ko lang naman mapigilan na asarin ka kasi ang cute mo. Sige, didistansya na 'ko at iiwasan ka." Nakita ko. May kung anong lungkot sa mga mata niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis na napasigaw, "'WAG!" 'Di ko alam kung feeler na naman ako o talagang napangisi siya. "I-I m-mean, okay lang. Hindi naman na gan'un kasakit, eh." Jusko nautal pa ako, dyahe.

"Talaga?!" Tumango nalang ako sa kahihiyan dahil feeling ko iniisip na niya na masyado 'kong natutuwa sa kanya. Hays.

Hindi ko alam kung bakit anggago ko, inaaway na niya ako pero imbis na magalit, nahuhulog pa ako. Ang labo.

Simula n'un mas naging malapit pa siya sa'kin. Masyado na siyang naging kumportable sa'kin. Pero ako sa kaniya, hindi. Dahil oo na-realize ko, gusto ko na siya.

Hindi ko alam kung tinuturing na niya 'kong malapit na kaibigan o talagang pampalipas oras lang. Pangkatuwaan lang. Kumbaga siya, 'pag wala nang magawa sa buhay, lalapit sa'kin at ako ang aasarin.

Minsan nga nagiging 'malambing' na siya sa'kin, na para bang... he's hitting on me.

Isang beses, nakaupo ako sa harap ng pader, nagbabasa ulit sa phone ko. Naramdaman ko tumabi siya sa akin. At oo, alam kong siya 'yun kasi naman 'yung perfume niya anglakas pero sobrang bango. Natanong ko na siya kung saan niya nabili pero sabi niya padala ng tita niya from Germany, okay ikaw na.

'Di ko siya pinansin kasi nga busy ako sa pagbabasa at intense na 'yung part ng binabasa ko, paiyak na nga ako, eh, kinakagat ko lang 'yung ibabang labi ko para mapigilan ko.

At ang ginawa niya?

Kinurot niya ang pisngi ko. Kaya naman napaharap ako sa kanya at hahampasin na sana siya nang...

Malakas siyang tumawa, "Ang cute mo para kang si Kokey, nakahood ka pa kasi!" Natigilan. Natuod. Nabato. Ano pa ba?

Ang cute ko raw? Ano?

"Teka uy, bakit teary-eyed ka? Hala, masakit ba masyado 'yung kurot ko? O nasaktan ka kasi sabi ko para kang si Kokey?" Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat habang matiim na tinigtignan sa mga mata. "Luh, uy... Uy. Sorry na. Uy."

"Tanga! Nakakaiyak kasi 'yung binabasa ko! Lumayas ka na nga panira ka ng moment! Heh!" Hindi naman ako nagsinungaling. Talaga namang nakakaiyak 'yung binabasa ko. Pero mas naiiyak ako kasi alam ko na, nahulog na talaga 'ko sa kanya.

Muling siyang humalakhak bago magsalita, "Ang corny mo! Itigil mo na nga 'yan, pinapaiyak ka lang niyan." Bakit ikaw ba, hindi mo ba 'ko paiiyakin?

"Basag trip ka, alam mo 'yun? Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. Wala kang pakialam kung umiyak man ako at ganito ang maramdaman ko." Walang prenong saad ko. I can say, that I'm carried away by my own emotions?

Sumeryoso 'yung ekspresyon niya. Nakakatakot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Paano kung may pakialam ako? Paano kung may pakialam ako sa'yo at sa mga nararamdaman mo?" And with that, he left me dumbfounded.

Pafall [One Shot]Where stories live. Discover now