Ang isip ay dapat dagat na di masisid.
At langit na di maabot ng paningin.
Ang isip ay dapat nahahawakan.
At hindi isinulat lamang sa tubig.
Dapat ay posteng nakatayo sa kanto.
At hindi kotseng kasinlaki ng kamao.
Yan dapat ang isip..
walang tuldok..walang kuwit.
Walang bahid ng anumang kitid.
