Chapter 30

352 15 0
                                    

Chapter 30

*ring

*ring

*ring

*ring

"Your phone kept on ringing, won't you gonna answer it?" Napatingin ako kay Lucy, isa sa mga naging close ko na designers dito sa Paris.

"No. We're busy—"

"and we can accept calls even though we are busy. What if it is important?" ngumiti ako tsaka tumango. Napatingin muli akosa phone ko ng bigla itong mag-ring. Tumingin muli ako kay Lucy na tinanguhan ako tsaka iniwan. I took a deep breath before answering the call.

"Hello"

"Babalikan mo na ba ako?" isang malungkot na tinig ang narinig ko sa kabilang linya na tila nagpakirot sa puso ko.

"Miss na miss na kita boss."

"Pwede bang bumalik ka na. Balikan mo na ako."

"...gagawa ako paraan para tayo pa rin sa huli." May lungkot nitong sabi na nagpangiti naman sa akin. Gusto kong matawa sat sabihing kami talaga sa huli pero mas pinili kong manahimik. Katulad ng sabi ko kina BAD hahayaan ko siyang magdrama hanggang sa dumating yung araw ng kasal namin. Gusto ko kasing magmaganda para na rin marealize niya kung ano ang naging pagkakamali niya. Gusto kong marealize niya kung anong mawawala sa kanya kapag nagkamali siya ng desisyon. Alam kong maganda si Eleanor pero mas papasa ang ganda ko sa pagiging anghel kaysa sa kanya.

"Sorry. Sorry for everything. Sorry for hurting you. I just want you to know na hindi ka naman talaga kasali sa plano kong paghihiganti. Our first meeting was a coincidence, yung mga nangyari sa pagitan natin ay hindi planado. You got my attention that night and I can't see you dancing or flirting with other guys so I did make my first move and I never thought tha I'd go beyond that. Sorry of I took advantage of you. Handa kitang panagutan pero paglabas kong CR ay wala ka na kaya pinahanap kita. Luckily, kakampi ko ata ang pagkakataon dahil ibinalik ka niya sa akin. Sorry kung ginamit ko ang nangyari sa atin para hindi ka na makawala sa akin. Sorry kung masyado kong minadali ang lahat. Ang gusto ko lang naman kasi ay sa akin ka lang. Akala ko okay na ang lahat, ayos na ako pero hindi pa pala. Bumalik ulit ako sa plano ko ng makita ko picture mo kasama siya. Hindi ko matanggap na masaya siya sa litratong iyon at doon na nga nabuo ang plano ko na kasama ka. Sorry kung nanaig yung galit ko kaysa sa namumuong pagtingin ko sa'yo. Sorry kung kinalimutan ko ang nararamdaman ko para sayo at nagfocus sa kanya. I am really sorry Madison. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko pero sana mapatawad mo ako. Sobra kitang nasaktan kaya tama lang ang ginawa mong pang-iiwan sa akin pero sana bumalik ka pa rin sa akin. Sana tayo pa rin." Garalgal na ang boses nito. Umiiyak na rin ako. Walanghya ka Ace, nasa stage na ako healing tsaka ka naman ang i-speech ng ganyan. Pakiramdam ko tuloy binudburan ng asin yung mga papahilom ko ng sugat.

"Noong sinabi kong gusto kita. Totoo iyon. Gusto talaga kita. Mahal na nga ata kita kaso sa indenial stage pa ako dahil naka-focus ako sa plano ko. Hindi ko namalayan na natakpan na pala ng pagmamahal yung galit na iyon. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ako. Mahal na mahal na pala kita. Sobrang mahal kita boss." Alam kong naririnig niya sa kabilang linya ang pag-iyak ko. Masasapak talaga kita Ace. Iyan lang naman ang hinihintay ko eh. Iyong sabihin mo sa akin ang lahat-lahat at sabihing mahal mo rin ako. Iyon lang kasi ang kailangan ko para atleast alam kong may laban talaga ako. Pinunasan ko ang mga luha ko tsaka huminga ng malalim.

"Thank you. Thank you Ace for telling me those words because honestly, I need it. Ilang beses ko na kasi tinanong sa sarili ko kung saan ako nagkamali. Alam mo bang halos kalkalin ko na ang laman ng utak ko baka sakaling may alaala na patungkol sayo. Baka isa ka sa mga lalaking dumaan sa buhay ko na nasaktan ko kaya nandito ka at bumabawi sa akin. Aaminin ko nasakta ako. Sobrang nasaktan ako nung nalaman kong niloloko mo lang pala ako." Halos hagulgol na ang naging pag-iyak ko kasi naalala ko na naman ang lahat. Akala ko ba okay ka na Madison bakit super affected ka pa rin.

Perfect TogetherWhere stories live. Discover now