Chapter 7: THE FIANCEE

Zacznij od początku
                                    

Wala naman kasi talaga akong choice kundi ang pumayag sa gusto ni daddy eh and no I am not doing this fopr myself but for mama, she's done so much for me and this is my way to give back. Hindi niya ako totoong anak and in fact anak ako ni daddy sa labas pero puro kabutihan lang ang ginawa niya sakin at hindi kakayanin ng kunsensya ko kung mawawala sa kanya ang islang nag-iisang alaala niya nalang sa mga namatay niyang magulang.

Hinihintay na ako ni Shane sa labas ng condo ko at siya na rin ang tumulong para mag ayos ng mga gamit at pumili ng damit na susuotin ko bukas.

'So you'll finally meet Mr. future husband tomorrow huh?' I just nodded with frustration while she's busy checking some dresses for me.

"Dinner ba kayo bukas? hotel? fancy restaurant? How about this one?' Bumangon ako sa pagkakahiga at tinagilid ang ulo para tingnan ang pinapakita niyang damit.

'Too formal. No.'

'So hindi pa daw nameet ni tita ang fiance mo?' Tanong niya habang binabalik ang dress sa closet ko at inisa-isa ang ibang damit na naroon.

'nope'

'I have this feeling na gwapo yan. Yung tipong panghollywood'

"sana nga.. kasi baka magpakamatay nalang ako kung matanda at pangit ang haharap sa amin bukas.'

'Found it' I looked at her as she showed me a black high neck bodycon dress.

'Don't you think it's too sexy?'

'Sexy ka naman kahit anong isout mo. And it will show your legs then pair it with..' seryoso niyang pinasadahan ng tingin ang nakalinyang sandals 'this one! You'll never go wrong with valentino shoes' she smiled triumphantly at me

'Fine'

Tulog na si Shane ng pumunta ako sa terrace ng condo. I looked up to see the night sky realizing that I will be someone's wife and there's nothing I can do to prevent it from happening. I poured wine in the glass and tried to stop myself from thinking about him. Zach, ang lalaking minsan din akong pinangakoan ng kasal. Thinking about him, Siya nga kaya ang lalaking nagligtas sakin sa bar at kung siya nga yon then how did he know na nandun ako? Coincidence? Kaya di ko tuloy mapigilang matanong sa sarili ko kung kumusta na siya. it's been what? 2 or 3 years since the last time I saw him, hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. I combed my hair with my hand and exhale a deep breath, I shouldn't be thinking about him. Nakamove on na ako diba? Nakamove on na nga ba?

Sunod sunod na yugyug sa balikat ang gumising sakin at bumungad sakin ang mukha ni Jerric mna parang demonyong nakangisi sa harapan ko.

'Long time no see, Alliyah' pero imbes na sumagot ay sunod sunod sa tadyak ang inabut niya sakin at tumatawang umiiwas lang siya.

'Bweset ka! papatayin mo ba ako sa gulat?' patakbo siyang lumabas ng kwarto ko kaya sumunod na rin ako. Inabutan ko si Shane na naghahanda ng breakfast namin.

'Ara?' bulalas ko ng makita ang isang babaeng kasing tangkad ko lang pero mas maputi sakin at 'pareho kaming chinita na kapapasok lang at may dalang pizza box.

'Alli' Dali-dali niya akong niyakap, She's Arabella Saison. Ang nag-iisang filipina classmate ko sa sa Florence na naging girlfriend naman ni Jerric, thanks to me. 'Umalis ka man lang na di nagpapaalam tapos malalaman ko nalang dito kay Jerric na ikakasal kana' may halong tampong sabi ni Ara.

LOVE ME AGAINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz