Chapter 6

172 4 3
                                    

Chapter 6

Nagulat si Divine sa biglang pag-alis ni Slater. Hindi talaga nya ata maintindihan ang lalakeng yon. Wala naman syang ginagawang masama. Ginagawa na nga nya ang best nya para pakisamahan si Slater ng maayos. Para hindi nito isipin na iba sya. Pero kahit anong gawin nya parang walang epekto e. Mukhang badshot talaga si Slater sa kanya.

Kawawa naman si Viney. Nagbabakasyon na nga lang sa Pilipinas ganito pa mangyayari.

Okay. Hindi ko pa nga pala nasasabi. Si Divine po kasi nagbabakasyon lang sa Pilipinas. Nangako kasi ang parents nya na pagkagraduate nya sa college, pagbabakasyunin sya ng mga ito sa Philippines. Actually,sa Pilipinas naman talaga sya pinanganak. Yun nga lang nung 5 years old ysa, nilisan ng pamilya nila ang Pilipinas saka nag-stay sa Scotland. Oh ye. Tapos mula nun hindi na sila nakabalik pa sa Pilipinas.

 Gusto nga ni Divine na sa Pilipinas na lang sya mag-aral after high school pero hindi pumayag si Mader at Pader kasi wala daw syang kasama. Wala din syang matitirhan dahil binenta na ang properties nila don. Nabuhayan lang naman sya ng pag-asa kasi nangako ang parents nya na pagkagraduate nya.. Pupunta sya ng Pilipinas!

Ang totoo nyan, kaya lang naman sya pumayag sa “bakasyon” na inoffer ng parents nya kasi nga balak nyang maghanap ng rason para mag-stay sa Pilipinas.. For good. Di nga pala sya nahirapan maghanap ng matitirhan kasi nag-offer ang Tita Toni nya, yung bagong asawa ni Tito Paul naman nya na dun na lang sya mag-stay sa bahay ni Tita sa BF. Taraaaay!

Sobrang saya nga ni Divine e hindi na sya nagdalawang isip sa offer. Yes agad! Hahahaha

Inexplain naman ni Tita Toni sa kanya clearly na may makakasama sya sa bahay. Yun yung inaanak ni Tita.. Yung Slater. Yung mukhang malinis at mabangong lalake na nakita nya sa Facebook ni Tita Toni minsan. Buong akala naman kasi ni Divine e santo ‘tong si Slater. Kung makangiti kasi wagas lang e. Parang anghel! :)

Tapos kung i-endorse pa ni Tita Toni sa kanya e parang tatakbo lang ito sa halalan.

“Slater is a super duper, absolutely very good boy. He’s a gentleman. Very good looking.. He’s smart. He’s fun to be with. He knows what he wants. He stands for what is right. He is a very responsible young man. You’ll love him!”

Wow. Si Tita Toni, mukhang isinusulong din ang Slavine. Kung maikampanya si Slater e. Hahahaha Bugaw?

Edi syempre nag-expect si Viney. Malay ba nyang kabaligtaran lahat ng sinabi ni Tita abt kay Slater? Well, hindi naman lahat.. Yung gentleman part? Medyo pasado na. Yung good looking din daw oo. Pero yung MABAIT? Yung fun to be with? Pfft~

“Since when did being a kill joy and ill-tempered become FUN? Rubbish. ”- Vine

Ayan nga o. Sya na nga tumulong kay Slater tapos sya pa nilayasan. Ay nakooo. Mukhang hindi ata makakahanap si Divine ng rason para magstay pa ng mas matagal sa Pilipinas. Iba ang nahanap nya.. Si Slater. Yung magiging dahilan ng biglaan nyang pag-alis.

Pero.. ERASE!

“Why would I give up this easy?” tanong ni Vine sa sarili. “Why would I let him ruin my stay? That evil Slater.” Bitter nya na sabi.

Owo nga. Go Viney! FIGHTING~

Teka nga.. nasabi ko na ba na si Divine ay.. Well, member of the third sex? Si Divine po ay lesbian. Perooooooo.. May naging boyfriend naman sya dati. Yun nga lang, mula nung nagbreak sila ayooown nagkanda-leche2x na. Ang dyosa naging dude na. Ay nakoooo. Tapos ang malupit pa dyan may girlfriend sya! Si Mikaela? Tehehehehe xD Di ako sure sa name e. Bwahahaha

Tumingin si Divine sa wall clock.

12:51

Hindi makatulog si Divine. Kanina pa nya pinipilit na gawin yun pero di talaga nya kaya. Hindi pa rin umuuwi si Slater. Ewan daw ba. Hindi sya mapakali. Nagpalakad-lakad sya sa sala back and forth. Umaasang may kakatok sa pinto. Umaasang si Slater na yun.

The Wings On His BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon