Teaser and Introduction of Characters

6 0 0
                                    

Maaliwalas na katahimikan ang bumabalot sa mansyon. Sa hardin ay naroon sina Toshiro, Daiki, at Shihori. Umiinom ng alak si Toshiro sa may garden coffee table. Habang tinuturuan naman ni Daiki na pumitas si Shihori ng bulaklak.

Kale Toshiro Ito, seventeen years old, Grade Eleven-Sun Section in Tokyo University. Best describe as "Maginoo pero medyo bastos. Walang pakialam kung makasakit ng damdamin ng babae, ika nga niya "Hunt all day, Fuck all night. That's my life cycle." Kahit marami na siyang napaiyak at nasaktan, patuloy pa rin ang mga babae na umasa at nabibighani sa kaguwapuhan niya. Perfect like a God ang describe ng mga babae sa kanya. Isa siya sa "Perfect Four", ginawarang "Hot Casanova Prince".

Jeyden Daiki Nokomori, eighteen years old, Grade Eleven-Sun Section in Tokyo University. Ang concieted sa kanilang lahat. Mayabang, living aircon, GGSS, at sinabi ko na rin bang concieted? Sa bawat sasabihin, isasagot, at itatanong niya mayroong "Ang guwapo ko talaga!" Atsaka kikindat at magli-lip bite. Oo nga't guwapo siya, ngunit saksakan naman sa kalandian at kahanginan. Wrong grammar kung mag-english na parang tumatumbling . Sa kabila ng pagiging concieted at flirt niya marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. Isa rin siya sa "Perfect Four" at mas kilala sa tawag na "Perfect Flirt Prince".

Axel Shihori Kataoka, seventeen years old, Grade Eleven-Star Section in Tokyo University. Ang classy, decent, and chivalrous sa kanilang lahat na Perfect Four. NGSB si Axel. He respects girls, he hates to see girls crying over guys. "Chivalry is still here, while I live." Sabi nga niya. Mas maganda pa siya sa babae, pahabain lang ang buhok at pagdamitin ng pambabae, siya ang "Cute Gentle Prince" ng "Perfect Four".

At ang huli, Jasper Sato Kitahori, eighteen rin katulad ni Daiki, Grade Eleven-Star Section in Tokyo University. Ang cold, halimaw sa tulog, puro pagkain ang bukambibig, tahimik sa labas ng mansyon, bungangero sa loob, business-minded, mukhang pera, may pagka-loko at may pagka-misteryoso sa eskuwelahan. Siya ang mayroong pinaka-maraming fan girls at gays. Oo, kahit bakla nahuhumaling sa kanya, kulang nga ang salitang perpekto sa panlabas na katauhan, sabi nga ng fans niya "He's so cool! Marry me Jasper!". Pero sa panloob? Nah, I'd rather throw up. Masama ang ugali niya pero hindi iyon nahahalata dahil sa galing niyang magpanggap. "Perfect Sleeping Prince" ng "Perfect Four".

Childhood bestfriends silang apat at kapatid na ang turingan sa isa't isa.

"TOSHIROOOOO!!! TOSHIRO! TOSHIRO! NASAAN KA BA?" sigaw ni Sato na ikinabasag ng katahimikan sa hardin.

"Ano na naman bang nginangawa mo diyan, Sato? Baka mabingi ang guwapong ako." Maangas na tanong ni Daiki.

"Hindi ba kayo kinakabahan?! Uuwi ngayon ang mangkukulam!" sigaw ni Sato na tumatakbo paikot-ikot sa lamesa. Ngumisi lang si Toshiro at naglagay muli ng wine sa glass. Natahimik si Sato nang sinikmuraan siya ni Daiki.

"Bakit mo ako sinikmuraan! Masuwerte ka at nag-pa-panic ako ngayon at wala sa iyo ang atensiyon ko! Naku! Ano kaya ang iuutos ni Witch sa atin? Nakabayad naman tayo ng renta ngayong buwan diba? Ano ang trip niya at pupuntahan tayo? Hmmmppff!" Sinaksakan ni Shihori ang bibig ni Sato ng pulang rosas.

"Ang ingay mo! Matulog ka na lang ulit! Tutal doon ka magaling. Halimaw ng tulog!" Sita ni Shihori. Natigil sila nang biglang may narinig silang sasakyan na paparating.

"Shit!" Sabay-sabay nilang mura.

Sparkling brown eyes.

Pointed Nose.

Long eyelashes.

Perfectly-shaped eyebrows

High cheekbones.

Pink plump lips.

Long brown wavy hair.

Petite body with right curves.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 25, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Steps To Be A Fine LadyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora