Hi there! One shot lang po ito ahhh... Thanks for reading enjoy!
Miley's POV
Andito ako sa classroom kasama ang mga kaibigan ko na nagdadaldalan kasi wala ang teacher namin kaya ayan ang ingay nila..
Habang ako? Nakatingin nanaman sakanya na masayang nakikipagusap sa kaibigan nya... Kelan ko kaya sya makakausap?
"Ok class!!! Punta na sa court magprapraktis na!!!"sabi ni mam na kararating lang
Hayyy praktis nanaman... Graduating kasi kami... Magcocollage na kami hihi...
Nakapila na kami sa labas ng court... First kami kasi section 1 kami...
Isa isa ng pumasok mga kaklase ko. Habang naglalakad ako,nakasabay ko syang maglakad putek.. Heart kalma lang wooo... Ng nasa pinto na kami nagtama ang mga balikat namin... Takte kalma lang
Habang nagprapraktis kami,lutang ako...
"Uyyy girls na tara na!"kalabit saakin ni maya bestfriend ko and magkatabi kami kasi magkalapit ang surname namin.
Natapos na ang praktis at nagaya si lory na pumunta kami sa bahay nila... Ganyan kami lagi eh haha
"Maya! Uwi ka paba?"pagtatanong ko
"Ahh hindi na tara sabay na tayo pumunta kila lory"-maya
Habang naglalakad kami nakita ko si jc,crush ko,kasama nya si angel,crush nya... Ouch lang
"Maya bestie,dalian na natin nasasaktan na ako dito"-me
"Hayyy miley bestie naman eh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tanggapin mo na!"-maya
"Bestie,alam mo naman na mahirap diba?"-me
"Hayy bala ka bestie"-pagkatapos sabihin nun ni maya ay nauna na syang maglakad kaya tiningnan ko muna sila jc at angel...
Ang saya nila... Ako nalang sana jc....
"Bestie!!!"nabalik ako sa mundo ng tinawag ako ni maya at hinatak...
****
Andito kami sa bahay ni lory...
"Guys laro tayo!!!"pagaaya ni celinn(selin)
"Ghe truth or dare"-lory
"Sige kuha na ako ng bote"-maya
Umupo na kami pacross kami kasi apat lang naman kami... Una natapat ang bote kay lory
"Truth or dare"-celinn
"Truth"-lory
"May gusto si jc kay angel may gusto naman si angel kay tyron, may gusto rin si tyron kay angel,Tanggap mo ba?"-maya
Si tyron ay crush ni lory
"Oo naman si miley lang naman ang hindi eh"-lory kaya napa buntong hininga nalng ako
"Tsaka wala na akong gusto dun noh"-lory
Pinaikot uli nila ang bote at saakin na tumapat
"Truth or dare?"-celinn
"Dare"-me
"Magtapat ka kay jc sa araw ng graduation"-maya
"Maya naman eh"-me
"Oh? Bakit? Akala ko gusto mo na magtapat sakanya?"-maya
"Hayyy sge na nga"-me
"Asahan namin yan miley ahh"celinn
****
Sa araw ng graduation
"Jc Fransisco!"
Pagtawag ni mam kay jc kaya umakyat na sya sa stage at kinamayan ang mga teachers dun at kinuha ang kanyang deploma at tumayo sa gitna para picturan....
Pagkatapos ng mga lalaki ay tumayo na kaming mga babae...
"Angel Aguilar!"at umakyat na si angel
"Celinn Agustin"
"Lory Chua!"
"Maya De Guzman"
"Miley Ertaza"
At umakyat na ako nagkamayan kami ng mgateachers at inabot saakin ang diploma ko atsaka tumayo ako sa gitna para picturan ako,sumilay muna ako kay jc at nakangiti sya saakin, huh? Bakit sya nakangiti saakin?
Ngumiti ako sa taga picture at bumaba na ako...
Marami pang nagsalita at kung ano ano...
At tapos na... Magkakahiwalay na kami ng bestie ko huhu... Nagyakapan kaming apat... Biglang may binulong saakin si maya
"Bestie yung dare mo"
Kaya napabuntong hininga nalang ako... Di talaga nila makakalimutan...
Lumapit na ako kay jc
"Jc!!!"
"Oh? Miley ikaw pala ang ganda mo ngayon ahh"bigla naman akong nagblush sa sinabi ni jc pero hindi... Wala na akong feelings sakanya... Miley tapos na feelings mo!!!
"A-ahh ka-kasi jc ano"-me
"Ano?"
"May gusto kasi ako sayo jc!!!!"-me
"Hu-huh? Sorry may iba na kasi akong gusto"
Biglang may pumatak na luha sa pisnge ko
"A-ahaha s-si ang-angel diba? Ha-haha ang tanga ko... Pero wag kang magalala wala na akong feeling sayo pagkatapos nito.... May gusto lang akong sabihin sayo"-me
"A-ano yun?"-jc
"Ako nalang sana"
********
At dito nagtatapos ang oneshot story ko hihi thanks sa pagbabasa😘😘😘
YOU ARE READING
Ako Nalang Sana (one shot)
Teen Fictionnaranasan mo na bang mahulog sa taong alam mo namang hindi ka sasaluhin?
