Kabanata 2

1 0 0
                                        

Trisha~

"Wala naman pala eh,bakit?!" Hindi ko namalayan napataas pa ang busis ko at wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid

"Dahil hindi na kita mahal" simple niyang sagot

"Bakit? May mahal ka nang iba?"tanong ko sakanya

"Bakit? Dahil nagsasawa na ako at pagod na akong umaatindi sayo, at ano naman kung may mahal akong iba?" sagot niya sabay tingin niya ng dretso sa mata

"Bakit pag nagsawa at pagod kana sa isang  relasyon ay susuko kana?, hindi ba pwedeng pag usapan lang muna?"tanong ko

"Nagmahal pala ako sa taong hindi matibay ang pagmamahal sa akin. Kung yan ang gusto mo maghiwalay na tayo dahil ayaw kung magmahal sa isang tao na kunting problema lang ay iiwan ka lang" dogtung ko sa kanya

" sige ,im.....setting you...free. Sana maging masaya ka at Salamat sa time at sa pagpaparamdam ng pagmamahal...Good Bye Nico" paalam ko sa kanya sabay tayo sa upuan at labas sa restaurant.

Tinext ko na si manong para sunduin ako dito isang coffee shop. Pagkalabas na pag kalabas ko sa restaurant ay dumiretso agad ako dito dahil parang anong oras ay tutulo na ay luha ko.Ayaw na ayaw ko na umiyak sa maraming tao pero ngayon parang ang ayaw kong mangyari ay mangyayari. Naka tanggap ako ng text galing kang manong na nasa labas na siya kaya tumayo na ako sa upuan at lumabas na. Pagpasok ko sa sasakyan ay binati ko si manong na parang walang nangyari pero parang na pansin niya ang lungkot ng aking mata pero hindi nalang niya ako pinansin. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon na nagsimula ang pagtulo ng aking mga luha. Si Nico siya ang childhood bestfriend, childhood crush, first love at first heartbreak.

Noon mag kapit bahay kami sa probinsiya at mag bestfriend ang mga ama namin kaya palagi siyang pumupunta sa bahay namin kasama ang tatay niya. Wala na siyang ina dahil namatay sa isang sakit kaya ang papa niya nalang ang kumakayod para sa kanila. Dahil palagi siya sa amin tumatambay kaya naging mag bestfriend kami. Naalala ko nga noon tinutukso kami sa isa't isa dahil palagi kaming magkasama.

Throwback~

Naglalaro kami ng mga barkada ko kasama si Nico ng bahay bahayan noon. Pinag uusapan namin kung sino ang papa at mama ng nag suggest ang isa kung kabarkada na si joy.

"Si Nico nalang kaya ang Papa" suggest ni joy

"Ok, si Nico nalang ang papa. Ok lang ba sayo Nico?"tanong ni Maureen kay Nico

"Ok lang sa akin basta si Trish ang asawa ko"

"Ayyyyiiiieeee love birds" tukso ng mga kabarkada ko

"Magsitigil nga kayo, kung kiligin naman kayo makabasag plato ang tili niyo"saway ko sa kanila habang nagpipigil ng kilig.

"Tse parang hindi ka kinikilig diyan eh pulang pula na nga yang pisngi mo" sabi ni Joy habang ngumisi ng malapad

"Tama na ngayan baka hindi ako pansinin ng my labs ko mamaya" sabi ni Nico sabay akbay sa akin

"Tigil tigilan mo na ako sa mga pambubula mo Nico hap" sabi ko sabay alis sa kamay niya na naka akbay

"Hindi naman ako nambubula my labs ah seryoso naman ako sayo" sabi niyang nakangiti ng malapad

"Tse!"sabi ko sabay walk out

"Oyyy nag e LQ na ang mag asawa" tukso ni Joy

"Simulan na natin ang laro" sabi ni Mariel

"Ok, Pagbatiin natin sila mama at papa para masaya ang family natin" sabi ni Maureen

"Oo nga, pero ang rami natin ha walo (8) tayong anak ni papa. Hindi ba siya napapagod?" Dinig kung tanong ni Joy sa mga kapatid niya (sa laro)

"Grabeng ang kayod ni papa ha at umani siya ng mga magandang at gwapong mga nilalang"dinig kung sabi ni Mariel na tumatawa

"Hahahahah tama ka" sabi ni Maureen sabay apir sa mga kapatid kuno.

*Present*

Kaya simula noon ay tinutukso na kami ng mga kabarkada ko at pati na ang mga kapitbahay namin dahil halos hindi na kami mapaghiwalay sa isa't isa hanggang naging crush ko siya at ang nakaka alam lang nong una ay ang mga babaeng kabarkada ko at nong nalaman ng mga lalaking kadabarkads ko ay tinago din nila ito at hindi sinabi kay Nico. Pero sabi nga nila walang sekreto ang hindi nabubunyag kaya pagka lipas ng 6 years ay nalaman niyang may crush ako sa kanya. Paano niya nalaman? Dahil sa mga barkada kong mga maiingay. Noong nalaman niya ay nasa Grade 6 na ako at mag kaklase kami kaya hirap na hirap akong iwasan siya. Hindi ko siya pinansin ng 3 buwan dahil sa issue na yon.

Sa loob ng tatlong buwan ay si Nico ay palaging na ngungulit na makipag usap dahil pagod na ako sa mga pangungulit niya ay nakipag kita na ako sa kanya sa Garden ng School at doon nalaman na matagal na siyang may gusto sa akin ngunit na totorpe lang siya baka masira ang pagkakaibigan namin.
Dahil hindi ko siya pinansin ng tatlong buwan ay natakot siyang baka tuluyang lumayo na ako sa kanya at hindi ko na siya pansinin.

*nico's POV*

Pagkalabas ni trisha agad ko siyang sinundan pero hindi palang ako nakakalabas ng pinto doon ko lang napagtanto na ako ang may kasalanan kong bakit sya umiiyak at nasasaktan.
Kay sakit palang pagmasdan ang taong mahal mong umiiyak at nasasaktan sa kadahilanan na hindi ko siya kayang makita na magdaramdam dahil hindi niya kinuha ang chance na maabot ang kanyang mga pangarap. Masakit man pero ito ang realidad.

Stricted LoveWhere stories live. Discover now