Part 1

4.4K 68 3
                                        

        "Ysa, kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong ni Mark sa akin sa tono na medyo naiinis na.

        "Sasagutin sana kita ngayon pero nagmamadali ka, kaya bukas nalang." biro ko sa kanya.

        Crush ko siya nong college pa kami at hindi na kami nagkikita ulit after graduation dahil busy na kami pareho sa business namin.  Siya na ang nagmamahala ng business ng dad niya ngayon. At ng nagkita kami ulit, bumalik yong pagka crush ko sa kanya tapos tadhana talaga, siya pala ang pinagkaoob sa akin. Super thankful naman ako. Di ba?

        Me? I'm Ysabelle Samonte, May 3 restaurants ako here in Manila and soon to open sa Cebu and Davao.

        Sinusuportaan ako ng parents ko at ni Kuya Dave kaya lumago ang aking business. I love cooking talaga at sila ang inspiration ko sa pagluluto.

       Back to Mark. Nandito kami sa isang restaurant nagdinner at nangungulit para sagutin ko na siya. Well maybe nga dahil 1 week na siyang nanliligaw sa akin. Pakipot naman ako ng kaunti. Tsarrr.

      "Really Ysa? Hindi ako nagmamadali promise. So, ano na?" excited nitong sabi.

       Tumango ako.

        Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko. "You mean?"

        "Yep. I said yes." Kilig ko naman.

        "Oh my God. So, Girlfriend na kita?" tanong pa rin niya sa akin.

        "Gusto mo babawiin ko iyang OO ko sayo?" biro kong sabi sa kanya.

       "No. O my. Ang saya ko. I love you, Ysa. I'm going to love you everyday" sabi niya. Tapos tumayo ito at tumalon talon pa. Napansin sa ibang customer ang ginawa niya kaya nagpalakpakan ang mga ito.

        "Stop. Nakakahiya sa mga tao Mark." Bulong ko sa kanya habang tiningnan ko ang paligid. Nagsmile nalang ako sa kanila dahil tumingin pa ito sa amin.

      Umupo na rin si Mark sa tabi ko, hinalikan niya ang aking dalawang kamay tapos yumakap.

         Sana boto si kuya kay Mark, hindi na kasi kami bata. I'm 22 years old na at si kuya naman 24, maintindihan na niya ako ngayon. Sabi ko sa isip habang yakap pa kay Mark.

      Over protective kasi si kuya. Nang nagkaroon ako ng boyfriend noong high school pa ako isang linggo lang kami dahil ng nalaman ni kuya, ayon hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya basta lang nakipagbreak na sa akin ang boyfriend ko. Ganun din nong college na ako. Walang nanliligaw dahil takot kay kuya.

      Sa kuya Dave ko.

      "Ang saya ko, honey!" sabi ni Mark ng kumalas na ito sa akin.

       May endearment agad? Natawa nalang ako. "Masaya din ako, honey."

       Pagkatapos naming nagdinner, nanood kami ng sine. Hindi ko nga naintindihan ang palabas dahil siya lang ang nasa aking isipan kahit magkatabi lang kami. Super kilig...

       Ang saya namang isipin na may boyfriend na ako dahil noong college, napaisip nalang ako na hindi ba ako maganda? Mabaho ba ako? Dahil ang iba, pinalitan na. Ako?

      Yon pala dahil sa dalawang tao sa buhay ko. Ang kuya Dave ko at ang bestfriend niyang si kuya Jake. Pero ngayon wala silang kaalam alam baka pigilan lang nila ang panliligaw ni Mark sa akin. 
      
       Kaya naman sinagot ko na siya agad, bakit pa ba patagalin baka maunahan pa ako.

       Pagkatapos naming nanuod ng sine ay hinatid na ako ni Mark sa bahay.

     Ayon nabungad ko na si kuya na katayo sa may pintuan. Taas kilay at nag cross arm pa.

My Kuya's BestfriendStories to obsess over. Discover now