Hii
(I'm back guys)
Kaya pa bang mag mahal ng tao matagal ng nasaktan?
Ako nga pala si Alexandra Nicole Ramos, o may kilala xandra dito sa aming lugar na tondo manila. Isang dalaga na mula ng isinilang ay sanay na sa hirap ng buhay. Ang aking ama ay isang simpleng tindero ng prutas sa palengke at ang aking ina naman ay isang OFW Sa Japan.
Mula ng pag ka bata sanay na Ako mag trabaho sa aming pwesto sa palengke madalas Ako ang nag babantay nito pag ka galing ko sa school. Dahil ang aking ama naman ay nag titinda sa isa pa naming pwesto sa divisoria. Si mama naman ay lumipad papunta Japan upang mag trabaho dahil sa hirap nang buhay ay napilitan siyang mag trabaho sa Japan para matustusan ang pag aaral namin ng aking kapatid na si Julia. Kami ay nag aaral sa tondo national high school bilang isang senior high school student at aking kapatid ay Junior High, pero kahit anong hirap ng buhay ay pinipilit pa din namin mag aral upang makaahon sa hirap.
Ngunit paano pag isang araw ay bigla nalamang mahulog ang aking loob sa isang arrogant, mayabang at ubod ng tigas na ulo na si Primo James Young, isa ba ito masayang karanasan o isa lamang ito patibong ng tadhana??
Si Primo James young ay isang mayaman pamilya na nag mamayri ng iilang restaurant and pwesto sa binondo ay divisoria. Iilan lamang ito sa kanilang mga negosyo. Ang kanyang ama ay isang mayaman tsino na nakapangasawa ng isang maganda at napakabait na isang pilipino babae na taga pasig city. Ang kanilang pamilya ay napakabait dahil maraming tao na ito natulungan na umasenso kaya sila'y pinag pa pala ng maykapal. Biniyaan sila ng 2 anak na parehas na lalaki ito ay si Primo James Young at si Sunghoon Miguel Young. Parehas na binatang matatalino pero ang isang sa kanila ay ubod ng pagiging sutil.
Paano pag isang araw ay pag tagpuhin ng tadhana ang dalawang tao mag kaiba ng estado sa buhay pero iisa lamang ang pangarap ay ang makapag tapos ng aaral?
Author's note
"Hii guys Ako pala si nics ahm lahat po na nabanggit na character dito ay pawang katha isp ko lamang po. Di pa po Ako sanay na mag sulat ng story. Kaya pasensya na po if wrong grammar or punctuation po ang aking nagagamit. (Na bored lamang Ako) . At yung mga lugar na nababangita ay kathang isip po ito. Sana bigyan niyo pa po Ako chance na ma improve ang story na to. Thank you po. Have a good day ahead po
