AnneRylle #CurtRylle?

619 18 2
                                    

"Billy saan lakad mo?"

Tanong ni Anne sa kaibigang kasama niya sa bahay. They were  childhood friends, kaya kumportableng-kumportable na sila sa isa't-isa para magsama sa iisang bahay.

"May pinapa-meet si Bestie Vice na client"

Busy'ng sagot ni Billy habang nagsisintas ng kanyang sapatos.
Billy's working for his Bestie Vice's Flower shop.

"Can I go?"

Tila nagpapa-cute na tanong ni Anne sa kaibigan.

"Pleaseee Billy Boy. I dont have any plan for today, so mabo-bore lang ako dito"

Napa-sigh nalang naman si Billy, kailan niya ba natanggihan si Anne?

"Okay, okay fine. Mag-ayos ka na dahil mali-late tayo sa call time nung client!"

Napa-ngiting malaki naman si Anne at yumakap ng mahigpit sa kaibigan, well, she already knew it, hindi siya nito mahihindi-an.

"Tama na sa yakap Anning! Please lang kumilos ka na"

Napa-pout naman si Anne ng guluhin ni Billy ang buhok niya.

"Tse! Give me 10 minutes!"

At doon ay patakbong umakyat si Anne sa kanyang Kwarto.

-

"Akala ko ba Billy 2:30 ang call time? Magwa-one hour na tayo dito sa Starbucks, nakaka-ilang frappe na din ako 'tol"

"Anning, ganon talaga, you need to be patient. Parating na raw siya, na-traffic daw eh"

"Traffic blah blah blah. Parang lahat naman ng nali-late sa calltime, eh ayan ang dahilan"

Labas sa ilong na tugon ni Anne kasabay ng pag-sipsip niya sa kanyang ikatlong frappe.

"Kumalma ka nga Anning. Palibhasa kasi ikaw nabyahe lang pag may rampa, 'pag wala, nganga sa bahay. Alam mo isa-suggest ko talaga kay Tito, bigyan ka ng posisyon sa company niyo"

"Uy wag! Ano ba 'to eh. Im enjoying my life kaya! Why dont you just be like me? Mag-quit ka na dyan sa work mo kay Beks. Tutal may Tattoo shop ka naman eh"

"Nako Anning wag mo na 'ko i-gaya sayo. Hindi gugustuhin ng future wife ko na tambay lang magiging Asawa niya"

"Grabe 'to! Hindi naman sa tambay ah? You have your business, duh"

Magsasalita palang muli sana si Billy ng maunahan siya ni Anne.

"And anong sinasabi mong hindi gugustuhin ng future wife mo na tambay ka? Wag kang mag-alala, okay lang naman sakin, ako pa nga nagsa-suggest diba?"

(ehe singit ko lang timba ko 😂)

Banat ng dalaga and winked at Billy. Naputol naman ang conversation nila ng may maglapag ng pouch sa table nila.

"Im sorry, im late. Sorry talaga if naghintay kayo ng matagal"

Pag-hingi ng paumahin ng dumating.

"It's okay Ms. Tatlonghari"

Ngiting-tugon naman ni Billy and offer his hand for a shakehand.

"Just call me Karylle or K, too formal ang Ms. Tatlonghari, hahaha"

"Okay then. But before we discuss, I just want to introduce my friend, Anne Curtis"

Nginitian naman ng Dalaga si Anne.

"Hi"

Sabay na sambit pa ng dalawang dyosa.

-

BillyAnne & AnneRylle One ShotsWhere stories live. Discover now