Ma. Jeyanne Elizabeth Ty Ramos.
"Ano?" Iritadong tanong ko sa katabi kong kinalabit ako. Tumawa nalang siya kaya inirapan ko, napa buntong hininga ako nung makita ko siya na kasama ang mga kaibigan niya, hanggang tingin nalang ba?
"Eli, kumain ka naman ng lunch mo." Ani Danna.
I faked a smile, "nawalan ako ng gana."
Tinitigan ako ni John, "palagi mo yang sinasabi sa amin Eli." Sambit niya. Tumahimik nalang ako, ayokong mag away nanaman kami ng dahil lang sa akin, ibinalik ko ang titig kay Carl Fienz Adonis Fierre. Sikat siya sa school pero di niya iyon ipinagmamalaki, he's not the type of guy na nambubully kahit wala kang ginagawa. He's acting like an angel, kahit na demonyo talaga siya. I've seen how he beats up other gangs, flirt with girls and go clubbing.
Na huli ako ni Jacob na naka titig kay Carl kaya agad akong umiwas at lumingon sa ibang deriksyon, pinakinggan ko nalang ang aking mga kaibigan na masayang nag uusap-usap habang kumakain. Napa lingon agad ako sa mga sumisigaw na babae, nagkaka rambol na doon.
"Anong meron?" Bulong ni Juliana sa akin at nag kibit balikat ako.
"ANONG SABI MO?!" Napa talon agad ako patayo ng na rinig ko ang malakas na sigaw ni kuya Francis, agad akong tumakbo para pigilan kung ano man ang magagawa niya sa lalaking naka dapa na ngayon.
Pumagitna ako sakanila, "kuya Franz what is this nonsense?"
Matalim ang mga titig niya nung tinignan niya ako, "wag ka diyan sa dadaanan ko Elizabeth." He called me by my second name at alam kong galit na galit talaga siya sa lalaking nasa likuran ko.
"No, di ko iyon magagawa. I'm the Student Council President." Matigas kong sabi at sinamaan siya ng tingin na kung kaya't napa buntong hininga siya.
"Fine!." Iritado niyang sinabi sakin bago mag lakad palayo kasama sina kuya Andrei. Kuya Francis is my cousin, ayaw ko lang na mapa away siya. Pwede siyang ma expell sa school na ito, kahit sa amin talaga ng pamilya ang nag mamay-ari nito. Lumingon agad ako sa lalaking nasa likuran ko na puno ng galos at dugo ang mukha niya, inalalayan ko siyang tumayo.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko at ngumisi siya at nag lakad patungong clinic, napa buntong hininga ako at bumalik sa mesa naming malapit lang kela Carl.
Tinitigan nila akong lahat, "anyare?" Tanong agad ni John nang maka upo ako.
"Di ko alam eh, pero tatawagin ko sila mamaya after school. We'll have to discuss what they did." Sabi ko at linapag ang ulo sa mesa, ngayon naka tingin na ako sa deriksyon nila Carl. Na sagip nanaman ang mga titig ko kay Carl ni Jacob, umiwas ako ng tingin at pinikit agad ang aking mga mata.
Nag bell na kaya halos lahat ng estudyante ay nag si-alisan na sa canteen, ngunit na iwan ako doon. Baka kasi may nag cucutting, tinignan ko ang sulok ng canteen at wala naman akong makitang estudyanteng naka tambay doon kaya kinuha ko na ang bag ko. I still have 10 minutes since ako ang Prez ng Academy, nung papalabas na ako ng canteen agad kong nakita si Carl na naka upod sa may hallway na para bang may hinihintay? Palagi siyang ganito tuwing tapos na ang lunch break, agad akong lumapit.
"Nag cucutting ka ba? Punta ka na sa klase mo." Ani ko at agad siyang tumango at nag lakad na palayo, napa buntong hininga ako. Sino ba kasi ang inaantay niya tuwing lunch? Nag lakad na ako patungong next subject ko, pag bukas ko ng pintuan ay agad kong na abutan ang mga kaklase kong nag tatawanan habang yung iba ay merong sariling mundo. Wala pa si sir Damyan?
YOU ARE READING
Slipped Away
Teen Fiction"Meron talagang mga bagay na mawawala ng hindi natin napapansin."
