Sh*t. Ang sakit sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay dala ko ang buong mundo sa sobrang bigat ng dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam.
Pakiramdam ng mga kaibigan kong nasaktan rin noon kagaya ng nararamdaman ko ngayon. Noong una ay tinatawanan ko lang sila dahil hindi ko alam ang pakiramdam ng mga nararamdaman nila. Malalaman mo lang talaga iyon kapag sa iyo na mismo mangyari.
May taon ko na rin siyang minamahal. At ngayon na umamin ako, doon nag-umpisa ang lahat.
~FLASHBACK~
"...I love you." Maluha-luha kong sambit sa harapan niya.
"Sorry. I can't love you back." Lumabas sa bibig niya ang mga salitang kinatatakutan kong marinig.
Nagtuloy sa pagtulo ang luha ko pero alam kong hindi na iyon dahil sa sayang naramdaman ko ng masabi ko na ang lahat sa kanya.
"Please don't cry. Bata pa tayo at marami ka pang pwedeng makilala na mas hihigit pa sa akin." Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Malabo man ang aking paningin ngayon dahil sa luha ay natitiyak kong naluluha na rin siya.
"Hindi ko mapigilan eh. Basta korni mang pakinggan dahil narinig or nabasa mo na ito sa mga pocket books, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." After saying those words, unti-unti kong binitawan ang kamay niya at naglakad papalayo.
Naglakad lang ako ng naglakad at hindi iniintindi ang mga taong nakakakita sa pag-iyak ko, hanggang sa namalayan ko na lang na nasa bahay na pala ako. Pumasok ako sa kwarto ko at naglock ng pinto, kahit na mag-isa ko lang sa bahay at wala talaga akong kasama.
~END OF FLASHBACK~
Naupo ako sa kama ko at dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko napigilan ang mapatayo. Nadatnan ko na lang ang sarili kong ibinabalibag ang mga bagay na mahawakan ko.
Pakiramdam ko ay wala nang silbi ang mabuhay pa ako.
Napagod ako sa pagbabalibag ng mga gamit at naupo sa isang sulok ng kwarto ko. Ipinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko at doon yumuko.
Inalala ko ang mga masasayang alaala namin at hindi ko naiwasang maiyak pang lalo.
~FLASHBACK [A YEAR AGO]~
"Hey! Hintayin mo 'ko madaya ka! Haha!" Hindi ko naiwasang mapangiti sa ganda ng mukha niya habang tumatawang hinahabol ako.
Ang mukha ng mahal ko.
Naupo ako sa isa sa mga bench na nakita ko at hinintay siyang makaupo sa tabi ko. Malapit nang lumubog ang araw at ang ganda naman ng napuwestuhan ko dahil masasaksihan mo iyon ng mabuti mula dito.
Nang makaupo siya ay agad siyang nagsalita. "Ang kalmado rito 'no?"
"Kaya nga eh. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang ganitong tanawin na may konting mga puno at halaman pa sa paligid. At alam mo ba kung ano pa ang mas nakakapag paganda rito?" Tanong ko sa kaniya at nilingon naman niya ako.
"Ano?"
"Ikaw. Ang makita ang lahat ng ito kasama ang isang gaya mo." Mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya ang mga ito.
"Hahaha!" Natuwa ako sa mga ngiti at tawang kumawala sa mga labi nito pero nalungkot din dahil ang tingin niya ay biro lang ang sinabi ko, hindi ko ipinahalata ang lungkot na naramdaman ko at itinuon na namin ang atensyon sa palubog nang araw.
~END OF FLASHBACK~
"Bakit bang kinailangan ko pang maramdaman ang lahat ng iyon!" Nanggagalaiting sigaw ko habang patuloy parin sa pag-agos ang luha ko.
Naibaba ko ang kamay ko dahil sa panghihinang nararamdaman at may nakapa akong bagay at naibato ko naman ito kaagad sa kung saan!
Halo-halo ang nararamdaman ko.
Panlulumo.
Panghihina.
Galit.
Sakit.
"Hindi ba pwedeng, parati na lang masaya? Yung walang ganitong sakit na nararamdaman, yung walang pinoproblema?!" Naghanap ako ng bagay sa tabi ko at ibinato iyong muli sa kung saan. "Bakit kailangang palaging mawala ang sayang nararamdaman ko?!"
Laking gulat ko ng unti-unting magliwanag sa harap ko hanggang sa ang liwanag na iyon ay nakakasilaw na at masakit na sa mata.
Itinakip ko ang mga kamay ko sa mga mata ko pero sumisilip pa rin ako, umaasang malalaman kung bakit nagliwanag sa harap ko. Pero bigo akong malaman iyon sa halip ay nanakit ang ulo ko na parang binibiyak ito!
"A-aaahhhhhh!" Sigaw ko sa sobrang pananakit ng ulo ko. Nagdilim na ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari.
