I'm planning to surprise Drick today. I will now give him my sweet answer to his question about me, being his girlfriend.
I am now heading towards the direction of where he is right now.
I was supposed to go to his room when I heard someone. So I pause for a while then I heard a girl crying that's why I turned to right and started walking instead of turning left.
I peek in an empty room with a slightly open door, and there I saw Drick. Standing weakly and he look so frustrated while the girl. Mirace! Crying so loudly and begging desperately. She's about to kneel when Drick stop her and grab her.
The next thing he did majorly shocked me. He kissed her. He's hands travel down to her waist. No! I can't just watch their oh-so-emotional kissing scene. I was about to butt in when someone grab my hand...
"What the---" angal ko sana pero ng nakita ko kung sino ang humatak sa'kin ay napahinto ang pagmumura ko.
Marco Doiehr Booth
Wala akong ibang nagawa kundi ang magpati-anod na lang sa panghahatak niya. Gusto ng tumulo ng mga nagbabadya kong mga luha pero pinigilan ko.
No, I won't cry in front of this man. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang panghihina ko.
Nasasaktan ako! Oo, pero hindi ako iiyak sa harap niya.
Huminto kami sa paglalakad ng naabot na namin ang parking lot. Binuksan niya ang front-seat. Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang upuan.
"Get in." he said coldy. He's always like that. Bossy and ugrh! Whatever! I'm not in the mood to praise anything about him.
Nanatili lang akong nakatayo at walang imik.
"Get in or I'll carry you just to get in my car!" inis niyang saad.
"So, what now?" dagdag pa niya. Kapag ganyan na siya, tanda na 'yan na malapit na maubos pasensiya niya. Warning kumbaga.
Pumasok ako sa sasakyan niya kahit labag man sa kalooban ko. I know him better.
Pagkatapos niyang isara ang pinto ay agad siyang nagtungo sa driver-seat.
Pagkapasok niya sa sasakyan ay agad niya itong pinaandar.
Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan niya. Ayokong magsalita dahil galit na galit ako sa mga nangyari ngayong araw at isa siya sa dahilan non. Baka sa kanya ko pa ibunton lahat ng galit ko kaya mabuti pang manahimik na lang rin ako.
Mas lalo akong nainis dahil sa building pa mismo ng condo niya kami huminto.
Matapos niyang iparking ang sasakyan niya ay agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
"Ysa, Come on!" seryosong saway niya sakin. Hindi kasi ako bumababa sa kotse niya. Ayoko nga! Ayokong pumasok sa building nato! Ayokong pumasok sa condo niya!
Nanatili lang akong naka-upo habang ang mga mata'y diretso tingin sa harapan.
"Come on! Or I'll car---" hindi na niya natuloy ang banta niya dahil inunahan ko na siya.
"Ano? You'll carry me? Naman! Marco, ano ba? Bakit mo ba 'ko dinala rito? Bakit mo ba 'ko hinatak? Wala na diba? Wala ka ng pakialam sakin kaya bakit pa kita kaharap ngayon?" iritadong-iritado kong singhal sa kanya.
"Ysa, don't make a scene here. Come on! We'll talk about this inside so let's go." he said coldly.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pumasok na kami sa loob.
Pagdating namin sa loob ng condo niya ay agad ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay.
"Why did you bring me here?" mataray na tanong ko sa kanya.
