" Nak, ano na naman ba nangyari sayo? " tanong sakin ni mama
" Wala po "
" Anong wala, ma pustahan tayo napasabak yan sa gulo " kuya kong makapagsalita parang di din nakikisali.
" Hay. Nak naman, babae ka. Dapat hindi ka pumapasok sa mga ganyan. Tignan mo tuloy may sugat ka sa mukha. Pasok mo pa naman bukas. "
" Im sorry ma. Hindi ko po kasi mapigilan. May nanghingi po kasi ng tulong, kaya ganito. Pero okay naman po ako. "
Hindi na nakapagsalita si mama kasi alam niya na walang kahahantungan yong pang sesermon niya. By the way, Im Gabriella Isabel Tuazon just call me Gab, ayaw ko sa second name ko for private reason.
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Naka upo sa tapat ng salamin at Tinititigan ang aking sarili. Napa isip ako, mom has a point. Im a girl in the first place, so I should not involved my self to any troubles. Pero di ko maisip na hindi ma pasabak, nakalakihan ko na at di ko maalis sa sarili ko to. Tumayo na ako at humiga sa kama. Matutulog na ako at may pasok pa ako bukas.
Kinabukasan ___
" Nak? Baba ka na at kakain na. Malalate ka pag nagtagal kapa dyan sa loob. "
Tawag sakin ni mama at agad ko namang binuksan ang pinto para sabay na kaming bumaba.
" Oh nak! Ano yang itsura mo? Ang init-init tapos naka jacket ka? " tanong ni mama.
" Kasi po malamig sa loob ng room mamaya. Eh ayaw ko pong dalhin kaya sinuot ko nalang. "
" Sige. Kain kana at malalate ka. First day niyo ngayon. "
Kumain na ako para maka alis kami ng maaga-aga ni kuya. Today is our first day of new school year. Same school lang kami ni kuya pero last year nalang niya ito at ako may dalawang taon pa akong natitira.
" BABAE DALIAN MO . " sigaw ni kuya.
" ANDYAN NA. HINAYUPAK KA WAG MO KONG TATAWAGING BABAE. "
" bakit? Babae ka naman talaga ah "
" shut up "
At sumakay na ako sa sasakyan namin. Yes may sasakyan kami. Hindi naman kami sobrang yaman, sakto lang.
Pagdating namin bumaba agad ako kahit hindi pa talaga kami naka abot. Maglalakad ako, ayaw kong kasabay tong sumpang to kasi pagkakaguluhan lang siya at madadamay lang ako.
" bakit ba ayaw mong kasabay akong pumasok? Palagi nalang dito babaan at sakayan mo. "
" tsss " at bumaba na ako at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ako, alam ko nakasunod sakin si kuya. Yeah ganyan siya pag papasok kami. Kahit naman sinumpa yong hinayupak na yon, may natitira naman siyang awa. Awa sa mga taong ma iisahan ko. Pano ba naman naglalakad na nga ako, sisitahin pa ako dahil daw sa paglalakad ko? Ano yon? May law na ba na nagbabawal maglakad papasok ng school?
Nakarating naman ako ng payapa. At dahil din don, naunang pumasok yong hinayupak para epark yong sasakyan. And guess what, nasa gate palang siya hinarangan na siya. Kaya palaging napapagalitan yan si kuya ni sir Ramon, palagi kasing late kahit maaga kami umaalis ng bahay.
Dumiretso ako sa room ko. Yeah alam ko na room ko kasi naman CONNECTION ni kuya. Pano ba naman, ang tamad maghanap kaya ayon iba ang pinahanap niya.
CLASS 1-A
nakalagay sa taas ng pinto ng magiging room ko. Higher section. Agad akong pumasok at tadaaaan nakatingin sakin lahat. Wala pa namang teacher kaya pagkatapos ng titigan session nagsibalik na sila sa kanya-kanya nilang discussion.
"Diba shes the girl who always with Gino? " Pak 1
" Yeah, I even saw them talking in the parking lot. " Pak 2
Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa. Tss akala mo naman sinong magaganda. Hindi ko sila pinansin at binaling ang atensyon ko sa labas ng room. Nasa 5th floor kami kaya makikita mo ang buong school. Pero bago ko mabaling ang tingin ko sa labas, nakita ko sa gilid ng mata ko na parang nagalit yong isa.
Lumapit yong babaeng salubong ang kilay na nakatingin sakin kanina.
" Hi there. You must be Gabriella right? " tanong niya.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko pag aaksayahan tong babae to, hindi siya worth it PROMISE.
" ANSWER ME. " lagot nagalit. Lalong hindi siya worth it. Kaya binalik ko ulit ang tingin ko sa labas ng room. Alam ko nag aalburuto na yon sa galit. Bahala ka dyan.
" HEY YOU. " hatak niya sakin. Agad naman napatingin sa amin ang buong klase. Ano na naman ang drama niya. Nalulukot na ang damit ko.
" DONT YOU DARE IGNORE ME WHEN IM TALKING TO YOU B*T*H "
Tinaasan ko lang siya ng kilay at agad na inalis ang kamay niya sa damit ko. Inayos ko ito at tumingin sa kanya. Akma niya sana akong sasabunutan kaso dumating si sir Ramon.
" Whats happening here? " tanong ni sir. Umupo na ako at binaling uli sa labas ang tingin ko.
" Nothing sir. " sagot ni Leader Pak at bumalik na ito sa kina uupuan niya.
" Okay so today, I will be your homeroom adviser and at the same time your teacher in Values. So because its your first day I know most of you know each other exept from miss Tuazon. So miss Tuazon may you introduce your self? "
Tinitigan ko muna ang buong klase bago magsalita. " Gabriella Tuazon " at agad na akong umupo. Natahimik amg buong klase, baket? May inaabangan pa ba kayo? Tsss
" Okay so lets start our class " at nagsimula na si sir sa pag didiscuss.
Pagkatapos ng klase agad akong umalis at pumunta sa hide out ko. Yeah may sarili akong hide out at yong hinayupak at principal lang ang may alam. I have 3 hours vacant so makakatulog at magagamot ko sarili ko doon.
Habang naglalakad ako, may bumangga sa akin galing sa likod. Sh*t yong pasa ko sa likod dahil sa pagkakapalo.
" Ahhhh " daing ko dahil sa sobrang sakit. Natumba pa ako dahil nabigla ako sa impact na ginawa ng bumangga sakin.
" Miss? Are you okay? Im sorry its just -- "
Tinignan ko lang siya at tumayo. Umalis ako kaagad kasi kailangan ko na talagang magamot itong mga sugat na natamo ko.
"Miss miss. Wait. Miss " tawag niya sakin. Hindi ko na siya pinansin kasi diko na kaya. Narinig ko may mga tili at sigaw ng mga babae kaya siguro tumatakbo yon. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad ng dahan dahan.
