KEVIN POV
Nagising ako sa kwarto ni Zoie, mag-inat na sana ako ng naramdaman kong sumasakit kamay ko. Oo nga pala kagabi napaaway pala ako. Shit sakit tuloy ng kamay ko, tumayo ako at nakita ko sa salamin na may pasa mukha ko.
"gising ka na pala, tamang tama pinaghanda kita ng pagkain" boses ni Zoie.
"hindi ka ba pumasok?" tanong ko.
"mas kelangan mo ko ngayon, dont worry magpagawa ako ng medical certificate kay tito" sabe nya nung nilapag nya sa mesa yung tray. "dito na tayo kumaen sa terrace" pahabol nyang sabe.
Ako: aisssssht. Tss. (sinusubukang hawakan ang kubyertus)
Zoie: ako na. Subuan nalang kita.
Ako: sorry. Kagabi kase di ko nakontrol sarili ko.
Zoie: thats enough, but next time please try to think first. Okay?
Nagnod nalang ako. Sinusubuan nya ako habang kumakain. Nagshower na din ako tas ginamot nya mga sugat ko. Tumatawag si Celine pero pinili kong di sagotin. Di pa ko handa makipagusap sakanya.
Zoie: panu nalang pagnakita yan ng parents mo?
Ako: hahanap nalang ako ng palusot.
Zoie: e-orient mo muna sila kim bago ka magpalusot baka di magkatugma sasabihin nyo. But before that punta tayo sa hospital.
Ako: ha? Bakit?
Zoie: tingnan mo nga yang kamay mo, sobrang maga, tas yang kilay mo nagsmile na dahil sa sugat.
Wala akong nagawa kundi sundin sya. Pero utak ko na kay Celine pa rin. Ayoko aminin pero namimiss ko na talaga sya. Gusto ko pa rin sya makita kahet di ako okay. Sya lang din naman kelangan ko para maging okay ako. Sino ba kase yung ungas na lalaking yun? Umiinit nanaman ulo ko pagnaalala ko.
Pagkatapos ng lakad namin ni Zoie umuwe ako. Busy ang mga tao sa bahay para sa party bukas. Nagbihis ako at dumiretso kina Celine. Pinapasok ako ng katulong nila since kakilala na nila ako. Naabotan kong nagyakapan si Celine at yung ginulpi ko sa club. Nadurog nanaman puso ko sa nakita ko. Nung namalayan nila ako tiniggil nila ang pagyayakapan. Galit na galit ako sa nasaksihan ko. Nangingibabaw nanaman selos ko.
"anung ibig sabihin nito?" tanong ko.
"pare.." sabe nung lalaki pero di ko pinatapos.
" tumahimik kang gago ka! Di ikaw kinakausap ko!" napasigaw ako sa galit.
"tama na Kevin!" pasigaw na sabe ni Celine.
umalis yung lalaki at hinayaan kaming magusap ni Celine.
Ako: ipaliwanag mo saken yung nakita ko kagabi at ngayon.
Sya: kagabi coincidence lang na nagkita kame ni Clifford. Hes my highschool friend. Kanina pumunta sya dito para echeck ako kung okay ako. Yun lang yun!
Ako: bat kelangan yakapin ka nya? Ha?
Sya: shit naman Kevin! Walang malisya yun! Bat ang kitid ng utak mo?
Ako: Oo makitid talaga utak ko pagdating sayo! Kase gago ako eh! Kase mukha na kong gago dahil sa pagmamahal ko sayo!
Sya: alam mo tama na! Magusap nalang tayo pagmalamig na yang ulo mo!
tumalikod sya saken, papanhik na sana sya....
"ayoko, dito ka lang sa tabi ko. Sorry na. Nagseselos kase ako pagmay napalapit sayong lalake. Sobrang mahal na kase kita, sorry kung selfish ako ayoko lang maagaw ka ng iba, sorry kung nagagalit ako di ko lang matanggap na masaya ka sa iba. Sorry naa babe." nung niyakap ko sya sa likod.
YOU ARE READING
Si Karma at Ako Kathniel
General FictionPano kung ang taong mahal mo ay sya ring karma mo? Hihintayin mo bang mahulog ka pa lalo? Heres a story of a guy fell inlove with his karma.
