POV( PRINCE )

- Sinugod agad namin ni Mark si Kate sa hospital . Marami ng nawalang dugo dito hindi ko na alam ang gagawin ko . Agad kong tinawagan si Mama at papa pati na rin ang mga magulang ni Kate !
' Magbabayad ka sakin bryan ! Hayup ka !!
' Anak ? ayos ka lang ba ?
' kumusta na ang anak kong si kate ? tanong ni tito Papa
' hindi pa lumalabas ang doctor Pa ! sagot ko
' ano ba ang nangyare ? tanong ni mama
' pauwe na ako tapos tumawag sya ! tapos hawak na sya ni Bryan ! sabi nya kasi may pupuntahan sya hindi naman nya sinabi kong saan ! sabi ko
' kasalanan ko ang lahat ! sabi ni Mark
' anong sabi mo ?
' kasalanan ko ! kung hindi ko sya niyayang lumabas hindi sya mapapahamak sakin ! sabi nito . Lumapit ako sa kanya at pinakawalan ko sya isang malakas na suntok .
' kasalanan mo !! girlfriend ko na sya ! ano pa bang gusto mong patunayan .. ! ako na ang mahal nya ngayon ! sabi ko
' tama na anak kumalma ka lang ! sabi nito
- Napaupo na lang ako sa sahig dahil hindi ko na alam ang gagawin ko . Napatayo na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng emergency room .
' doc . kumusta na po ang anak ko ?
' ok na sya misis ! pero maraming nawalang dugo sa kanya dahil sa lalim ng saksak na natamo nya . kaya po sa lalong madaling panahon kailangan syang salinan ng dugo . sabi ng doktor
' cge po doc .
' sino ang type A dito ?
' ako po doc . sabi ni Mark
' sumunod po kayo sakin . '

- Sumunod naman ni Mark sa doctor . Nilipat na ng kwarto si Kate para masalinan ito ng dugo . Bawal pa itong lapitan kaya hangang bintana lang kami pag natapos na daw ang pagsasalin ng dugo ay pwede na .
' anak ok ka lang ba ?
' opo ma .
' wag ka mg mag alala magiging ok lang si kate alam mo naman na matapang ang asawa mo na yan diba ?! sabi nito
- Tango na lang naging sagot ko . Pagkatapos salinan ng dugo si Kate ay nilipat na ito ng kwarto . Palabas ng kwarto si Mark .
' Pwede ba tayong mag usap ?
' pwede naman !
' salamat ! sabi nito
' naku wala yun ! kasalanan ko naman kung bakit sya napahamak eih !! alam mo ? akala ko sa papel mo lang sya nakuha Eh!! Pati din pala puso nya nakuha mo na ! sabi nito
' Anong ibig mong sabihin ? tanong ko
' alam kong kasal kayo ? sabi nito
' teka paano mo nalaman ?
' nakita ko kayo na sa iisang bahay lang nakatira ! sino bang hindi magtataka doon !! Sinabi ko kay kate na alam ko sekreto nyo ! Sabi ko pa ikakalat ko pag hindi nya tinupad ang wishes ko  . Nagkasundo kami ! Sabi nya kasi pag nalaman mo na alam ko na kasal kayo magagalit ka ! Nakakatawa lang kasi hindi ko naman ipagkakalat yun kasi alam kung mapapahamak sya ! pero ako rin pala ang mag papahamak sa kanya ! sabi nito
' ang drama mo ! ok na sya ! Dahil yun sayo ' sabi ko sa kanya .
- Tinapik ko ang balikat nya .
' magpahinga ka na ! para makabawe ka ng lakas sasabihin ko agad sayo pag nagising na sya ! sabi ko
' salamat ! sabi nito at nagpaalam na .

- Binantayan ko lang ng buong gabi si kate . Hindi pa kasi ito nagigising . Sabi ng doc. ay magigising din ito ano mang oras kaya binantayan ko lang ito . Naalimpungatan na lang ako ng may humawak sa ulo ko .
' kate ..
' anak ! umaga na ! kailangan mo ng magpahinga . Kami na muna ng tita mo ang babantay kay kate . ' sabi nito
'cge po ma basta tawagan mo ko pag gumising na sya ! sabi ko
' oo naman anak . ' sabi nito
'cge po ma .. pero babalik po agad ako .
- Bago ako bumalik sa hospital ay pumunta muna ako sa school . Hinanap ko si Bryan pero wala ito doon . Hinanap ko rin ito sa mga kaibigan nito pero hindi daw nila alam kung saan ito pumunta . Wag lang talaga syang magpapakita ulit . Pagbalik ko sa hospital ay naabutan ko si Pam .
' kumusta nag lagay nya ?
' ok na sya ! Hinihintay na lang natin kung kelan sya gigising ! sabi ko
' mabuti naman kung ganun . buti na lang at walang masamang nangyare sa kanya . sabi nito
' kung merin man hindi ko mapapatawad ang sarili ko . Ako dapat ang nandyan ! Hindi sya Eh ! sabi ko
' wag ka ng masyadong mag alala magiging ok lang sya ! sabi nito
- Tumango na lang ako . Sana nga maging ok na sya . Sana magising na rin sya . Nag aalala na ako .

POV ( KATE )

- Pagdilat ng mata ko ay isang di pamilyar na kwarto ang nakita ko . Pagtingin ko sa gilid ko ay may isang lalaki ang naroon. Naramdaman akong kirot sa may tagiliran ko . Naalala ko nasaksak pala ako ni Bryan . Hinawan ko ang buhok ni Prince at bigla tuloy syang naalimpungatan .
' kate .. gising ka na !! sabi nito at tumakbo sa may pinto
' nurse .. doc .. gising na si kate .. sabi nito at muling bumalik sa tabi ko . Sinuri naman agad ako ng mga doctor . Ok naman na daw . Normal na .
' kumusta ka na ? tanong nito
' ok naman .. !
' alam mo ba na muntik ka ng mamatay dahil sa ginawa mo ! sabi nito
' sus . wag ka ng mag alala ok na ako . tsaka sabi ng doktor bawal ako ma stress . ! bakit sinisigwan mo ko ?
' ikaw kasi .. hay ako dapat ang nandyan .. sabi nito
' gusto ko nun  . sabi ko at tinuro ang orange 
' wag mo ng uulitin yun !! sabi nito
' opo sir . sabi ko at ngumiti .
' teka kumusta na pala si Mark ?
' ok lang sya wag mo na syang alalahanin ' sabi nito . Sus nagseselos ang mokong .
' Tinawagan ko na sila Mama't Papa pati na rin si Tita't tito ' sabi nito
' ok .. sabi ko
- Lumapit ito sakin at umupo sa gilid ng kama . Nakaharap ito sakin . Nilapit nya ang mukha nya sakin at hinalikan ang noo ko . Tungki ng ilong ko Hangang sa may labi ko . Smack lang yun pero sweet .
'hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ka sakin .. ' sabi nito
' wag kang mag alala hinding hindi ako mawawala sayo ' sabi ko
' Pangako ?
' Pangako ? sabi ko at tinaas pa ang kanang kamay ko .
- Maya maya ay bigla na ring dumating sila mama't papa at sina tito't tita . Makalipas ang dalawang linggo ay nakalabas na ako ng hospital at wala nang pasok kase summer break na namin .
' gusto mo ba gamitin na natin to ? tanong ni Prince
' ano yan ?
' ticket natin sa honeymoon natin . Baka ma expired lang to ! sayang naman .. ' sabi nito
' pasimple ka Eh ' sabi ko
' hindi ah ! sakto lang kasi summer doon tapos sariwang hangin mabuti yun sa kalagayan mo para makapagrelax ka ' sabi nito
' oo na ! bukas na tayo umalis ! sabi ko

- Pagdating namin sa Palawan ay nagpahinga muna masyado kasi akong napagod .

                   " Married with a BadBoy "Where stories live. Discover now