Of Hints and Signs

4.7K 222 76
                                    

Written by: yellie_1927

Prompt by: Ninzwood

-

"What Laura? What?" tanong ko sa kapatid ni Edward na kanina ko pa napapansing patingin-tingin sa akin. Tititig ito saglit sa akin tas babalik sa binabasa nitong magazine. Tas bigla na lang itong bubungisngis na tila kinikilig. Tumatambay ito ngayon sa flat ko. Time-out daw muna siya from her masteral studies and to keep me company na din kasi si Ed may sino-shoot pa na TVC for Pond's Men. Mamayang gabi pa ang balik. Wala naman akong schedule that day at nagpapractice lang ng script para sa bago naming teleserye ni Edward.

"Hmm. Wala. Continue practicing." Sagot nito habang pinipigilan na ang kilig at mga ngiti.

"Buang! Pareho talaga kayong magkapatid. Hilig niyong tumitig ng wala lang." Magkapatid nga ang mga 'to. Ganon din si Edward. Pag tinatanong kung bakit nakatitig, wala lang din ang isasagot nito. Sa kalaunan di ko na ito kinukulit pa. Nginingitian ko lang to kapag nahuhuli ko itong nakatingin.

"Oh really? Number 4. Check! Hahah! What else is there to check off this list?" Tuwang-tuwa ito habang kinakausap ang sarili.

"Hoy Laura! Naunsa na ka dinha?" Nababahala kong tanong dito. Baka nabaliw na ito sa pag-aaral.

"I'm not baliw Maymay if that's what you're thinking." basa nito sa iniisip ko.

"Then why are you like that? Laughing and talking to yourself. Hala Laura, it's a sign!" Panunukso ko dito. Binitawan ko na ang script at tumabi dito.

Binigay nito sa akin ang magazine at pinabasa ang isang article. "Yan read this. I have checked off half the list already based on my observations of him. See if you can check off some more."

"17 Obvious & Subtle Signs He Likes You More Than a Friend"

"Hay naku Laura! Ayan ka na naman sa panunukso mo sa amin ni Edward. Nadadala ka lang sa pagiging mag-Love Team namin.Mag-bestfriend nga lang kami." Di ko tinuloy ang pagbabasa at nilapag na lang sa coffee table ang magazine.

"I'm telling you May. My brother sees you more than a friend. In your five years as an LT, I bet he has shown all these signs to you. But then you can be so manhid at times. Knowing you, you must have just put it off as nothing all the time." Diretsahang sabi nito sa akin.

"Aray naman Laura! Wag judgmental bhe!" Kunware ay nasasaktan kong drama na tinawanan lang nito.

"Didn't he drop hints to you at all? Bat ba kasi ang torpe ng kapatid ko. Don't tell him, I told you that though. Hahahah. But really. He's so bagal. Until now he hasn't make a move. Mauunahan talaga siya ng iba." Tuloy-tuloy ito sa paglilitanya.

"Ewan ko sayo Laura! Basta magkaibigan lang kami ng kapatid mo. That's it. If we're more, ikaw ang unang makakaalam." Sabi ko dito.

At that moment, magkasabay na nag-ring ang phone namin sa table. Kay Laura, Mom calling. I checked mine, Edward calling. Tumingin ito sa akin with a sly grin.

"That's no. 9 May." Sabay kindat at sinagot na ang tawag ng mommy nito. "Yes mom? I'm at Maymay's."

"Yong totoo Laura? Memorized?" Sabi ko dito bago sinagot ang tawag ni Edward. "Edward? Ah tapos na kayo sa shoot? Kamusta naman? Andito lang sa bahay kasama ang ate mong baliw. I know right? Hahahah. Di pa. Ikaw kumain ka na?Nagpapractice pa kasi ako ng script. You want to practice together? Sige, sure why not. See you later then. Ingat kayo sa pag-uwi. Regards kay Mang Sandy at Arnel. Bye." Driver at PA niya ang mga yon. Nilingon ko si Laura kung kausap pa rin nito ang mama nito. Natapos na pala at nakatingin lang ito sa akin. Sobrang laki ng mga ngiti nito.

MES: TwentyWhere stories live. Discover now