My first and Our Last

5 0 0
                                        

Love love love. Salitang napakadaling bigkasin ngunit napakakomplikado kung iyong iisipin. Madaling mahanap ang love, may love kay God

sa pamilya,

kaibigan.

Pero kahit ganun ito kadali may isang bagay pa ring mahirap hanapin. Ito ay ang True love.

Sa pagiging buhay single di natin maiiwasan isipin na , panget ba ko? Anong kulang sakin? Bakit wala pa rin akong lovelife?

Nakakalungkot isipin di ba?

Pero minsan iisipin mo na lang. Siguro busy pa si Lord kakagawa ng love story ko. Maghihintay na lang ako.

Waiting for the right time ika nga.

Sa loob ng 17 years of existence ko sa mundo. Madami na kong napagdaanan. Nandyan ung the best high school life. Bonding dyan , gala with classmates. Party dun . Party dyan. Gawa ng assignments. Pasa ng projects. Exam dito.Magrush pag deadline na.

Naranasan ko maging isang simpleng estudyante.

Naranasan ko ding mainlove.

Sa loob ng maraming taon di ko na mabilang kung ilang lalaki na ba ang nagustuhan ko. May mga nanligaw pero fail sila makapasok sa puso ko. Ewan ko ba . Kahit gusto ko na yung boy ay hindi ko nagawang sagutin at papasukin sa puso ko.

Siguro takot ako. Takot isugal ang puso ko.

Pero may isang taong dumating sa buhay ko na binigyan ako ng tapang na sumugal. Sumugal sa laro ng pag-ibig.

Nakilala ko sya sa maling oras at pagkakataon. Mali nga ba? Oo siguro dahil sa paningin ng iba mali ang mahalin sya.

Mali dahil ipinagbabawal.

Pero kailan pa naging mali ang pagmamahal?

Hindi ko alam pero para sakin walang mali sa nararamdaman ko. Dahil tao lang ako.

Nasasaktan at nagmamahal.

Di ko alam kung paanong nahulog ako sayo. Naalala ko pa dati kapatid ang turingan natin sa isa't isa.

Madalas tayong magkausap, magkwentuhan at mag asaran.

Naalala ko pa nung tinanong mo ko kung gusto ba kita maging kuya?

Di ko alam pero nagdalawang isip ako nun.

Siguro dahil alam ko na.. Alam ko na mahuhulog ako sayo.

Natakot ako. Natakot mahulog at hindi mo masalo.

Pero kung gaano kadaling mahulog ay ang ikinahirap tanggalin ng nararamdaman ko para sayo.

Pinilit kong alisin. Pinilit ituon sa iba.
Pinilit mawala.

Mawala ang nararamdaman ko para sayo.

Pero bakit? Hindi ko maintindihan?

Dahil kahit anong pilit ko ay hindi kita makalimutan.

Ha ha. Nakakatawa dahil paano nga naman mawawala kung ikaw. Ikaw mismo ang lumalapit.

Minsan nga nasabi mo ginamit mo lang yung pagiging kuya para maging malapit tayo sa isa't isa.

Umasa ako. Umasa na baka may nararamdaman ka na rin sakin. Sinabi ko sayo na di kita maintindihan.

Pero sinabi ko yun para malaman ko. Malaman ko kung ano ba ako sa puso mo.

Ang hirap. Ang hirap magpanggap. Na kuya ang turing ko sayo at hindi ang taong nilalaman ng puso ko.

Na sa bawat pag aalaga at pag alalay mo sakin.Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ang hirap magpanggap na wala akong pakielam sa mga nagkakagusto sayo.

Ang hirap hindi magselos.
Ngunit wala akong karapatan. 

Dahil ano nga ba ako?

Kapatid lang sa mga mata mo.

Pinilit kong tanggapin na siguro nga hanggang magkapatid lang tayo. Siguro dapat ko ng itigil ang nararamdaman ko sayo.

Sinubukan kong layuan ka. Iniiwasan na kita hangga't maari.

Nag iba pakikitungo ko dahil sa tingin ko baka mawala na. Mawala na ang pagmamahal ko sayo.

Lumipas ang ilang araw. Naramdaman mo siguro na umiiwas ako.

Umiwas ka na rin. Di mo na rin ako pinapansin. Di na tayo yung dating bunso at kapatid.

Inisip ko na siguro mabuti na ang ganito. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pala kayang iwasan ka.

Kaya kinausap uli kita. Pero di tulad ng dati ang naging pag-uusap natin.

Kinausap mo din ako. Sabi mo may dapat tayong pag usapan.

Kinabahan ako. Alam mo na kaya?

Alam mo na Gusto na kita?

Dumaan na ang gabi at oras na para sa pag-uusap natin.

Magkatabi tayo nun. Kinakabahan ako. Kinakabahan sa sasabihin mo.

Nabanggit mo yung di natin pagpapansinan. Nakakatawa kasi nagtuturuan pa tayo kung sino ang hindi talaga namamansin.

Sorry di ko nasabi na ako. Ako mismo ang umiiwas.

Ilang minuto ang nagdaan . Nanatili tayong tahimik at nagpapakiramdaman.

Ng bigla mong sinabi "Walang magbabago ah"

Nagtaka ako nun at napaisip. Anong walang magbabago? Alam mo na ba?

Sinabi ko ang bagay na hindi rin ako sigurado. Sinabi ko "oo di ako magbabago".

Tumahimik ka sandali. Tila may malalim na iniisip. Lalo akong kinabahan.

"Paano kung.........

Gusto kita?

Nagulat ako sa sinabi mong yun. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Matutuwa, magugulat , kikiligin o ano. Sa huli ay ito ang nasabi ko.

"Edi shing...

The feelings is mutual."

At doon napangiti na lang tayo sa isa't isa.

Sa tagal ng ating pagkakaibigan . Pag tuturingan bilang magkapatid. Hindi ko naisip na pwede pala. Pwede masuklian ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam. Hindi natin alam na pareho pala tayong nahulog. Nahulog sa laro ng pag-ibig.

Pagkakaibigan ang naging pundasyon sa kung ano man ang meron tayo. Pagkakaibigan na mahirap sirain. Pagkakaibigan na napunta sa pagmamahalan.

Siguro nga. Dumaan ang maraming babae sayo para may matutunan ka.

Hindi man ako ang iyong una. Sisiguraduhin naman natin na ako na ang huli.
Ang huling magmamahal sayo magpakailanman.

At ngayon magkahawak kamay nating pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa gitna ng napakalawak na karagatan na tulad ng ating pagmamahalan na Walang katapusan.

My First and our LastStories to obsess over. Discover now