first

7 0 0
                                    

Eunice's POV

"MS. FORTEZ! ARE YOU IN MY CLASS!"

Napamulat agad yung dalawa kong mata sa gulat at unti unting inangat ang ulo ko at isang buntong hininga ang kumawala.

"BAKIT KA NATUTULOG SA KLASE KO! NAKAKAHIYA NAMAN SAYO AT NAIISTORBO ATA NAMIN ANG TULOG MO!" Napaatras ako sa laki ng mata at sa lakas ng sigaw niya.

Mukhang eto na naman si kamalasan gusto na naman akong samahan sa buong araw.

Napabuntong hininga ako sa naisip ko.

"Sorry ma'am. Puyat po kasi ako." I explained kung alam lang nila kung bakit ako puyat.

"NAGDADAHILAN KA PA!" Kailan ba nila matutunan na hindi sumigaw? Hindi naman ako bingi.

Mula sa bahay hanggang sa school. May sumisigaw sakin.

Hindi na ko sumagot dahil mukhang palalaba-

"MSSS. FOOORRTTEEZZ!!" As expected.

"Sabi ko nga po lalabas na ko. Sorry po." Kinuha ko ang bag at ilang gamit ko as arm chair at lumabas na ng room. Wala ni isa sa mga kaklase ko ang nagabalang tumingin sakin. Mga nagaalalang baka mahawaan ko daw sila ng kamalasan ko.

Tch. Kung iisipin mas malala pa sila sakin.

Napaatras ako nang mainit na sikat ng araw ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto. Pero no choice ako kaya lumabas pa rin ako.

Kahit na parang nakatutok talaga sakin yung araw binalatan Kong umupo dahil mukhang matagal tagal pa ko rito.

Saktong pag-upo ko pa ay agad rin akong napatayo.

"Aisshh. Ang galing pati sahig parang ayaw na rin sakin." Di ko naisip na malamang mainit ang sahig dahil tirik na tirik ang araw.

Kinuha ko na lang ang bag ko at naglakad, siguro sa library na lang ako, wala na rin naman ata akong balak papasukin ni Ma'am Lad na prof ko sana ng 3 oras.

Napalabas ako at ngayon masasayang ang oras ko.

Paniguradong sisigawan na naman ako ni Tita Cely pagnalaman niyang Napalabas ako.

"A good way to start the day." kasabay ang malalim na buntong hininga.

Naglalakad ako papuntang library sa ilalim ng super sikat ng araw. Wala akong payong dahil dalawa lang ang payong sa bahay sakto lang para sa tita ko at kay Patricia at siguradong patay ako pagginamit ko ang is a don. Wala rin akong pambili at di na nagaabala pa.

Sa layo ng building namin sa library sa wakas nakarating din ako. Pagkabukas ko ng pinto ay walang ibang tao bukod kay Ms. Lea ang librarian na kasalukuyang nagaayos ng mga libro malapit sa pintuan kaya napansin din agad niya ang pagdating ko.

Yumuko lang ako ng konti bilang pagbati at pumunta sa laging pwesto ko. Kung saan nakalagay ang mga English novels.

Hinanap ko ang kasalukuyang binabasa ko.

Nakakailang basa pa lang ako nang mapatigil agad ako dahil hindi ko naiintindihan ang binabasa ko.

Hindi ko kasi mapigilang di maisip kung bakit ang sama ng mga taong nakapaligid sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Is My LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon