Jeep

6 2 3
                                        

MAGSISIMULA itong kuwentong ito sa lugar na pinagplanuhan namin na magkita.

Ang lugar na ito ay isang convenience store na malapit sa lugar na tinitirahan ko at ng iba ko pang kaibigan.

Anim kaming magkakaibigan: si Patricia, Arrianne, Nathan, Gray, Zild at ako.

Yung apat lang talaga ang kasundo ko sa kanila.

Pangalawa akong nakarating sa tagpuan naming anim. Si Zildjian yung pinakauna at nakaupo lang sa isang table habang naglalaro ng piano tiles.

Umupo ako dun sa upuan sa harap niya. Tiningnan ko siya sa hindi malamang kadahilanan, at biglang umangat din ang tingin niya sa mata ko. Kitang kita ko yung mapungay niyang mata na para bang tumatagos sa pagkatao ko kaya naman agad kong nilayo ang tingin ko sa kanya.

Nakakahiya. Di nga kami magkasundo tapos nahuli niya pa akong tumitingin sa kanya.

Sumilip ako ulit ng tingin at nakita kong nakangisi yung loko.

"Lah anong ngini-" naputol ang sinabi ko ng biglang may humawak sa balikat ko at nagsalita. "Uy Cza ang aga niyo naman ni Zild." Sabi ni Nathan na kasama si Pat. Umupo si Pat sa tabi ko at umupo naman si Nathan sa tabi niya. Sabi na e, mayroong namumuo sa dalawang 'to.

Napaisip ako sa sinabi ni Nathan. 'Niyo?' Eh hindi naman kami sabay kahit magkapitbahay kami. Tsk.

Tumingin samin yung loko at ngumisi ulit at biglang hinead to toe ako.

May mali ba sa sinuot ko? Bigla nalang akong hinead to toe. Sa tingin ko naman ay maganda pa rin ako kahit naka maong shorts at matching stripes na shirt.

Dumating na rin sila Gray at Arrianne. Magkasama rin ang dalawa.

Bakit ganon? Parang naiwan ata ako na walang lovelife? Tatanda naba akong mag-isa? Wala na ba talagang hahabol?

"Tara na. Lalakarin pa natin yung ganoong kahaba oh." Sabi ni Arrianne ng makalapit ito sa amin at kaagad kaming tumayo apat at nagsimula nang maglakad.

Pagod na ako. Paano ba naman sa katirikan ng araw naglalakad kami.. Kailangan pa namin lakarin yung napakalayong sakayan ng jeep para makarating doon. Naiwanan ko rin kasi yung payong kong violet na nabili ko pa sa shopee sayang nga e ang cute panaman noon.

Lumapit ako kay Zildjian na mayroong payong para makisilong. Grabe. Ramdam ko na nagingitim na ako. "Papayong ah.. " sabay ngiti ko dito. Tumingin naman ito sa akin at biglang sinarado yung payong.

"Huy" palo ko sa braso nito. "Bakit mo naman sinarado?" malungkot na sabi ko. "Hindi mo ako tagapayong para magpayong sayo."sagot naman nito. Lalo ako nalungkot sa sinabi niya. Edi sana pinawahak niya nalang sa akin yung payong para di siya mangalay.

"Edi akin na lang yung payong" agaw ko sa payong nito pero agad niyang nalipat sa kabilang kamay at itinaas. "Ayoko nga. Ayoko magpahiram sa isang elyen ng payong." Sabi naman nito sa akin at biglang dumila.

Aba. Sumosobra na tong lalaking ito. "Akin na kasi yung payong!" Sigaw ko dito at inagaw yung payong.

"A. Y. A. W." at inagaw niya rin sa akin. Kakaagaw namin sa payong ay nasira ito. "Hala ikaw kasi e nasira tuloy yung payong"malungkot kong sabi sa kanya.

"Dap.. ka.. ..o na l..g...angk..n. .mo" Bulong nito kaya hindi ko masyadong narinig.

"Ha?" Sinabi ko rito para itanong uli kung ano ang sinabi niya. "Wala. Sinira mo pa payong ko, o sayo na to." Abot sa akin nung payong.

Ano sa tingin niya? Tatanggapin ko pa yung payong e sira na nga. Hindi naman ako tapunan ng mga sirang bagay.

"Ayoko nga." Nakahalukipkip kong sabi habang tinatanggi yung payong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JeepStories to obsess over. Discover now