Prologue

78 2 0
                                        



Anim na babaeng magaganda

Pangalan lamang ang naiiba

Matalik na kaibigan kung magturingan sila

Alam ang sikreto ng bawat isa.

Mga pag-aaway ay dahil lamang sa damit

Mga bagay na kanilang pinagkakait

Ngunit dahil ang buhay ay mapait

Bawat isa'y makakaramdam ng sakit.

Isang fashionista naman si Penelope

Mga raket nito'y napaka rami

Ganda't katawan niya'y pinagmamalaki

Minamahal ng kahit sinong lalaki.

Zariah ang pangalan ng maldita

Kung magtaray akala mo kung sino siya

Lahat ng gusto ay kaniyang makukuha

Kahit idaan pa ito sa bagay na hindi maganda.

Babaeng mataba, iyon ay si Tyra

Katawan nito'y wala ng pagasa

Bagama't pagkai'y puro chichirya

At mga pagkaing sa kalusuga'y nakakasama.

Si Gwen naman ay isang babae

Na mayroong pusong lalaki

Pero puso't utak niya'y malaki

Walang ibang ginawa kundi umintindi.

Chasity naman ang pangalan ng masayahin

Siya ang tipo na masarap ibigin

Kabutihan di'y sakaniya masasalamin

Ngunit mga kapatid siya'y inaalipin.

Mapang-asar naman si Persephone

Laging inaalis ang iyong mga ngiti

At pinapalitan ng simangot sa labi

Dahil mga banat niya'y nakakapang-galaiti.

Atin nang nakilala ang anim na magkakapatid

Atin namang tunghayan ang kwento na kanilang hatid

Ang kwento na punong puno ng sakit

Mapapatanong ka na lang bakit.

Anim na babae ang makikita mo rito

Anim na lalaki ang nabihag ng mga ito

Kasiyahan lamang ang nais ng kanilang puso

Pagdating sa huli, ano kaya ang totoo?

All Rights Reserve © 2017
TheMagicalKeys

The Tale Of  the StarsStories to obsess over. Discover now