Bogus Five

8K 126 7
                                    

''Ang panget talaga niya! Look at her, ang manang tapos ang laki ng eyeglasses. Paano ba siya naging girlfriend ni Drake?''

Chismiss here and there. Naririndi na ako sa insulto nila ha pero di ko pinapansin. As if I care. Pero kailangan ba talagang ulit-ulitin?

''Don't mind them'' sabi ng katabi ko. Yes tama kayo ng narinig. Si loverboy nga ang katabi ko a.k.a Drake. Sabay kasi kaming pumasok kaya ayan tuloy umagang-umaga ay sikat na kami.

Pero dahil likas akong bitch, may pumasok na idea sa genius kong brain. Humarap ako kay Drake na ikinagulat niya. Sobrang close kasi ng mga mukha namin and I know nakatingin na lahat sa amin. Ha ha ha, let the show begin.

''Honey, mauuna na ako ha? I'll try kung makakasabay ako sa iyo sa lunch mamaya. '' Bravo! Inilapit ko iyong precious lips ko sa gilid ng labi niya , ayan lapit pa . Hahaha malapit na at hinalikan ko siya. Oha, ano sila ngayon?  NGANGA.

Pero sa gilid lang ng lips niya noh!Yuck! Wala pa nga akong first kiss no!

''Bye sweetie'' nagwave ako sa kanya pero nakita ko lang siyang ngumiti but his eyes , alam kong galit na galit. Oh well, simulan na ang pagpapanggap kahit di ko magets kung para saan ang lahat ng ito. 

''She's a freaking slut!''

''Oh no, she kissed my baby! Eww that girl, lagot sya sa akin!''

Ang feeler naman ng mga babaeng ito.Hmp! Don't worry girls, kung may choice lang ako, sa inyo na iyang Drake na iyan! Tsk. 

***

'' All of you failed in the exam! '' galit na sabi nung prof namin sa Accounting. Tsk, all of us? Sigurado siya?

''Except Ms. Delia Milagrosa Dimakuhakuha '' galit siyang bumaling sa akin pero napasimangot ako sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. Oo na ang panget na ng pangalan ko, pake ko? Tinawanan naman ako ng mga unggoy na ito but nagsmirk lang ako. Well, don't judge the book by its cover ika nga. Gaya ko, don't judge me because I know for sure, I have the real intelligence and beauty. Sila? Nganga.

'' What? Paano siya pumasa? Parang wala namang alam iyang babaeng yan!''

''Oo nga prof, sigurado ba kayo?''

Narinig ko ang reklamo ng iba dahil hindi sila makapaniwala sa resulta.

''Just shut up!'' malakas na sabi ni prof sa amin. Sige ayan ang napapala ng mga taong chismosa. 

Dahil perfect ako sa exam, yes perfect. Yay! Ayan magbebehave na ako, baka kasi kung saan na ako pulutin pag ipatapon ako. HAHA , kawawa naman kasi sila. Puro paninira lang ata alam nila eh. Ayan ang bagay sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manghusga ng buhay ng may buhay.

His Bogus Girlfriend ( Completed )Where stories live. Discover now