"Sabing hindi nga ako choosey eh! wag nga kayong makulit!"  >.<

"If you don't want..  i don't care!" ang lakas din ng trip nitong lalaking pasaway ah!

"Ganon? talaga wala akong pake!" 

Yun na nga at nakaalis na rin. Ang yabang din nitong taong ito noh!... Ayoko ngang magpakilala sa kanya. Hindi ko maalala yung pangalan niya.  Uhm... alam ko S yun eh.  Haay basta ayokong malaman.  Bumalik na ako sa classroom namin.  Ang daming peste sa paligid.  Umupo na ako sa aking upuan.  Maya-maya ay pumasok na rin sila.  Alam niyo na kung sino.  I ignored them pero nilapitan parin nila ako.  Syempre kasama na naman nila yung impakto!

"Hannah! si Xian nga pala" sabi ni Kate

"And so??"

"Ang taray ni ate.. Bonga!"

"Tumahimik ka nga Catherine!"

Akmang makikipag shake hands yung impakto pero tinaboy ko lang ito.

"Ay ang bad niya"

Hindi ko ulit sila pinansin.  Napupuno na talaga ako sa kanila.  Inaantay ko na lang yung break para matapos na ito.

A couple of minute at nagbell na nga! Salamat. Pumunta na ako sa canteen then i bought food malamang.  Pagtalikod ko ay nandito nanaman sila!

"Sinusundan niyo ba ako?"

"Hindi!"

Then umalis na ako. Nilapitan ako ni Shane.

"Are you okay? iniiwasan mo ba si Shiver?"

"Sira! ayoko lang ng magulo"

"Weh.. joke lang mukha namang makakasundo natin siya."

"Hindi rin. Depende hindi pa naman lumalabas yung tunay na ugali niya eh"

"Sabagay tama ka."

"Pero sa totoo lang ayoko ko siyang sumali sa grupo natin!"

"Bakit naman?"

"Basta.. hindi siya mukhang mapagkakatiwalaan. He is a piece of s----"

Bago ko matuloy ay dumating na naman sila.

"Pwede maki join?"

"Bawal" sabi ko

"Bakit bawal?"

"Basta!" Then tumayo na ako at umalis.  Hindi ko na lang sila pinansin.  Haay ano bang nangyayari sa akin.  Pagkatapos ng break time ay pumunta na ako sa cooking room namin.  Nagsuot na ako ng apron ko.  Ang cute talaga ng apron ko! haha!  Then nagsipasukan na rin yung ibang classmate ko.  Lumapit sa akin yung bitch.

"You like a little girl"

"And so?? pake mo?"

Dedma.... nginitian niya lang ako ng pang-asar. Kapag ngumiti talaga itong taong ito naasar ako. Gusto ko siyang sapakin. Biglang dumating yung teacher namin. Sayang uupakan ko na sana eh.

"Good Morning" sabi ni miss Sarah

"Good Morning maam."

Nagsibalikan na kami sa pwesto namin. Magbabake daw kami ng cake as usual. Nakaprepare na yung mga gagamitin namin at nagsimula na ako. Ang gagawin kong cake ay chocolate cake syempre favorite ko ito eh. Habang gumagawa ako biglang may dumaan sa likod ko at may naglagay ng flour sa ulo ko. Paglingon ko si mr. impaktito pala. Pasaway talaga.

"Baliw!!"

Haaayyyy nakakainis talaga. Sabing ayoko ngang nakangiti ka eh. Pang-asar kasi eh. Patapos na ako ng biglang nagpasa na kaagad si impaktitong lalaking yun. Ano ba yan paiba-iba yung tawag ko sa kanya.

I Love My Enemy!! [On Hold]Where stories live. Discover now