"Ganun ba o sige.. halika na nga Hannah" at lumapit na ako kay Kate at iniwan na namin ung guy pero bago kami umalis ay may sinabi muna ako.

"Wag ka na ulit magpapakita bitch!"   haha... wala kasi akong maisip na pang asar eh.. pero wala naman siyang kibo kaya ok lang. Yun na nga umalis na kami.

Pagdating namin sa locker room ay nadatnan namin sina Shane at Catherine.

"Grabe! crush ko na talaga siya!" pangangalandakan ni Catherine samin.... Huh sino? sino nanaman ang bibiktimahin nitong babaeng ito. Hindi kaya yung bitch?

"Teka ka lang sino nanaman yan ha?" pagtatanong ko. di na ako makatiis eh.

"Di mo alam?"

"Kaya nga ako nagtatanong di ba?"

"Sabi ko nga eh... Siya yung pinsan ni Kate."

"Siya yung crush mo?"

"Yup!"

"Ang pangit talaga ng taste mo sa mga lalaki"

"Bakit nag kakilala na ba kayo?

"Nagkabanggaan lang.." sagot ko.. ang careless kasi ng taong iyon

"Haay.. hindi mo lang alam kung ano ung nararamdaman ko kasi ni isa wala kang naging crush!"

"Talaga! wala naman akong pakielam sa kanila! they are waste of time"

"Tama na nga iyan pumunta na tayo sa ground"

"Fine" sagot naming dalawa

At yun na nga pumunta na kami sa ground..  Kami na lang pala yung inaantay. Daldalan kasi kami ng daldalan eh..  Nakakainis sana hindi ko na lang naging kakalase yung bitch na yun eh.

"Okay pumila na kayo.  Ngayon iikutin niyo itong buong oval. Paunahan kayo!"

Haay sabi ko na eh patatakbuhin lang kami dito.  Ayus lang ako naman ang laging nananalo. O.o

"On your mark.... Get set... GO"

At nagsimula na kaming tumakbo..  Syempre nanguna ako.  Maya-maya ay nasalikuran ko na ung bitch.  What the--- naunahan niya ako.  Hindi ako papayag na matalo ako ng isang iyon huh?! Syempre binilisan ko pa kahit muntik na akong madapa.   Lumingon siya sa aking at ngumiti ng pang-asar haay!!.  Konti na lang masasapak ko na itong taong ito eh!  Malapit na ako sa finish line pero mukhang di ko na siya maaabutan.  Then he was the winner.  Grrr... Nakakainis talaga.  Nang matapos ay nilapitan ako ng mga friends ko.

"Nice one.. "

"Huh?!"

"Second ka kaya! haler!!" sabi ni Kate. Duh! alam ko noh!

"I know.  Pero dapat ako yung first eh! yung bitch na kasi na iyon---"

Bago ko pa matuloy yung sasabihin ko ay hinila nila ung guy na iyon!! 

"Hannah meet my cousin" sabi ni Kate.. malamang

"I don't care!" 

Akmang paalis na ako ng bigla nila akong pinigilan.

"What?--"

"Choosey ka pa diyan ikaw na nga lang magpapakilala eh!"

"Kapal sino nag sabi? Kailan man hindi ko kakausapin yang Impaktito!"

"Weh??? talaga lang huh!"

"Oo Bakit?"  O.o

"Haay sige na papakilala lang naman namin siya sayo eh! wag na choosey!"

I Love My Enemy!! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon