XI

57 2 0
                                    

Jazel P.O.V

Dalawang Araw na ang nakalipas hindi parin kami nakahanap ng paraan para maligtas siya.

Thought nagigising naman siya at nakapaglalakad pa...pero nakikita namin sa itsura ni Devone na dahan dahan ng kumakalat ang poison sa katawan niya, putlang putla na siya.

Dalawang Araw nadin naming hindi makausap si Ice....nasa tabi lang siya palagi ni Devone... Hindi na nga niya magawang kumain o matulog man lang..

Andito kaming magbarkada sa loob ng kwarto ni Devone...lahit kami nakatingin lang kay Devone na natutulog...binabantayan namin ang paghinga niya...baka kasi anumang oras hindi na siya humihinga.

Awang awa na ako sa best friend ko...kung may magawa lang ako pero wala eh...maya maya lang ay naramdaman ko na ang pagtulo ng luha ko.

Napatingin naman kami kay Kuya Sky na biglang tumayo at mabilis na lumabas.

"Susundan ko muna siya" pagpapaalam ko sa kanila.

Tumayo ako at sinundan ang kapatid ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa labas ng dorm ni Devone...umiiyak?

"Kuya?" ako, tinignan niya ako saglit at yumuko ulit

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.

"Kuya? Anong problema? Sabihin mo saakin"

Kambal nga talaga kaming dalawa...nakikita ko lang siyang malungkot nalulungkot nadin ako.

"Hindi ko kayang nakikita si Devone na nahihirapan" umiiyak na sabi niya.

Anong ibig sabihin niya? May gusto siya kay Devone?

"Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan Kuya... Ako din.. Kami din..hindi din namin kayang makita na nag hihirap si Devone" pigil iyak na sabi ko.

"Bakit siya pa kasi?" Sky

Niyakap ko nalang ng mahigpit si Kuya habang kinocomfort siya.

Ice P.O.V

Hindi ko kayang nakikita siyang ganito...nagigising man siya nangingitian ako, nayayakap pero alam ko namang ginagawa niya lang ito para hindi ako...kami mag-aalala...

"Ice?"

Agad naman akong napapahid sa luhang tumulo na sa pisngi.

"S-..shaine may kailangan ka?" ako

Nginitian niya lang ako at tinaas niya ang kamay niya...tumayo naman ako at tinulungan siyang umupo.

Umupo ako sa tabi niya at nagulat nalang ako ng bigla niya kong niyakap, kaagad ko din namang niyakap siya pabalik.

"Ice wag kang mag-aalala...malakas ata to" pilit ngiting sabi niya

"Alam ko" pilit iyak na sabi ko.

Hindi naman talaga ako iyaking Tao.. Pero iba na kasi pag siya na... Gusto ko na si Shaine noon pa...let me rephrase it...Mahal ka na si Shaine noon pa.. Matagal pa ngalang bago ko nalaman.

"Ice?"

"Hmm?" ako

"Gusto kong magpahangin" siya

Tumayo naman ako at akmang bubuhatin ko na siya ng pigilan niya ako.

"No! Kaya ko namang maglakad"

"I insist" ako

Hindi na siya nakapalag pa ng buhatin ko siya at dinala sa terrace ng kwarto niya..

"Naalala mo dito tayo naging mag boyfriend/girlfriend?" mahinhin na tanong niya.

Napatawa naman ako ng kunti.

"Paano ko naman makakalimutan eh nung isang araw pa yun." ako at hinalikan siya sa noo, at inakbayan.

"Oo nga no?" Mahinhin paring sabi niya.

Nakakapanibago ;(

Umupo kami sa upuan dito sa terrace ng kwarto niya.

Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko, habang ang kanang kamay ko ay nakahawak sa Kanang balikat niya para suportahan ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko, habang ang kaliwang kamay ko ay naka hawak sa kaliwang kamay niya.

"Ice?" siya

"Hmm?" Ako

"Alam mo bang crush na kita noon pa" sabi niya

Napatingin naman ako sa kanya, nakapikit siya habang sinabi niya yun, bakas din ang ngiti sa kabi niya.

"Oo...sa gwapo ko ba naman" I honestly said..gwapo naman talaga ako ;)

"At ganun din ako" ako

"Talaga?" Mahinhin niyang sabi habang nakapikit parin.

"Hmm..sadyang ayaw lang maniwala ng utak ko" natatawang sabi ko.

Tumahimik naman siya, kaya naman ay tumahimik narin ako.

"Alam mo..." pambabasag niya sa katahimikan.

"Ang saklap ng tadhana saatin, wala pa ngang Linggo na naging tayo eh agad na binigyan niya tayo ng pagsubok...Ang saklap pa dahil baka hindi na ako mabubuhay" siya

Inalis ko siya sa pagkakasandal saakin at hinarap ko siya sakin.

"Wag kang magsabi ng ganyan.....hindi yan mangyayare" galit na sabi ko

Pilit naman siyang ngumiti

"Totoo naman kasi" malungkot na sabi niya.

Hinila ko siya papa lapit sakin at agad ko siyang hinalikan.

Third Person P.O.V

Nagulat si Devone sa paggawang paghalik ni Ice sakanya.

Ng humiwalay na si Ice sa pagkahalik sa kanya ay agad niyang niyakap si Devone.

Napangiting mapait nalang si Devone.... Dahil ramdam na niyang anumang oras ay mawawalan na siya ng hininga.

Pinipilit lang niyang maging malakas dahil kay Ice..

Habang niyayakap ni Ice si Devone ay nararamdaman na ni Devone ang pangmamanhid ng katawan niya, gusto niyang umiyak sa sakit ng nararamdaman niya...pero pinigilan niya ito dahil ayaw niyang mag-alala ang pinakamamahal niyang Ice.

Dahan dahan ng pumipikit ang mata ni Devone.. Nanlalabo ng ang paningin at pandinig niya..

"Shaine?" Ice, pero hindi sumagot si Devone

"I love you" Ice...pero wala paring sagot mula kay Devone.

"Devone?" sabi ni Ice habang tinapik pa niya ng mahina ang likod ni Devone.

Agad niyang inalis sa pagkakayakap si Devone sa kanya, hawak hawak niya ang magkabilang balikat nito.

Nagulat nalang si Ice at nakapikit ito.

"S....---shaine?"

dahan dahang minulat ni Devone ang kanyang mga mata dahilan upang mapangiti si Ice.

Hinalikan niya si Devone habang hinawakan ang isang kamay nito at nilagay sa leeg niya.












Ilang segundo lang ay biglang bumagsak ang kamay ni Devone sa pagkakakapit nito sa leeg ni Devone.

Mas nagulat pa si Ice ng biglang bumagsak ang ulo ni Devone sa dibdib niya..hinintay niyang may hininga siyang mararamdam pero...

"S.....-shaine?" Yugyog niya ng mahina kay Devone...pero no response kay Devone.

"Hindi?!!Shaine!!!!!!!"

×××××ו°•××××××

Keep on reading guys

Dark UniversityWhere stories live. Discover now