chapter one.

7 0 0
                                    

"Miss Saveria Laverne Gutierrez???" Rinig kong tawag saakin ng sekretarya na pinagaaplyan ko na kompanya. 

Tinaas ko ang kamay ko upang makita niyang ako ang hinahanap niya. Sinenyas naman niya ako na sundan siya at iminuwestro niya ang pintuan upang pasukin ko iyon. 

Nang makapasok ako sa kwarto ay nakayuko ako at tumalikod upang isara sana ang pinto ngunit nakasara na pala ito. Nang makaharap ako sa office desk ng magiinterview ay nagulat ako. 

"Jacob Harris Calvo." 

Pucha ka nang neneng mo!!! Kilala ko 'to eh!!! Siya lang naman kasi yung lalaking minahal ko ng sobra sobra pero putangina, work, work at study muna siya. OH WELL, HERE GOES NOTHING. Kung hindi ako tutuloy dito wala akong trabaho though hindi pa naman sure na pasok na ako dito pero malay mo naman diba? We were once lovers. 

"Good morning, Mr. Calvo. I'm Saveria Laverne Gutierrez." Sabay abot ng kamay ko sa kay Jacob. 

"Miss Gutierrez take a seat." Balewala niya sa kamay kong nakaangat kanina ngunit nakababa na ngayon. 

Umupo naman na ako sa upuan sa tapat ng kanyang office desk. 

Inabot ko ang resume ko sa kanya. Binasa niya ito at nagsalita. 

"Tanggap ka na sa kompanyang 'to, you'll start first thing in the morning tomorrow." 

"Huh? wala man lang inter-interview?" Nagtatakang tanong ko. 

"Do you want this job or not? Miss Gutierrez?" Tanong niya pabalik saakin. 

"Hala!!! Oo naman, sir! Nako! Salamat sir!! Huwaa thank you po!!" Tumayo ako at inabot ko naman ang kamay ko muli sa kanya. 

Inabot naman na niya 'to. "It's so nice to finally meet you, Eri." Sabi niya habang nakatingin saakin, naestatwa ang mga kamay ko sa kanyang palad, hindi ko matanggal yun. Nakatingin din ako sa kanya. 

mga 30 seconds din ang tinagal ng titigan namin!!! What the hell? Gumalaw ka, Sav!!! 

At di nagtagal bumalik rin ang senses ko, tinanggal ko na ang kamay kong nakahawak sa palad niya kanina. 

"Sir, thank you po talaga!!!" Pang ulit ko nang maghiwalay na ang mga kamay namin. 

"Get your schedule sa office ng sekretarya ko noon. Paglabas mo makikita mo agad ang pintuan ng office niya. You may go now." Sabi niya at ipinasok na sa drawer ang folder ng may documents ko kanina na binabasa niya. 

Tumalikod na ako at tinungo na ang pintuan palabas upang hanapin ang office ng sekretarya niya. Kumatok muna ako bago akong pumasok. Nakita ko naman ang babae na nagliligpit ng mga gamit niya at handa na rin siyang umalis sa opisina. 

"Hi miss! Ikaw ba ang bagong sekretarya ni Bossing?" Maligayang bati at tanong niya saakin. Nagulat naman ako sa inasta niya dahil bakit ang saya niya na makakaalis na siya sa trabaho niya? 

"Uh, oo! Miss, bakit ka nga pala aalis? Pinaalis ka ba ni Jacob?" Tanong ko sa kanya. 

"Ay! Hindi! Kasi ikakasal na ako, tsaka hindi na rin ako pwede magtrabaho eh 3 months preggy na ang lola mo!!!" Rinig ang malakas na tawa niya sa buong opisina niya na medyo maliit kumpara sa malaking opisina ni Jacob. 

"Gusto mo maramdaman? At tsaka bakit pala Jacob lang ang tawag mo kay Mr. Calvo?" Tanong niya habang pinapakiramdaman ko ang tiyan niya. 

"Close ba kayo? Magkaibigan? Or??" Tiningnan naman niya ako ng mmay makahulugang ngiti. 

"Ay hala?! Hindi ah, pangalan naman niya yun diba? Hindi pa naman ako nagsstart sa trabaho kaya siguro pwede naman na Jacob palang ang tawag ko diba? Ako nga pala si Saveria-" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUMMER LOVE.Where stories live. Discover now