Malakas na ulan, mga papel at panulat, at isang tasa ng mainit na tsokolate. Napakaprentemg nakaupo sa kanyang swivel chair ang isang lalaki sa loob ng isang malaking kwarto na punong-puno ng mga bagay na hindi natural sa mata ng isang tao. Mga mata, tenga, miski kamay ay mayroon siya na nakalagay sa loob ng mga garapong naglalaman ng mga likido upang mapreserba ang ang mga ito. Meron ding iba't-ibang klase ng mga sandata na nakasabit sa dingding. Cross-bow, shotgun, pistol, mga short-range na sandata tulad ng katana,scimitar, at marami pang iba. Ngunit agaw-pansin sa likod niya ang isang malaking balat ng isang di pangkaraniwang nilalang na mas malaki pa sa karaniwang oso na makikita sa kagubatan.
Marahan niyang hinipan ang tsokolateng nakahanda sa lamesa niya. Humigop siya ng kaunti at muling ibinaba ang tasa. Mamaya pa ay kumatok ang isa sa mga alagad niya.
"Tumuloy ka." sagot niya sa nakakatakot na paraan dahil sa kalakihan ng boses.
Bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang balingkinitang babae. May magandang pangangatawan at nakasuot ng damit na nakakapang-akit. Tahimik siyang lumapit sa lalake at hinalikan niya ito ng mapusok. Matapos iyon umupo na ito sa gilid ng lalake.
"Malapit na ang oras. Makikita mo na siya at makukuhang muli. Ano na ang plano mo?" sambit niya sa lalake.
Napangisi na lamang ang lalake ng malawak at tumindig ng maayos. Tsaka niya sinagot ang babae,
"Ako na ang bahala doon. Mapapasakamay ko na siya at matutuldukan na ang kanilang lahi. Ang lahi ng mga Wulfia." Sabay nito ay ang malakas ng halakhak ng dalawa ng nakakapangilabot at ang malakas na pagkulog ng madilim na kalangitan dahil sa nagbabadyang panganib na dala nito.
YOU ARE READING
ERROR 404: Identity Cannot Be Found
Mystery / ThrillerMahirap. Oo, mahirap. Mahirap makisabay sa ikot ng mundong puno ng kasinungalingan. Mahirap intindihin ang mga bagay na ayaw nating mangyari Mahirap magtiwala sa mga taong hindi mo pa kilalang nais. Pero alam mo kung anong mas mahirap? ANG MAMUHAY N...
