'Bro tara na..oh Hi miss cheerleader' bati ng isa na kilala ko bilang Jonas, kasabay nitong dumating ang iba pang ka-team ni Zach, napansin ko rin si Inggrid na bahagyang lumapit kay Zach pero natigilan ng makita ako.. I can sense her rolling her eyes in my peripheral view.

'Hi miss Cheerleader, sabay ka samin' nakangising saad ng naka/black na shirt.

'Shut up Al!' Asik ni Zach.

'Tara na Shane! Allia!' Maotoridad na utos ni Jerric na akmang hahawakan ang kamay ko pero naunang humila si Zach sakin. He pulled me closer to him by my wrist, napilitan akong harapin sila Jerric because i'm on zach's side now. Hawak niya parin ang palapulsohan ko, I saw Shane smirked at napanganga naman si Jerric.

'The fuck Zach!' Singhal ni Jerric na akmang babawiin ako pero inilipat ni Zach ang pagkakahawak sa beywang ko.

'Back off Altamirado! I hate people touching what's mine!' My jaw dropped upon hearing that maging ang mga kasamahan niya ay natigilan at sa bandang huli ay nagsingisihan naman, mejo umaagaw na kami ng atensyon dahil ang tatangkad ba naman ng mga lalaking to. Kitang kita ko ang pagtigas ng ekspresyon ni Jerric.

'Anong pinagsa-' di niya na natapos ang sasabihin dahil hinila na siya ni Shane.

'Tama na kuya.. let's go' natatawang saad ni Shane bago niya akong binalingan 'bes, itext mo nalang ako mukhang hindi kana bibitiwan ni jersey #20 eh' panunukso nito na binalewala ang tensyon.

'What the hell Shaneia..' angil ni Jerric sa kanya.

'She'll be fine kuya.. ikaw na bang maghahatid kay Alli Zach?' Nakangising tanong ni Shane tumango lang si Zach at mas hinigpitan ang hawak sa beywang ko. Nakita ko pang pinipilit na hinila ni Shane palayo si Jerric hanggang sa makababa na sila ng escalator. Naiwan naman ako sa grupo ni Zach.
'Zach? Lets go..' malambing na saad ni Inggrid pero bago paman siya makahawak sa braso nito ay umikot na sa harapan ko si Zach.

'Mauna na kayo sa van. Susunod kami!' Sagot ni Zach na hindi nawawala ang titig sakin.

'What? Sasama siya?' natitilihang tanong ni Inggrid na halatang hindi nagustohan ang sinabi ni Zach agad siyang binato ni Zach ng matalim na titig.

'Yes. Do you have problem with that?' Iritadong tanong ni Zach na bahagyang nagpatalon kay Inggrid sa gulat.

'Woah! Sige na pare, mauna na kami. Lets go Inggrid' napilitan pang sumama si Inggrid sa kanila. Halatang nagdadabog! Nakita ko pa siyang pinandilatan ako bago sila tuluyang umalis.

'Z-Zach ahh.. uuwi na ako, magtataxi nalang ako' nauutal kong sinabi.

'Why? Dahil ba wala na si Altamirado?' Bakas ang iritasyon ni Zach sa sinabi niya.

'No! Of course not' agad kong sagot

'Then why are you going home?' Tanong niya.

'Eh kasi may practice kayo diba? Alangan naman tumanga ako dito sa mall' nakanguso kong sagot.

'Who told you that I'll leave you here? You'll go with me' dire-diretso niyang hinawakan ang kamay ko. 'I've been texting you..' nagulat pa ako sa sinabi niya habang naglalakad kami. He's been texting me?

'Hindi ko napansin eh.' I heard him chuckle and gave me a cold stare.

'Of course how would you know. You're with that altamirano' inis nitong sagot pero imbes na sumimangot ay nagawa ko pang ngumiti, nagseselos kaya siya? 'Stop smiling Miss Esquibelle. Walang nakakatawa sa sinabi ko'

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now